xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 9

Chapter 9

"Aw...mabuti na lamang at ayos na ang lahat. Bumalik na sa normal. At nakilala ka pa Serene, mukhang sikat ka na! Wooot! Kalevel mo na ang Celebrity'ng si GINJI!" :o bigla akong kinabahan pagkarinig ng pangalan na yun. Kaya tumayo agad ako.

"Nagugutom na ako! Sige huh Becca!"
"Uy sandali Serene!"


Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Napansin ko naman na ayos na nga talaga. Nang makarating ako sa cafeteria, mabilis ko pinaread ang i.d. ko at bumili ng lemonade. thump.thump. Pero mukhang di nakatulong kinakabahan parin ako.

Naglalakad ako at napansin ko ang mga taong nagbubulungan. Tiningnan ko sila. Kalevel ko na nga ba ang monster na yun....pero hindi naman sila nakatingin sakin. At nung tingnan ko ang taong tinitingnan nila: :o Waaah! Bakit nagkukrus ang mga landas namin! :o Napatitig ako sa kanya. titig.titig. Waaaah! Ganito ang look niya ??? pero bakit ang gwapo parin niyaaaaaa! :o

Nagrun-out ako at napunta sa rooftop gamit ang hagdanan. Wala ako sa katinuaan. BIG SIGH. Paano kung sya nga....pag sinabi ko... 'Once, you reveal my real identity, IT'S OVER! I'm done as your guardian.' yun ang mangyayari. Ano!? Anong gagawin ko!? Bakit kasi....

"Umiiyak ka ba?" napalingon ako. Sino nga uli sya.

"Hindi. Nagkataon lang na madami akong iniisip."

"haha. Pansin ko nga eh, bigla bigla ka na lang tumatakbo." :o ??? Paano niya nalaman? Nasa cafeteria din ba sya kanina? Stalker ko ba sya? Naaah imposible. (-_-)

"Wag mo kasing pagkaisipin ang mga problema mo. Lalong lalaki yan kung ganyan ka." is he trying to comfort me? Ngumit sya bigla. Ang ganda ng mga ngiti niya. Parang bang nakakagaan ng loob.

"Sige alis na ako..." nakatingin parin ako sa kaniya. :o "Take care, Serene. Haha." :-[ Bakit niya ako kilala?


At dahil sa nangyari, mas gumulo ang isip ko. Ang nangyari kanina ay napakamisteryoso...*BLAG*

"aAH!!!" napaupo kami parehas.

Pagmulat ko ng mata. "Rayne!" nagulat sya pagkasabi ko nun habang nag-aayos ng gamit. Agad akong tumayo. At lalapit sana sa kanya-- :o

"Pasensya ka na, Serene. Sige nagmamadali kasi ako!" at agad syang tumakbo. Hahabulin ko sana pero nawala ako sa sarili kaya paglingon ko....wala na sya sa paningin ko. ??? Anong problema? Bakit umiiwas sya?

Tinext ako ni Becca na pumunta daw sa Bar. Pero wala naman ako sa mood. Kanina ko pa kachat si Imadevil pero hindi ko mabuksan ang topic na yun. Ang topic na....baka kilala ko na sya. :o

I'VE BEEN DRIVING FOR AN HOUR~


Kanina pa ako kinukulit ng barkada ko. Siguro kailangan ko na talagang umalis. Ipagpalipas araw ko na lang ang mga nangyayari. Hmmm...may nalaglag. At pagkakita ko.... :-\ Ang necklace ni Justin. :-\ Matagal ko ng napagdesisyonang kalimutan sya, pero di ko magawang magpaalam. At siguro ngayon na ang araw.

"Serene! Akala ko hindi ka na darating." niyakap ako ni Becca. At naupo kami parehas.

As usual, madami paring tao sa Bar. Maingay. At dumating naman si Rayne. Natuwa ako somehow.Gaya ng ginawang pagyakap ni Becca, niyakap ko rin si Rayne. Pero halatang halata ang pagkailang dito. Nang makarecover sa katahimikan, ako agad ang nagsalita.

"Nasaan na ba si Justin? Akala ko ba kumpleto tayo." natahimik silang lahat. ??? At kasabay na yun. Ang pagkapansin ni Becca sa suot kong necklace.

"Wow. Suot mo pa pala yan...haha Serene!" napangiti ako. "Naka7 months kayo syempre mahirap nga naman magmove-on." ano daw? ??? Agad na tumayo si Rayne.

"C.R. lang ako." natahimik na naman sila.

"Oh ano Serene, nakapag-adjust ka na bang muli sa school. Na sayo na ang i.d. mo."

"Ahm oo namam Rex. Ahm...akin na lang tong lemon huh." uminom ako ng alak at kumagat ng lemon. Eeh ang tagal narin nito. :P

"Guys!" napatingin ako. At sabay sabay naming binati sya.

"Justin!" tumayo ako at ngumiti.

"Oh Serene. Ahm...si Rayne?" hindi niya ako tiningnan. Hehe...pero normal lang yun. Sanay na ako. :P

"Uh puntahan ko lang sya." umalis si Becca at lumapit naman ako kay Justin.

"Uh, Guys...may puntahan lang ako." iniwasan na naman niya ako. Wait? ??? Masyado syang harsh. Diba okay na kami.

