"Hindi mo ba talaga ako titigilan! Hindi pa ba sapat na yung taong iyon ay isa sa mga taong inutusan mo! Bakit ba palagi mo na lang pinapasok ang buhay ng mga tao!? Porket sa makapangyarihan ka! Bakit kasi DUMATING KA PA SA BUHAY KO!" tinulak ko sya sa huli kong sinabi.
Nalungkot ang expression ng mukha nya, nanghina ako. Pero ayoko na ring maniwala sa mga pinapakita nya.. Lalo na sa mga nangyayari sa buhay. Just go with the flow na lang ako. :'(
"Wala kang nalalaman Serene. At dapat mong malaman na..-" hindi nya tinuloy.
"Na ano?! Ginji... kung ano man yan. Importante man o kawalang kakwenta kwenta! Please... wala na akong paniniwalaan! SIMULA NG DUMATING KA SA BUHAY KO, NAGKASIRA SIRA NA AKo--" bigla nya akong niyakap. >:( Mahigpit. Sinubukan kong kumawala pero mas hinigpitan pa nya.
"Wag mong sabihin yan. Tanda mo ba nung una tayong nagkakilala. Sabihin mo sakin... kahit konti naman diba, naging masaya ka?" talagang tinulak ko na sya. This time buong lakas ko na. At nakawala naman ako. Nakatitig sya sakin. Yung mga tingin na... nagpapahina sakin.
"Ang malas ko. Ang malas-malas ko pagkasama kita." magwowalk-out na sana ako nang..
"Ako. Ako si Imadevil. Ako yung palaging nanonood sayo. Ako. :(" nilingon ko sya.
"At ganon din yung Francis. My god~ wag mong gamitin ang pagkatao ng guardian ko. Ayoko na.. Get out of my life!" at tumakbo na ako.
Tumakbo ako ng tumakbo. Hanggang sa makarating ako sa field.
:o Biglang may yumakap sakin. Agad naman akong kumawala at lumayo. Pagkalingon ko sa likod. :o
"Hindi mo sya kailangang iyakan. Kung nainlove ka sa kanya, kalimutan mo na sya." Siya! >:(
"Sino ka bang talaga!? At bakit mo ba ako sinusundan!" naiinis kong tumingin sa kanya. Pero ngingiti ngiti lang sya.
Nagulat na lang ako ng bigla nyang ginrab ang braso ko at inilapit sa mukha nya. !@#$! Ang sakit nun! >:(
"Ganyan mo ba talaga tratuhin ang guardian mo? Hmm... tinutupad ko lang naman ang kahilingan mo ah? 'I really wanna see you...You're-madly-want-to-see-me." sabi nya habang nililikot ang mga daliri nya sa mukha ko. At agad ko naman syang tinulak. Takot at kaba ang nararamdaman ko. Kinikilabutan ako sa mga maaaring mangyari.
"Wag kang lalapit." sumeryoso ang mukha nya at umayos ng tayo. Napawi ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Hindi ko alam kung bakit ka natatakot. Pero...maniwala ka, ginagawa ko lang to dahil ako si 'Imadevil'." nanginginig na ako. Paano kung sya nga si Imadevil. Ayoko... nakakatakot sya... :'(
Natakot lalo ako ng makitang papalapit na naman sya sakin.
"Serene!!!" napalingon kaming parehas.
At nagulat ako ng makitang nasa harap ko na si Nate. Hawak ang kamay ng lalaking nasa harap ko. Galit si Nate.
"Wag na wag mong mahawak hawakan si Serene." binitawan nya to at inakbayan ako.
"Akala nyo ba hindi ko alam ang mga sikreto nyo. Nate Cruz at ng amo mo." napatigil si Nate. Pero agad binalewala narin nya si Francis.
Pumunta kami sa lugar na walang katao tao. Naupo kami. At binitawan na ako ni Nate. Natulala lang ako. Tumingin ako sa kanya.
"Nate, sino ka ba talaga?" umiwas sya ng tingin.
"Please, Serene....mag-ingat ka kay Francis. Hindi mo sya kilala. At hindi mo alam kung anong kaya nyang gawin." tumingin sya sakin. "Alam ko, nahihirapan ka sa side mo. Pero hindi mo naman talaga kailangang malaman. Mas masasaktan ka lang. Serene... ayokong nakikita kang umiiyak. Pero kung malalaman mo ang totoo, mas lalo ka lang masasaktan." hindi ko sya maintindihan. Pero...
