Sana pala wala ako ng araw nayun sa Bar, sana pala di ko na lamang nakita lahat, sana nagpanggap na lang ako...at sana...hindi ko pinabayaan ang relationship namin. Na sana hindi lang kami 6 months ngayon...sana hanggang ngayon AKO pa din. :'(
"Uy Serene, wag ka naman umiyak, nagiging madrama na tayo eh!" napalingon ako sa kaliwa ko, umiiyak ding pala si Rayne. Bakit ba nandito ang dalwang to? ???
"Oonga Serene, maawa ka naman kay Rayne. Tingnan mo, tumutulo na ang uhog kakaiyak."
"Nagsalita ang hindi, ang pangit mo na nga eh." sabay-sabay kaming tumawa. :D
Matapos kong habulin si Justin para itanong ang lahat, matapos niya akong baliwalain, pagkatapos ng pagpapakatanga ko, at ang pagbalewala niya sakin ng ganon...siguro hindi ko magagawang tumawa gaya ngayon kung hindi dahil sa dalwang bruhang nasa tabi ko. Sila na lang yata ang mapapagkatiwalaan ko eh. :-\
Sinubukan kong pumasok sa klase ko ngayon kahit na alam kong hindi pa ako okay at wala pa ako sa tamang katinuan ko. Ganito pala kalakas ang tama ng pag-ibig. Kaasar! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana...hindi na lang ako sumugal sa ngalan ng pag-ibig na yan! TSS~
Hmm..ito na naman sya. Parang di nabago, pagtinitingnan ko sya sa malayo na napapalibutan ng mga babae, NAIINIS PARIN AKO. thump.thump. Pero ngayon...hindi lang inis, NAGSESELOS NA AKO, kasi MAHAL ko na ang playboy na to eh! At nakakaasar man aminin, pero...GUSTO KONG IBALIK ANG LAHAT. Martir na kung martir, WAPAKELS! Minsan lang mainlove si Serene. ::)
"Aw..wala ka na ngayong gf? Hmm..date na lang tayo?" kinikilig na sabi ng mga babae.
Malayo ako sa kanila pero rinig na rinig ko. Ang mga babaeng to! GRR~ nawala lang ako sa tabi ng lalaking gusto nila, akala mo naman mauubusan ng lalaki! Kalmutin ko mga mukha niyo eh! MEOW! =^.^=
"Sige ba, anytime, free ako!" sabay kindat. Uhm, Justin, di mo ba ako nakikita dito? :(
"Wow! Talaga! Ang swerte naman namin!"
"Saan naman tayo magdedate!" kung magsaya sila, parang namang wala ng bukas oh. >:(
:o Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Justin yung chin ng babaeng pinakamalapit sa kanya at nilapit niya mukha niya tapos... Ewan ko ba kung hinalkan niya yun. :-\
"WAAAAH~ Kami din huh Justin!" sa tingin ko magwowalk-out na lamang ako.
"Sige girls, bye!" sabay flying kiss. Bumalik na naman sya sa pagiging playboy. Kailangan sundan ko sya!
"JUSTIN!" di sya lumingon. "Justin." hanggang sa maabot ko na ang braso niya. *pant*Seryoso syang tumingin sakin. Hindi ko mabasa ang mga tingin niya.
"Justin.-"
"What!? Kung wala kang sasabihin, maaari bang hayaan mo na akong umalis? And please!...bitawan mo ako." eh kung bangasan kita nga- :-[ I mean...Justin naman...ayaw mo na bang bumalik sakin? Tayo na lang uli oh?
"Mag-usap naman tayo?" tuluyan nyang inalis ang mga kamay kong nakahawak sa kanya.
"Anu ba! Di pa ba to pag-uusap?! Yan ang mali sayo eh, masyado kang malabo!" biglang bumeep lahat ng sasakyan sa paligid namin.
"Anu...technology naman ngayon! Bakit ba pagtayong dalwa, parang palaging may humahadlang sa paligid natin. Anu!?" umalis sya.