Tumingin naman ako kina Anton at gaya ni Rayne at Justin. Di rin sila makatingin ng diretso sakin. Ano ba talagang problema? Kaya no choice ako, kailangan kong harapin sina Becca at Rayne. May tinatago sila. :-\ Kaya sa cr ako pumunta, pero wala naman sila. Naisip kong pumunta sa rooftop. At nakita ko naman si Justin na nakikisama na naman sa kung sinong babae. Hinawakan ko ang dibdib ko, HINDI NA AKO NASASAKTAN. Wala na akong nararamadaman para sa kanya.



Pagdating ko sa rooftop.,

"Hindi ko naman alam na may feelings pa sya kay Justin." boses yun ni Becca.

"Paano ko...paano ko sasabihin kay Serene na KAMI na ni Justin." napahinto ako sa paglalakad. Kami? Sila ni Justin? At ang boses na yun....ay....








KAY RAYNE.


naglakad ako papalapit sa kanila at hinarap silang dalwa.

"Ano ang dapat sabihin?" yun agad ang unang lumabas sa bibig ko. Bakas sa mga mukha nina Becca ang pagkagulat sa biglaang pagdating ko sa usapan nila. Napabuntong hininga si Rayne.

"Serene..."

"Rayne, kayo na ba talaga ni Justin?" seryoso kong tanong. Hindi sya makatingin sakin.

"Serene, hindi namin intensyong itago. Pero...alam mo, gusto sana namin masiguradong wala ka ng nararamdaman pa para kay Justin. Ayaw ka naming masaktan."

"Kailan pa!?" >:(

"2 weeks after ng break up ninyo. Sa may school lab., humingi ng permiso si Justin manligaw. Hindi ko alam kung bakit, kasi kayo naman diba. Ang totoo rin....nagconfess ako kay Justin ng feelings ko nung hs kami. Kaya pumayag naman ako. At....after a week, sinagot...ko sya--" *PLAK* sinampal ko sya. Teary eyed naman si Rayne.

"I thought you're !@#$, pero pinatunayan mo sakin kung gaano kababa ang dignidad mo para sagutin ang ex ng bestfriend mo!" gusto ko narin umiyak. Pero..."Wala akong pake kung magkagf si Justin! Dahil DI KO NA SYA MAHAL!" biglang napatingin sina Becca at Rayne sakin.

"But..I will never forgive you! Kapag....kapag lumapit ka saking umiiyak ng dahil sa kanya!" tumakbo ako palabas sa Bar.

Mukhang di ko yata nakumbinsi sina Beccca at Rayne na wala na talaga ako gusto kay Justin. Pero bakit ba ako umiyak! Di ko na naman sya mahal diba! Mahigit 1 buwan na ang nakakalipas, at sapat na ang mga luha ko para kalimutan sya. Kakalimutan ko na sya. :'(



Hmmm...bakit ba ako nandito sa sidewalk? Diba dapat bumalik ako? Tama! *blag* Minulat ko ang mga mata ko. Kaasar! May tao pala sa likod...ko? :o

"Ah?" anong ginagawa niya dito? Sinundan ba niya ako.

Sumide-view sya habang sinasabi to,

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!?"

"Bakit mo ako sinundan dito?" bigla niyang hinigit ang kamay ko. Dinala niya ako kung saan. Ang bilis nga nyang maglakad. At...isinakay niya ako bigla sa sports-car niya. Ang bilis nyang magpatakbo. Demonyo talaga to! >:(


"Ano ba! Papatayin mo ba ako!" yun ang una kong sinabi pagkahinto nya ng sasakyan nya.

"BAKIT KA BA UMIIYAK NA LAMANG PALAGI SA BAR! ANG BAR AY LUGAR KUNG SAAN DAPAT MAGSAYA AT MAG-ENJOY. Ayoko sa mga babaeng umiiyak sa teritoryo ko." napatingin ako sa paligid.

Nasa malapit sa dagat kami. Nakikita ko ang tulay at ang kakabit na lugar nito. Ang liwanag ng kapaligiran. Napagtanto kong...nasa syudad pa pala kami. Ang ganda. Tiningnan naman ako ni Ginji na parang sinasabi na lumabas kaming dalwa. Kaya ginawa ko.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" namamangha parin ako sa kabuuan ng paligid. Napakapayapa, ang layo mo sa gulo. Nakakagaan ng pakiramdam. Tumingin naman ako sa kanya. Nakatingin na pala sya sakin. :-[

"Hindi naman ikaw yung tipong mahinang babae. Pero bakit palagi ka na lang umiiyak?" ang seryoso ng tingin nya.

Napansin kong iba na naman ang itsura niya. Yung mukhang gangster na side niya, messed na messed ang itsura niya, pero ganon pa man, malinis parin ang pagkagwapo niya. ??? Nagegets niyo ba ako. :-[

"Ibang iba ang mukha mo pagnasa school, nasa bar, at pagmodel ka. Aminin mo, kakambal mo lang yun noh?" bigla syang ngumiti. Ang ngiting nagpatibok saking mga puso. Ouch!? :o What's with this? Mamamatay na ba ako?

Nasa impyerno na yata ako, kasama ang....magandang creature na'to. :-*

"Haha! Adik ka pala noh!?" biglang lumapit ang mukha nya sa mukha ko.



thump.thump.thump. Naririnig ko na naman ang mga pintig ng puso ko. Wala akong pagsisisihan kung....*kiss* tama ang hinala kong sya si Imadevil. :-\