"ANG FLIRT MO TALAGA!" at isa pa. Sa braso ko naman tumama.
"At gusto mo isama si Mr. Seo sa mga lalaki mo! !@#$!" sunod-sunod na may tumama sakin pangbabato. Mukhang pagod na ako sa ganitong eksena. Ayoko na... :'(
Nate, iligtas mo ako!
"Pagkatapos ni Justin, si Ginji. At mukhang nilalandi mo pa yung 2nd year student na si Nate Cruz. At ngayon, nakikipagbalikan ka na sa ex mo!"
"Makati ka talagang babae ka!"
"Wah. Maligo ka muna." may mga lalaking tinutukan ako ng hos. Ang dami nila. Ang sakit. Mukhang. *stun* hindi ko na kaya...
Tawa sila ng tawa. Tawa ng tawa.
"MALANDI. BASURA KA TALAGA!" unti-unti akong napaupo. May mga binabato sila sakin.
Pero pinilit ko paring tumayo at naglakad ako. Tumakbo ako palayo sa kanila.
"TUMATAKAS SYA! HABULIN NYO!" may mga humihigit sakin pero pinilit ko paring tumakbo. Halos kalmutin na nga nila ako e para mapigilan lang. At ang sakit... Ang sakit ng mga hawak nila. :'(
"ANG KULIT MO TALAGA!!!"
May biglang nanampal sa harapan ko at halos mapahiga ako sa sahig. Ang sakit. Hindi ko na...
"BACK OFF!!!" ...kaya.
"Si-" tuluyan na akong napapikit. Ang sakit na talaga. Hindi ko na kayang tumayo. Siguro katapusan ko na... Malandi ako, at mapapatalsik na ako sa school na'to.
My Devil.... :'(
"Serene." naririnig ko ang away, ang gulo. Pero...hindi ko na talaga kaya. *stun*
Ang comfortable. Ang bango. Parang akong nasa langit ako. Nasa paraiso na ba ako? 0:) Namatay na nga ba sa pangtotorture sakin ng mga estudyanteng yun na INIS NA INIS sakin, dahil...MALANDI DAW AKO. :-\ *teardrops*
"Saan ka pupunta?"
"Bantayan mo lang sya, yan lang ang utos ko."
"Hindi mo parin sasabihin sa kanya."
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. At isang BANG ang nagpagising sakin ng tuluyan. Ouch hah. Ang bastos. >:( Magsarado daw ba ng pinto ng ganon kalakas, parang walang tao dito. ::)
"*sigh*"
May familiar na likod akong naaninag pagkamulat na pagkamulat ng mata ko. Hindi sya ganon kalayo. Pero gusto ko syang maabot.
"My guardian..." tinaas ko ang mga kamay ko. At agad naman syang lumingon at tumakbo palapit sakin. Inabot nya ang mga kamay ko at hinawakan to pagkaupo.
"Serene."
"Nate." sinubukan kong bumangon pero hindi nakayanan ng katawan ko at agad akong napahiga. OUCH! Ang mga paa ko... :'(
"Ah?" hinawakan nya pareho ang dalwa kong kamay. Seryoso sya. At sobrang nag-aalala.
"Sorry. Hindi agad kita nailigtas. Ang wawalang hiya nila." nakatungo sya at maluhaluha na ang mga mata. Binitawan nya ako.
Sinubukan kong hawakan ang mga mukha nya. At nung maabot ko to. Agad syang tumingin sakin.
"Akala ko hindi ka dadating e." nakatitig lamang sya sa mga mata ko.
???
:)
Bigla syang lumayo. At tumayo. ???
"Ano ba ako sayo Serene?" ang seryoso nya.
"Special ka--"
"Sino ba talaga ang nakikita mo ngayon?!" pasigaw nya. Parang....nalulungkot si Nate. "Palagi ka na lang napapahamak! Serene naman, pwede ba, asikasuhin mo naman ang sarili mo at kalimutan mo ano man ang gumagambala sa isip mo! Mali to....Mali ka." agad akong bumangon. AHHH! Pinilit ko paring bumangon. At agad namang lumapit si Nate, pagkakita nyang nasasaktan ako.
"Paanong naging mali? Alin ang mali?" tanong ko harap harapan sa mukha nya.
"Ang tungkol sa guardian mo...
Hindi ako si Imadevil."
----
'Hindi ako si Imadevil.' Ilang beses na umulit ulit yan sa isip ko. Kaya lalo lang akong di makatulog. At sa tingin ko, magkakaeye bag ako kinabukasan. Argh. Bakit ba ang sobrang importante mo sakin Imadevil? :-\
Quote
this_is_Serene: Morning.
I really wanna see you.
But how...
I remember, you told me, once i reveal your real identity, the relationship between us is OVER.
I'm so confuse ...
I'm madly want to see you.
Please reply.
Yan ang binigay kong message sa kanya. Hindi na nga pala kami nakakapagchat. Through message na lang. Pero ngayong nalaman kong hindi si Nate yun, parang...mas natatakot lang lalo akong malaman ang totoo. Pagod na ako. Pero...GUSTONG GUSTO KO PARIN SYANG MAKILALA. :'( Pero....paano??? Ayokong mawala sya.
"Serene! Huy, bakit ka umiiyak. Umagang umaga ah! Inaapi ka na naman ba nila! Nakuu... di na talaga sila nagtanda! Ang kakapal ng mukha!" galit na sabi sakin ni Rayne.