Naiintindihan ba ako ni Nate. Matagal na akong nasasaktan. Bago pa lang sila dumating sa buhay ko, nasasaktan na ako. Atsaka part lang naman yun ng pagkatao ng kahit na sino. Ano ba talaga ang kinatatakutan nya? :-\
"Sorry. Ang gulo gulo na talaga ng buhay mo dahil samin. Pero....mas magugulo lang yan, kung malalaman mo. Mas masakit ang katotohanan Serene." tumingin sya ng malalim sa mga mata ko.
Gusto nyang maniwala ako. Kinoconvince nya akong maniwala. Pero....mismo sa sarili ko, WALA AKONG MAINTINDIHAN SA MGA NANGYAYARI SA BUHAY KO.
"Onga pala. Heto, ang isa kong mobile phone. Gamitin mo muna. Lalo na pagginulo ka na naman nung Francis na yun." hindi ko maintindihan.
Kung bakit hanggang ngayon umaasta parin sya ng ganyan sakin. All this time, infatuated parin ako kay Nate. Pero naisip ko, wala na din naman tong kwenta. Hindi sya ang guardian ko.
"Tapos na ba kayong mag-usap ng Nate na yun?" bigla na lang syang lumabas kung saan. Napahawak naman ako sa bulsa ko na naroroon ang cp ni Nate. Natatakot ako sa taong to.
"Mukhang may sinabi sayo ang lokong yun a. Hindi ba talaga kita makukumbinseng ako ang guardian mo?" 1 metro ang layo namin sa isa't-isa. At paglumapit sya, sisiguraduhin kong macocontact ko agad si Nate.
"Kung natatakot ka, wala akong gagawin." agad akong tumakbo.
Naglakad lakad ako. Ngayong nag-iisa ako. Pero...pakiramdam ko, may mga sumusunod sakin. Di ko malaman kung gaya ba to ng dati o yung Francis lang na yun, yun.
Palingon lingon ako sa likod ko. Wala akong makita. Hindi ko sila makita!? Natatakot ako! :'( Nang may bigla na lang kumuha ng cp ko na bigla ko ring inilabas sa sobrang takot.
"MGA MAGNANAKAW!!!" may biglang sumigaw ng ganyan. Napaupo na lamang ako bigla sa kinatatayuan ko nang nakatulala.
"Miss okay ka lang ba?" may matandang babaeng humawak sakin at tinatanong ng paulit-ulit ang mga salitang to sakin.
Wala naman ako magawa, kundi ang mawala sa sarili. .... .... Ano ba tlagang nangyayari sakin?
"Ako na lang po ang bahala sa kanya." at naramdaman ko ang biglang paggaan ng pakiramdam ko nang may biglang bumuhat sakin.
----
Bagong poster ni Ginji<-- CLICK HERE. Gumagwapo sya lalo. Hmm... siguro masama ang loob nya sakin. Naniniwala na ako na sya si Imadevil. Hindi ko alam kung bakit, pero nung una pa lang diba? Na sya talaga ang alam kong ang maaaring maging guardian ko. Hindi ko lang alam kung bakit nagkakaganito ang mga stincts ko.
"Gusto mo ba talaga sya?" napatingin ako sa taong nagpakilalang Imadevil. Eh ito kaya, bakit nya sinasabing sya rin ang guardian ko. :-\ Wala nga siguro akong maiintindihan. At mas maguguluhan lang ata ako.
Kung hayaan ko na lang kaya. Go with the flow.
"Sorry kung hindi kita inuuwi sa dorm nyo." lumapit sya sakin. Nasa rooftop kami ng isang condominium building.
"Kitang kita pala dito ang malaking Bill board ni Ginji."
"Ni Jedrick. Hayop din ang kagwapuhan ng lokong yan no. Tss~ Hindi nya alam kung gaano sya kinababaliwan ng mga babae."
"Naiingit ka sa kanya?" nagkatinginan kami. With a look--> ???
