xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 7

Chapter 7

Matapos ang nangyari. Walang umimik pero binigyan niya ako ng DEMONYONG NGITI. >:( :-[ As in, napagtanto ko rin, na hindi lang sya kissing monster, DEVIL. Grrr~ Nakakahiya! My word pa naman is, sa kasal ko pa sana ang magiging first kiss ko. Pero ang nangyari, nabigay ko ang first/second kiss sa taong...HINDI KO KAKILALA AT SA TAONG DI KO NAMAN KAANO-ANO. :-\

Pero di lang yun ang problema,

"Ano!? Hindi mo kasi ginagawa ng maayos ang trabaho mo! Wala akong pakealam kung hindi mo duty ngayon! Paano kung may malunod! Huh!? Talagang makakapatay ka na ngayon ng tao kung magkataon."

MADAMING PROFESSORS ANG NAGAGALIT SAKIN. Binabalewala ako. At palagi akong namimisunderstood. Makakapatay? Di naman kaya may kinalaman to sa ginawa kong pagbato sa ulo ng devil na yun? Pero di ko sinasadya. At simula din nung araw na yun...halatang bumaba ang tingin ng lahat ng teachers sakin. Ganon ba ka V.I.P. ang lalaking yun? Pero okay na kami. :-\ Hindi naman masisira ang pangalan ng school eh. Serene, ano bang ginawa mo. Hindi to pangkaraniwang university. :(

Anong gagawin ko? Baka magkataon, maexpelled ako! :-\

Nilinis ko na lamang ang buong pool since napagalitan ako ni coach. First time to. Malaki ang expectation ng mga teachers sakin, pero sa nangyari, mukhang...NABAGO! :-\

Naglakad-lakad ako sa campus. Ginawa ko ang lahat para makahabol at manguna sa klase. Pero...hindi parin ako pinapansin ng mga teachers.
Anong gagawin ko? :-\

Pagkatingin ko sa next class, wala akong upuan. Hinanap ko ang table ko at nakita ko syang nasa labas kaya agad akong pumunta para kunin yun kaso pagdating ko sa room, nalate ako...at masama na naman ang tinging ng prof sakin. At nagbulong-bulungan ang lahat. :-[

Kung mag-isa naman akong naglalakad at wala sina Becca at Rayne. May bigla-bigla na lang mananagi sakin. At nung araw ding yun...nalaglag ko ang i.d. ko na sya pa namang pinakaimportante sa lahat according to School Regulation at naiwala ko. Parang...SINADYA.

Kaya hayun...di ako makapasok ng school sa loob ng 2 araw. Bawal kasing pumasok ng walang i.d. kasi nadedetect yun ng computer. Bawal pumasok ng kahit na anong building na gumagamit ng pinto dahil kailangan mo munang ipasok ang i.d. mo dun sa reader na nasa pader para mabuksan ang pinto at lahat ng rooms ay ganon. Hindi ka makakakain ng walang i.d. kasi binabasa rin ang i.d. mo kung isa ka ba sa mga tao ng school. Lahat ng technologies at computers sa school ay ginagamitan ng school i.d.

Quote

Imadevil: You're not going to school?
Serene_19: nope.
Imadevil: Why?
Are you sick?
Serene_19: no.
Imadevil: Then why? You're a scholar right?
Serene_19: There's a problem that I can't fix.
Imadevil: So what is this problem? Maybe I can help you.
Was this involve to your school?


Pagkasabi niya nun. Parang..kinabahan akong magsabi ng totoo. Actually, pagnalaman niya na may problema ako, talagang mabilis syang kikilos at gagawa ng paraan para matulungan ako. Alam kong napapanood niya ako, pero kung nagagawa kong kumilos ng maayos, hindi narin sya kumikilos hangga't wala akong nasabi. Kaya ang minessage ko sa kanya...

Quote

Serene_19: That's not it.
I'm not totally feeling well.


And with that, nawala na ang koneksyon namin sa isa't-isa. Paano ko sasabihin kay Imadevil ang totoo? At paano kung mabunyag niya ang sitwasyon ko, paniguradong guguluhin niya ang koneksyon ng school. Aw...naiipit ako. :-\ Baka di ko lang maayos ang pagiging scholar ko kung magkataong mangyari yun.
At dahil 3 araw na sunod-sunod akong abcent, gumawa na ng paraan si Becca para matulungan ako. Sya ang kumausap sa vice. At salamat kuno, at pumayag silang papasukin ako, ganon pa man di ako makakapasok kung walang magbubukas ng pinto para sakin.

"Aw..salamat Becca!" nihug ko sya ng big na big.

Bago namin namalayan...Ilang araw na naming di nakakamusta si Rayne.