Hindi hinahadlangan ng guardian ko ang pagmamahalan nating dalwa, talagang...ayaw lang niyang nakikita akong nasasaktan.
Ganon pa man, ako naman talaga ang may kasalan, right? Sana di ko na lang yun nakita, kung ganito naman pala kasakit na maiwala si Justin. Gagawin ko ang lahat...para MAIBALIK ANG TIWALA NI JUSTIN. :-\
----
Quote
Imadevil: So what is your plan?
Serene_19: I'll do everything, just to get him back.
Imadevil: I don't wanna see you in tears.
Serene_19: Lahat ng tao nasasaktan, I don't care.
Hindi na naman sya nagreply. Para bang pag si Justin na ang topic namin, palagi nalang kulang ang oras niya. Hindi naman kaya...nagseselos ang guardian ko? TING! Hahaha! IMPOSSIBLE! >:D UHM siguro dapat isipin ko kung paano ko maibabalik ang pagmamahal ni Justin. Nagkakaganyan lang naman sya dahil sa ginawa kong pagpapabaya sa relasyon namin. TAMA! MAMAHALIN MO MULI AKO JUSTIN! Wahahahah! >:D
"Justin! Justin! Huy!" lumingon naman sya.
"Hehe." mukha akong muang dito --> salita ba naman ;D
"Anu!?" ganito mo ako nililigawan noon diba? Nung ayaw ko naman talagan magpaligaw sayo...pero pahard to get pa kamo ako. Ngayon...ako naman ang manliligaw sayo. "Ngumingiti ngiti ka dyan, bahala ka nga!"
"Huy! Anu ka ba, wala pa nga akong sinasabi eh." hinding hindi kita titigilan Justin. "Anu...barkada pa naman tayo diba? Anu..magpapaparty si Rayne sa bahay nila!" TOINK! At kelan pa sinabi ni Rayne yan!? Maniwala muang din! Ang tanga ko naman mag-isip.
"Talaga?" shoot! 8)
"Oo! Punta ka ha!?" yehey! :D
"Buong barkada? Syempre naman!" ANO!? Pero... :-\
"Ah hehe. Op kors!" at umalis na sya. Kawawa ako nito! Anong gagawin ko! :'(
Dumating ang araw at pumayag naman si Rayne na magpaparty na barkada lamang talaga namin ang imbitado. Bago pa nga sya pumayag, nasabihan na naman ako ng luka at baliw na ang MARTIR ko daw. Eh sa mahal ko sya eh, martir na ba ang tawag dun. :P Pero sana talaga, magwagi na ako sa pagkakataong to. Sana...maayos ko na ang dapat.
"Here's na ang food!" lahat sila namangha. Gumawa din naman ako ng pie na paborito ni Justin.
"Uy Justin, pie oh!" lumapit naman sya.
"Sino nagluto?"
"Si chef Serene. Alam mo ba magaling syang magluto. At pinagluto ka nyang talaga nyan para lang bumawi!" masaya na sana kaso dinugtungan pa ni Anton eh. Pahamak talaga. >:(
"Ah. Busog pa ako eh." tapos bigla niyang alis. Nakita ko naman na sinipa ni Becca at Rayne si Anto at ako...sinundan ko si Justin with a slice of pie.
"Justin!" hinabol ko pa sya hanggang terrace.
"Huy! Pie oh! Ano ka ba naman, pangkaibigan lang to. Hmm..walang ibig sabihin to. Diba nga...we're done?" ouch! Ang sakit ng sinabi ko. :P
Tumingin sya sa mata ko. Matagal bago sya sumagot. Tapos makita ko na lang na lumalapit sya sa mukha ko...hindi pa ako handa sa first kiss ko...pero....
BEAUTIFUL GIRLS ALL OVER THE WORLD~ -->ringtone naman ni Justin.