"Sinasabi mo bang hindi ako gwapo! " naaasar nyang tanong. Haha~ cute din naman pala ang gagong to e.
"E bakit mo nasabi yun? Na parang... walang babaeng nababaliw sa angking kagwapuhan mo." biglang nagbago ang expression ng mukha nya. Sumeryoso pero halata ko ang pagkalungkot ng mga mata nya.
"Kahit yung taong pinakamamamahal nya daw, na may malubhang karamdaman, nagawa nyang iwan." ??? Tungkol kay Ginji parin ba ang mga lumalabas sa bibig nya?
Bumaba na kami ng rooftop.
"Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?" nilingon ko sya at umiling naman ako. Pagkatalikod ko, nagulat na lang ako at hawak na nya ang kamay ko.
"Ano ba--"
"Ayoko pang umalis ka! Halika, may pupuntahan tayo!" bigla na lang nya akong hinigit at dinala sa kanyang kotse.
"Sandali! Kailangan ko ng umali--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla syang lumapit sakin.
"Seatbelt." sabi naman nya.
Hindi ko na rin nagawang sabihin sa kanya ang gusto kong mangyari, kasi kahit siguro magsalita ako ngayon din, di din naman nya ako pakikinggan. Wala na tong balak na pakawalan pa ako. Sya na nga mismo ang nagseat-belt sakin. Sigh.
??? Magbobowling kami? Yan ang nasabi ko sa isip ko habang bumababa kami sa kotse.
"Tara!.." hinigit nya ang kamay ko.
May mga tao din pala dito. ::) Akala ko kami lang e. Binigyan naman nya ako nung bilog na ang bigat naman.
"Marunong ka ba?"
Nakita ko kung paano nya ipagulong ang mabigat na bolang yun. At... :o Wow! Nagawa nya, magaling na yun kahit may natirang isa.
"Your turn."
Nung ako na, feeling ko ang bigat bigat, ang hirap hirap. At oo sobrang hirap, wala man lang kasi akong natamaan ni isa. (. .) Para akong tanga dito.
"Haha! Just try and try." binigyan nya uli ako nung bola. 1.. 2.. 3..
"*pant* this time masisigurado ko ng makakastrike na talaga ako." bumelo pa ako. Ramdam ko ang nakasteady tingin nya sakin. At nung pagugulungin ko na ang bola.
"Inlove ka ba kay Ginji?" hindi ko alam pero parang humina ang pagbato ko sa bola. Natulala ako ng wala sa sarili habang pinapanood gumulong ang bola. "Nainlove ka sa manlolokong yun? Sa gagong yun. Tss~ Ano kayang ginawa nun? Siguro may agimat yun, at lahat ng babae napapaikot nya. Ang sarap siguro ng pakiramdam nun. Pero ang nakakapagtaka.. kung gaano kakapal ang mukha nya.. mas nagiging good looking sya huh." nakita ko naman ang pagkuha nya nung bola. Tapos tumira sya.
"Sana.. mapunta sya sa impyerno. Heh!" tumingin sya sakin. Seryoso ang mukha at parang kahit na anong oras ay sasaktan ako. "Kalimutan mo na sya." kinuha nya ang kamay ko. "I bet, pagkatapos nito.. titigilan ka na nung Ginji na yun." agad kong binawi ang kamay ko.
"HINDI! Hindi pwede.. mahal ko sya--" nagulat ako ng galit ang expression ng mukha nya.
"Hindi mo dapat sinasabi yan. Ang Seo. Ang mga Seo. Mga demonyo sila!!!" bigla nyang hinawakan ang magkabilang braso ko. "Dahil sa kanila.. kaya ako nagdudusa ng ganito. DAHIL SA DEMONYONG JAN JEDRICK SEO NA YUN." galit na galit ang mga mata ni Francis. Pero bigla na lang may pumatak na luha sa mga mata ko.
"I have to go." at agad naman akong tumakbo.
takbo lang ako ng takbo sa labas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Umiiyak ako. Nasasaktan. Nang bigla na lang akong nadapa.
"Ah.! Hmm... *sob* ang sakit." sabi ko habang tinitingnan ang gasgas kong balat na medyo mahapding hawakan. May ibang taong napatingin sakin. Iyak parin ako ng iyak.
"Miss, okay ka lang ba!?"