"Oo tama. Buti na lamang at pinaparusahan na sila ni Ginji. Ang sasalbahe pala ng mga estudyante dito. Porket may mga pangalan sa industriya at kapangyarihan. Akala mo kung sinong dyos na kung makaasta." pinunasan ko agad ang mga luha ko. Bigla namang hinigit ni Rayne ang kamay ko.
"Sandali! Saan ba tayo--" nagulat ako ng makitang lahat ng mga estudyanteng yun. Eksaktong eksakto. Lahat sila tumatakbo sa field ng nakatali ang kamay sa kotseng umaandar. Hmm... ??? Gets nyo ba ang ibig kong sabihin.
"Aw. Buti na lamang at naisipang gawin yan ni Ginji."
"Ni Ginji? Bakit nya ginagawa yan?" agad kong tanong.
"Ewan. Basta sabi nya, 'Ayaw nya daw madungisan ang pangalan ng school dahil lamang sa mga kademonyohang ginagawa ng mga estudyante sa kapwa estudyante.' Ganon. Pero... Alam mo, galit na galit sya habang sinasabi ang mga salitang yun." napatingin muli ako sa mga nagdudusang estudyanteng yun.
May mga nakahiga ng nadadala na lamang ng taling nakakabit sa kotse. Ang sakit nun sa katawan, gasgas ang aabutin mo. At dudugo pa ang kamay mo sa sobrang sakit ng pagkakatali. May iba na umiiyak na. Wala ng magawa sa sobrang sakit.
"Hwa! Mr. Seo! PATAWARIN MO NA KAMI!!!" agad akong naglakad at hinanap ang kwarto ni Ginji.
Lahat ng mga estudyante nakatingin sakin. Siguro alam na nilang ako ang puno't dulo nito. May mga nagbubulungan at may mga may nakatingin ng masama. Phew! Ang sama na talaga ng image ko dito sa school na'to. Pero hindi pwedeng basta na lang akong aayaw.
"JIN JEDRICK!!!" nakahiga sya habang nakaheadphone. Ang lakas ng tunog ng ipod nya. Di ba sya nabibingi.
Tumingin lang sya sakin.
"Anong kailangan mo?" parang walang kainterest interest na tumingin sakin. Nabobored? Eh wala pa nga akong nagagawa! >:(
"Bakit mo ba ginagawa ang mga bagay na yun!?" tumingin sya sakin. Nakakatakot. Mga nanlilisik na mga tingin. Lahat ng naipon kong tapang at lakas ng loob ay bigla na lang nawala.
"Hindi yun para sayo. At wala kang karapatang lumabas-pasok na lang dito sa kwarto ko." nanghina ako sa mga nalaman.
"I'm sorry..." IMPOSSIBLE na magiging si Imadevil sya.
Agad akong lumabas at nagdali daling naglakad. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit!? Bakit ba desperada akong makilala ang guardian ko! Siguro nga dapat wag ko na lang alamin! Wala namang mawawala sakin diba! Atsaka ayoko ring mawala sya! Kaya dapat itigil ko na'to. Hinding hindi ko na aalamin kung sino--
"SERENE!!!" :'(
"Anong nangyayari?"
"Ano ba talagang relasyon meron sila?"
"Hindi naman kaya, yang babaeng yan talaga ang totoong dahilan kung bakit ginagawa ni Mr. Seo ang lahat ng to."
"Tsk! Nakakaasar huh."
"Umiiyak ka." dun ko lang natanto na umiiyak nga ako.
"Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Bitawan mo na ako." hinigpitan pa nya lalo ang pagkakahawak sa braso ko.
"May dapat kang marinig. At malaman... Serene--"
"SERENE GONZALES!!!" napalingon kaming parehas. Isang lalaki. Good looking! Pero di ko kilala, at wala akong pake kung kilala nya ako. Magtataka pa ba ako. Ang laki na ng nagawa ko sa school na'to.
"Bakit ba ang dami mong sinasamahang mga lalaki? Tss.. hindi ba dapat hinahanap mo ang taong yun?"
"Francis pwede ba wag kang makisali dito!" ngumiti lang yung nasabing Francis.
"Pwes, bitawan mo na si Serene!"
Napatingin ako sa Francis na yun. Sino ba sya? At bakit parang di man lang sya natatakot kay Ginji? At bakit ganyan sya makaasta sakin, na parang pagmamay-ari nya ako?
"Francis, umalis ka na dito!" bigla namang hinawakan nung Francis na yun ang isa kong kamay.
"Akin si Serene! Ikaw ang bumitaw! Bitawan mo sya!" naiinis na talaga ako!
"BITAWAN NYO AKONG DALWA!" nakikita ko ang mga taong nakatingin samin. At intrigang intriga sa mga mangyayari.
At nararamdaman ko rin ang tense na namamagitan sa kanilang dalwa. Galit sila. Parang may kuryenteng nag-uugnay sa kanila. Nakakatakot. Pero kailangan ko na talagang umalis.
Nabigla ako ng makitang si Ginji ang unang bumitaw.
At nagwalk-out sya. Pero may sinabi.
"Serene, gusto kitang makita sa rooftop ng bar ngayong gabi. Maghihintay ako." tiningnan ko lang sya.
At may sinabi rin yung Francis, "Serene, gusto kong malaman mo ang totoo ngayon din." napatingin ako sa kanya.
"NA AKO ANG GUARDIAN MO." nagulat ako. :o ???
"Na ako si Francis Lee, si Imadevil." at bigla nya akong niyakap.
Hindi ko alam kung paano ako magrereact.