Agad naman nyang sinagot. Lintik na pagkakataon yan ah! HMF! Anu ba...bakit!? Kung kelan ako desperadang maibalik sya saka pa hahadlan. Waaah! Mahal ko na talaga si Justin, anu ba! :'(
"Uhm excuse me, Serene." lumayo sya pero parang may nagforce sakin para lumapit at makinig sa usapan nila. Bad Serene....dapat pala hindi na lang ako nakinig. :'(
"Ha? Wala akong kasama, okay nasa bahay lang ako. Okay...hmm....Ingat! Loves." parang tinusok ng milyong milyong karayom ang puso ko.
Binaba na niya ang phone. At agad ko namang pinunasan ang luhang parang namumuo sa mga mata ko. Ngiti Serene. Ngiti.
"Naku! Guys..kailangan ko na talagang umalis! Sige na." guys? Wait? Hindi niya ba ako napansin? Wala man lang bang..'Sige rin, Serene' :'( Okay wala na sya Serene, maaari ka ng umiyak. Huhu! Bakit kasi minahal pa kita Justin Fajardo!
----
Pagkatapos din nung araw nayun, mas pinanghinaan pa ako ng loob na mas maibalik ko si Justin. Napapagod din naman ako sa kakasunod sa kanya, ang pagngiti ng mga peke, at ang pagkukunwaring okay lang ang lahat. Pero sa huli...sasaktan parin niya ako. Pero ngayon...hindi na ako masyadong umiiyak, since di ko na naman nakakasama si Justin. Hayaan ko na lamang kaya? :-\
"Sige na Serene, sumama ka na mamayang gabi. May surpresa kami sayo!" kanina pa nila akong hinahabol.
"Ganon pa rin naman ang mangyayari. Di ko na sya maibabalik." lakad parin ako ng lakad.
"Hindi mo ba alam. *pant*" hinihingal na sila. ???
"Na suot suot niya ngayon yung T-shirt na binigay mo nung monthsary niyo." napatigil ako.
"Atsaka alam mo ba may special treatment parin sayo si Justin." lumingon agad ako.
"Totoo ba yan!?" :D
Kaya naman nung gabing yun. Sinigurado kong magiging okay ang lahat. Nagmake-up ako, nagsuot ng something na gaya ng sinabi nina Becca at Rayne, at nagpabango. Sana maagaw ko na ang atensyon ni Justin sa itsura kong ito. Sana magandahan sya sakin. :-[
Pero kahit ayos naman ang lahat. Parang bang ilang na ilang ako. Hindi ako komportable. Tapos...may mga tumitingin tingin pa. WAAAH!~ TUSUKIN KO MATA NILA Eh! >:(
"Guys!" sina Anton ata ang binati nila. Nasa likod kasi ako eh. Wait...nasaan na ba si Justin.
"Oh kayo lang? Nasaan si Serene?" hindi ko masyado marinig ang sinabi nila. UHM! HMMM...wAAAAH! May nanghihipo sa legs ko! >:( Grrrr~
"Presenting...Serene Gonzales!! "
PAK! PAK! PAK! Ginrab ko ang damit niya at sinuntok! BASTOS! WATTACK!~ >:( >:(dumugo naman ang labi niya at inawat na lamang kami.
"!@#$ ka! Bakit mo ginawa yun! MANYAKKKK~"
"Serene?" sa kakasigaw ko, hindi ko napansin na nakatingin lahat at nakatigil ang music. At...NAKAKAHIYA PALA ANG GINAWA KO! :-[
"Mas !@#$ kang Amazona.!-" akala ko susuntukin niya ako... :o
"Sige subukan mong saktan sya. Sisiguraduhin kong...sa impyerno mapupunta ang kaluluwa mo!" ang mga mata ng lalaking yun. Kahit nanlilisik sa galit, kahit nakakatakot sya makatingin, parang...ang lakas ng impact sakin yun. Sino ba sya?
