xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 25

Chapter 25

Nandito ako ngayon sa cafeteria. Bumibili. Nang makita ko si Nate, kaya sabay kami ngayong kumain. Medyo naging awkward sakin yung scene. Si Nate kasi ang kasama ko. Pero syempre, hindi ko pinahahalata sa kanya since.. wala naman syang alam na alam ko na yung tungkol sa tunay nyang nararamdaman para sakin.

"Nung isang araw, anong nangyari? Sainyo?" still nakakangiti parin sya ng ganyan. I'm so pathetic, bakit ako ganito!?

"Uhm.. ano.." anong sasabihin ko kay Nate.

"Nate!" napalingon naman kami parehas sa tumawag sa kanya. Si Ginji.

Lumapit sya sa table namin.

"Bakit?"

"Si Gael. Hindi sya umuwi sa mansion diba? At napag-alamanan kong nasa bar pa sya hanggang ngayon." napatingin si Nate sakin. Nagtataka siguro sya. Nagtataka din ako, bakit sinasabi ni Ginji ang mga 'to kay Nate.

"Sige puntahan ko na sya." may inabot syang maliit na papel kay Nate.

At nung kami na lang na dalawa, naging awkward yung aura. Ewan ko ba, parang kinakabahan ako. Este kinakabahan nga talaga ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ako mapakali. Nakatingin kaya sya. O baka naman nakaalis na sya? Ayokong tumingin! Hanggang ngayong malinaw parin saking alaala ang lahat ng nangyari kahapon. Ang halik.

Hala! Mas mahirap pa pala to kesa sa kaharap ko si Nate.

"7pm at the Parking Lot!" napatingin ako sa kanya. Pero naglalakad na siya papalayo sakin

Ako nga ba ang sinabihan niya. 7pm?



Halaaa! Umulan pa! 6:58 na. Saan ko naman kaya makikita sa ganitong oras si Ginji? Ang daming tao. 2 minutes na lang..-- AH?

"Hello?" walang sumasagot. Pero naagaw ang atensyon ko sa taong di naman ganong kalayuan sakin. Nakapayong at di kita ang mukha. Parang familiar.

Sumenyas naman to gamit ang kamay, parang may pinapalapit siya. Sino kayang tinutukoy?

Tumunog muli ang phone ko.

"He-"

"ANU BA! ANG LAKAS NA NGA NG ULAN AYAW MO PANG LUMAPIT DITO!" bigla ko namang napalayo ang cp ko. Tapos ang dami na palang nakatingin sakin. Agh. Nakakahiya!

Napatingin ako dun sa taong yun, at Nakikita ko na ang mukha niya. Talagang natatawa pa sya a. Bahala sya dyan.

Naglakad ako sa pathway papuntang gate. Di ako dadaan papuntang parking lot. Matuto sya, nanliligaw palang sya pero kung makaasta sya.

"AHH!!~"

"Ano ba!!" shet naunahan pa ako sa taxi.

Napatingin naman ako sa magarang kotseng tumigil sa harap ko. At pagkababa nya ng salamin.

"Get inside. I told you, you can't get rid of me." tapos kinindatan pa nya ako. Shet. Nagbablush ata ako.  "Use this." may inabot sya saking payong. Ginamit ko naman at agad na pumasok sa kotse niya.

Pagdating naman namin sa condo niya,


"Here." bigla nyang pinatong yung tuwalya sa ulo ko.

"Ako na--" humarap sya sakin at sya narin ang nagpunas sa buhok ko. Ang lapit nya.. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Shet nanghihina ako,

"Ginji.."

"Ano to?" may kung ano syang kinuha sa buhok ko kaya mas kinabahan ako.

"Ang baduy mo naman.. e.." tapos may iniharap sya saking..  bracelet. Ang ganda! "Para kanino!?" ang ganda. Parang gusto kong hawakan. Meron din kasing sing sing. Tapos mga puso puso. Ang ganda.

"Dun sa babaeng nakilala ko." bigla ko syang hinampas.

"Ikaw a. Nanliligaw ka palang pero nambababae ka na agad!" oo naiinis. At mas nakakainis na nakakangiti pa sya ng ganyang katamis. Ampogi niya.

At habang hinahampas ko sya, bigla naman nyang hinawakan ang mga kamay ko. THUMP. Kinakabahan talaga ako.

"Syempre para sayo lang to." tapos ngumiti na naman sya habang nilalagay ang bracelet sa kamay ko. Shet! Bakit ako pinagpapala ng ganito!? Ang pogi talaga ni Ginji. Tapos ang romantic pa niya.

"Yung bracelett, kasi.. nagsisimbolo ito bilang posas. Pinoposasan kita. Kasi gusto kitang angkinin.."[/note: hehe sa manga ko lang muli yan nabasa] muntik ko ng bawiin ang kamay ko. Pero hinawakan naman niya. Crossed hands. yung hindi na talaga makakawala kamay ko. Ang lakas at ang bilis na kasi ng tibok ng puso ko. Namumula pa ata ako. Kahit na anong oras maaari akong sumabog nito sa kahihiyan.

Tapos nakakangiti pa sya ng ganyan na mas lalong nagpapakaba sakin. Hmf.

"Akin ka lang Serene,
at ipangako mo..













na hinding hindi mo ako iiwan."
sumeryoso naman ang mukha niya. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Diretso ang tingin niya sakin.

Pero bigla ko na lang sya niyakap, at..
















"Pangako, kahit na ano pang gawin mo, hinding hindi kita iiwan." mahal na mahal kita Ginji..