xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 13

Chapter 13

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang umiyak sa harap niya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang nyang ginawa yun at bakit sya nagkikikilos ng ganon. :-\ Mukhang...nakonsensya ako sa ginawa ko. Hmm...WAAAH!~ NAGUGULUHAN NA TALAGA AKO! Ano ba talagang hindi ko maintindihan sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko?

Naglalakad ako ngayon ng makasalubong ko si Nate. Napangiti naman ako. Tatakbo na ako para sorpresahin sya. Pero.... :( pagkatingin ko sa taong kausap niya. NAPAHINTO AKO. Hindi ko alam kung galit ba ang nararamdaman ko, pero KAILANGAN MAGALIT AKO.

Lumapit ako kay Nate. At gaya ng inaasahan, ngumiti sya. :)

"Hi. Ano, okay ka na ba?" pinat nya ako sa ulo. Ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya. :)

"Gutom ka? Ginawan kita ng sandwich?" napatingin ako sa direksyon nya. At nakikita ko pa syang naglalakad palayo.

"Nate. Salamat talaga sa pagligtas sakin. Ahm.. aalis lang muna ako." tumakbo na agad ako. Narinig ko pa ata syang nagsalita, kaso masyado lang talaga akong nagmamadali kaya mas nakasteady ako sa lalaking yun.

May pinuntahan syang lugar. Kaya agad naman akong sumunod. Mukha namang walang tao dun. Kaya pagkakataon ko na rin.

"May kailangan ka?" naupo sya habang binubuksan ang laptop nya. Napansin nya agad ako.

"Gusto ko lang sabihin na 'SALAMAT', salamat sa mga magagandang ginawa mo sakin."

"Do you considered that kiss as a good intension?" tumigil sya sa pagtatype.

"At gusto ko rin sabihin 'NA TIGILAN MO NA ANG PAG-IINTERFERE SA BUHAY KO. Ayoko ng sumasali ka, ang mga halik na yun...lahat ng yun. PAGKAKAMALI LANG." tumalikod na ako pero....bigla naman nyang hinigit ang braso ko.

"Bakit mo ba to ginagawa!?"

"Do you like me?" binitawan nya ako. Nagulat sya. As if naman na hindi ko inaasahan yun. Kung sya si imadevil, hindi na sya magugulat. Kung sya si Nate, ngingiti lang sya. Bakit ba nya ginagawa ang mga bagay na yan? :-\

"May mas importante pa akong dapat gawin."

"Bakit, hindi ba ako importante sayo?" hindi ako sumagot at nagwalk-out na lang ako.



Sa mga sumunod na araw. Mas nagfocus na lamang ako sa studies, works, swimming at kay Nate. At parang gumagana naman ang mga gusto ko. Hindi na nagpakita ang Ginji na yun. Pero hindi ko narin inisip yun, kasi nandyan parin naman si imadevil. At gaya ng dati, patuloy parin nya akong chinachat at binibigyan ng message. Mukha namang good mood sya. At the same time, mas nakikilala ko si Nate.

He's a dense person. Napakapositive nya sa lahat ng bagay. Palagi pa nya akong tinutulungan sa iba't-ibang bagay. Kung minsan, hinahatid nya ako sa room ko at ganon din ako sa kanya.

"Nagkakamabutihan na kayo nung Nate ah." siniko pa ako ni Becca sa tagiliran. Haha...di naman sya kinikilig eh!

"Sayang naman yung Ginji." dugtong naman ni Rayne. Oo! Magkakasama na muli kami. :D

"Uy Rayne may Justin ka na kaya!"

"Oo nga eh. Kung siguro wala akong Justin, lalandiin ko na si Ginji. Since malapit naman sya kay Serene...." may echo pa oh.

"Pero....kahapon pa syang wala dito sa campus?" fumocus ako sa usapan nila.

"2 araw ng wala si Ginji!? :o Aw! Kaya pala di active ang club namin."

"Haha! Sumali karin sa fansclub ni Ginji?! :D"

"Oo naman! Di yata ako papahuli! :D" nagtawanan sila. :-\
Hindi...hindi pumapasok si Ginji? Kailan pa? Bakit? Dahil ba sakin? Hmm...pero...imposible! Di naman nya ako gusto.

SIGH

"Ah?" napatigil ako sa paglalakad. Nandito ako sa terrace ng hrm building. Pupunta sana ako sa room ni Anton para ibalik sa kanya yung ballpen'g hiniram ko. Pero...nakasalubong ko naman si Justin. Kaya tumambay muna kami. Habang nakadungaw sa may ibaba.


"Isa to sa mga gusto kong mangyari nun,... Ang makasama ka. Ng...TAYO LANG." nginitian nya ako. Ngumiti naman ako sa kawalan.

"Kailanman, hindi pumasok sa isip ko na si Rayne, na si Rayne na minahal ka ng ganong katagal. Na si Rayne...ay magagawa mong mahalin."

"Aalagaan ko sya." :) tumingin ako sa kanya. Sinuntok ko sya sa braso.

"Wag mo syang igagaya sakin ah!" at nagtawanan lamang kami.

Sinamahan ako ni Justin sa room ni Anton para nga ibalik yung ballpen. Tinext pa nya si Rayne na ihahatid narin nya ako sa classroom ko. At bago ako pumasok, may binigay ako sa kanya. Box. Binuksan naman nya to sa harap ko.

"Eto?" pinilit kong ngumiti.

"Matagal ko ng gustong kunin mo yan sakin. Pero pilit kang umiiwas. Akala ko, may pag-asa pa kaya sinusuot ko pa sya. Kaso...nung araw na handa na akong kalimutan ka. Nalamam kong, kayo na pala ni Rayne. Kaya ngayon, ayoko ng hintayin ka para kunin to ng kusa. Binabalik ko na sya sayo." tumingin lang sya sa kwintas. Ngumiti sya. :)

"Kung yan ang gusto mo. Thanks for the memories." ngumiti ako at napatungo. Gusto kong umiyak pero pinilit kong huwag. Pinat naman nya ang ulo ko. Ang maiinit na kamay ni Justin, para sakin...wala na lamang yun. Wala ng kuryente. WALA NA TALAGA AKONG NARARAMDAMAN SA KANYA. :'(



lakad.lakad.lakad.

Tingin sa phone.

waaaah. Parang gusto kong tawagan si Nate. Hehe :P wala lang. Ang ganda kasi ng boses ni Nate sa phone. :-\ Pero parang di ako mapakali. Hmm~ di naman kaya dahil wala ang kissing monster na yun. HM! Pagkasabi ko ng kiss, napahawak ako sa labi ko. ....




....

Ilang beses na ba kaming naghalikan? Pero....parang....wala naman akong nararamdamang galit sa mga halik na yun. Hmm! Hmpf! SABIK NA AKONG MAKITA ANG GUARDIAN KO! GUSTO KO SYANG MAKASAMA--


napalingon ako sa likod ko.


May mga tao. At-- sa kanan ko. Bakit...parang may mga tao sa paligid ko? BAKIT SILA NAGTATAGO?