"Serene, okay ka lang ba?" lumapit agad sakin sina Becca at Rayne. Umalis naman agad yung lalaki na dinakip ng mga guard at yung lalaki ding nagtanggol sakin. Thump.thump. Parang gusto ko syang habulin.
Bumalik naman sa normal lahat.
"Guys!" tumingin naman kami, "Meet Sabrina, my current gf." parang nahulog ang puso ko. Agad naman akong lumapit kay Justin, hindi ko alam kung bakit parang gusto kong ipakita sa kanya ang itsura ko.
"Justin." ngiting-ngiti kong sabi. Pero...imbis na tingnan niya ako, hinalkan naman sya ng gf niya. :o
Okay. Anu pa bang ineexpect ko, alam ko namang mangyayari to eh. At ayoko na talaga. :'(
"Justin." di sila tumigil sa paghahalikan. Hindi pala..hindi tumitigil ang gf niya sa paghalik sa kanya.
"Can you please stop kissing him!?" nagulat naman si Justin. Pati sina Anton na patuloy na nanonood samin. Lumapit naman sina Becca at Rayne sakin.
"Serene?"
"Why are you acting like that!?" dinedma ko sya.
"Pakialis ng necklace!" nagulat si Justin sa sinabi ko. Seryoso ako! Tatapusin ko na ang kabaliwang kong ito. Hindi na ako ito eh. Atsaka...ayoko ng magpakatanga dahil sa kanya. Atsaka sa simula palang naman talaga, hindi ko sya piniling mahalin.
"Justin." Justin...kung aalisin mo'to, pangako, titigilan na kita.
"Guys. Kailangan na nga pala naming umalis ni Sab. May pupuntahan pa kasi kami." dinedma na naman niya ako. Hindi na kita hahabulin Justin.
"Serene, tama na, lasing ka na eh!" pagkaalis ni Justin at ng gf niya. Inom na lang kami ng inom nina Becca at Rayne na actually eh dinadamayan lang naman ako. Ewan ko...pero kanina pa ako inom ng inom pero parang wala naman effect yung alak. Bakit masakit parin! >:(
"Serene, lasing na kamiiii~ HEHE!" ang dalwang to talaga. Wahahaha! ;D
"Ihatid nyo na nga yan Anton at Rex!" uminom muli ako. First time to ha.
"Pero...paano ka? Babalikan ka na lang namin!" napaub-ob naman ako. Waaaah! I feel sleepy. *hick*
Ang ingay. Waaah! Ang ingay! Gusto ko ng matulog. Hmm...pagbangon ko, wala na sila. Okay...iniwan ako! Wahahaha! Anu pang ineexpect ko. UHM! Tumayo ka Serene, uuwi na tayo! Hmmm...anu ba yan? Bakit parang nahihilo na ako? Doble doble na lahat lahat?! Hmm...baliw na ata...AAAAAH!~
"Oops sorry!" nagpiece sign ako. Muntik ko ng masagi ang gamit niya.
"Hindi mo kailangang gawin yan!" huh? AAAAAAAH!~ :o
thump.thump.thump.thump. Parang nagkatino ako nung biglang may sumagi sakin. At tumilapon ako sa katawan ng lalaki, este, ang laswa naman ng pagkakasabi ko. Nakaupo kasi yung guy tapos nasa ibabaw niya ako na medyo nakatayo naman pero naunbalance kaya nakahawak ako sa mga balikat niya. Gets nyo ba? Naiimagine nyo ba? :-[ WAAAH~ ang hirap idescribe.
"s-sorry." ang lapit ng mukha niya. Waaaah. Maling galaw ko lang at mahahalikan ko sya. Medyo kinibo ko ang kamay ko para kumapit sa upuan at makatayo naman ako na maayos.
NANG.... :o :o :o *kiss*
Bigla niyang hinawakan ang bewang ko papunta sa likod papalapit sa kanya at....naramdaman ko ang paglapat ng mga labi namin. WAAAAH~ HINALIKAN NIYA AKO.