----


Buti naman at nakakaadjust na ako. Nareport ko na yung i.d. ko pero di parin nila nahahanap. Kung sinong magkataong nakakasabay ko sa cafeteria kina Anton, Rex, at Becca ang syang nagsheshare sakin ng mga pagkain nila. Maswerte parin ako. Hehe, :D

"Ah???" nandito ako ngayon sa shoelocker ko. At....puro putik at basura ang nasa sapatos. :-\ Hindi ko to magagamit ngayon, kaya pumunta ako sa pinakamalapit na water tap para linisin yun.

Kasama ko si Becca nun habang naglalakad kami sa corridor patungo sa next class namin. At....natagpuan namin parehas ang note na nakalagay sa likod ko. Nakakapagtaka lang at paano at anong oras nila nailagay ang papel na yung with saying: GET LOST B!TCH! SUCH A FLIRT! Sigh. Parang alam ko na kung bakit nangyayari to sakin.

lakad.lakad.lakad


"Hoy!" napalingon ako.

At napatingin sa noo niya, "Magaling na ba ang sugat mo?" feeling close. :-[

"May konting bandage pa oh!" linagpasan ko naman sya. That's enough. Sya ang dahilan ng lahat ng to. WHO THE HELL THEY THINK HE IS? Porket celebrity. Gosh! Oo gwapo sya...pero :-\

Bakit ako!? :'(


Kinabukasan, iba na namang trip. At ngayon...may mga taong sunod ng sunod sakin.

Hanggang sa makarating kami sa rooftop. Sinusundan parin nila ako. At hindi ko alam, natrapped na pala ako. Ako nga talaga ang target ng mga babaeng to. >:(

"What's with the look!?"

So ganon pala ayaw nila ako para sa Ginji nila. HINDI NAMAN KAMI EH. Nagkakataon lang ang pakikipag-usap namin, ang pagkikita, at ang pagsasama. Di naman talaga kami magkakilala. Pero...NAGHALIKAN NA KAMI. GOSH!!! Bakit ko ba yun iniisip. Grrr~

"Ayaw mong tumigil huh!?"

Bigla na lang nilang ginrab ang collar ko, hinawakan ang dalwa kong kamay patalikod at hinigit ang buhok. ANO BA SA TINGIN NILA ANG GINAGAWA NILA!? Nasasaktan ako.

"Bitawan niyo AKO!" may hindi ko kakilalang humawak sa baba ko papalapit sa mukha nya. ANG SAKIT NUN HA! >:(

"Alam mo bang hindi lang basta sikat na estudyante ang lalaking binato mo ng malaking bato!?" binabalaan ba nila ako. Hmm! Hindi ako makapalag, masyado nila akong hawak.

"Celebrity sya! At pamangkin ng may-ari ng tinatapakan mong paaralan sa mga sandaling to!"

"Hindi basta-basta ang university natin. Pinangangalagaan ang pangalan nila ng school at ng Industriya!"

"AT NAPAKAWALANG MODO MO PARA TRATUHIN NG GANON ANG SEO!!!" sinampal niya ako. Ang lakas. Kaya medyo may dugo yata, nalasahan ko eh. :-[ >:(

"Hindi ko naman sinasad--" napatingin ako sa batong hawak ng isa. Wag nyong sabihing ibabato--

"KAYA SA SUSUNOD MAG-INGAT KA!"

"Dapat magtanda ka! Ang pinakaAYOKO sa lahat. Ay ang mga AMBISYOSANG GAYA M--" napapikit ako. Pero...walang kahit na anong tumama sakin. Pagkamulat ko.


May taong nagbukas ng pinto.

"Paano mo nabuksan yan!?" napatingin yun lalaki sa knob.

"Nilock nyo ba'to? May dala kasi akong susi. In case of emergency, tambayan ko kasi yang tinatayuan--" nakahalata na yata sya. "Ano yan!? Girl's War? Astig ah!" binitawan ako ng mga babaeng yun.

Pinakita nila ang mga braso nila.

"Mga PREFECT kami!!! Kaya wag kang mangialam." prefect. Mas malala pa sila sa mga Student Council. Bakit ba nila ako pinaparusahan? Tatakas na ba ako? Pero....natatakot na ako.

"Pero pwesto ko nga yan." lumapit sya. At medyo napissed ata ang mga prefect.

"Tayo na nga! Sa ibang araw na lang natin sya parusahan." umalis ang mga babaeng yun.



*tearsfall* :'(

Napaupo ako. At napaiyak. Nanginginig ang mga kamay ko. Natatakot ako. Masyadong malaki ang gulong pinasukan ko. :-\

Bigla namang may nag-abot sakin ng panyo.

"Alam mo palagi kita nakikita. Palagi kang umiiyak. Pero...tinakbohan mo naman ako. Ngayon...maaari mo na bang tanggapin ang tulong ko."


Napatingin ako sa kanya. Sya....Sya pala yung lalaking nakabangga ko minsan sa cafeteria. Nung time na umiyak ako dahil kay Justin. :'( [CLICK ME] <~ dyan yung una nilang pagtatagpo, yung teal font.