xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 4

Chapter 4

"Ms. Hello Kitty!?" napalingon naman kaming lahat sa boses na familiar. At pagkatingin ko... :o :o

BAKIT NANDITO ANG KISSING MONSTER NA YAN! :o >:D

"Si-s-s-si GINJI!!!" ano namang ginagawa ng lalaking to dito?! >:(

Nagsimula na syang humakbang papalapit sakin, ako naman agad na nagtago sa likod nina Becca at Rayne. Naririnig ko ang mga bulong-bulungan ng mga taong nakapaligid at parang lahat tinitingnan ang kissing monster na yun na papalapit samin.

"Itago niyo ako." pilit kong tinatago ang sarili ko. Pero si Rayne masyadong naninigas? Bakit naman kaya? ???

"Huy! Magtago ka man, kita parin kita, Ms. Hello Kitty!" 1 meter lang ang layo niya. Di parin ako nagsalita. At pinilit kong makatakas ng dahan dahan na paghakbang..

Pero...di pa man ako nakakalayo. Bigla na niyang hinigit ang damit ko sa likod.

"Akala mo makakatakas ka." at naramdaman ko ang dahan dahan nyang paglapit at paghinga malapit sa tenga ko.

WAAAAAH~ FREEZE! :o Nakatingin ang lahat samin, at gaya ko ganito rin ang expression nila --> :o Loko to ah!

"Heto! Iniwan mo sa condo ko! Anong klase kang babae!" may binigay sya saking paper bag. Ano ba tong nakalimutan ko?

Di pa man sya nakakaalis,"Hindi ko akalaing, mahilig ka pala sa mga Hello Kitty'ng tatak! Tss~" at nagwalk-out na sya.

Hello Kitty? Realization. Ang ibig ba nyang sabihin...ang mokong na yun...nakita niya! :o Napaupo ako ng wala sa oras. :-[ :-[

"Waaaah! Bruha! Bakit di mo sinabi niya close kayo ng celebrity na si Ginji Seo! Bruha ka!" inuga uga nila ako.

"Who's that girl?"
"She's a freak! Paano!?"

Mukhang galit pa ata ang lahat sakin. You mean that guy...the guy who saw my underwear, is the guy na LOVE NA LOVE nilaaaa!~ waaaaaah! Paanong nangyari at nakita niya na yun nga ang tatak ng underwear ko. :o waaaah nakakahiya 'may kakilala akong nagsoot niyan, at kung hindi dahil sa kanya baka nakita ko na ang lahat sayo!' so yun pala ang ibig sabihin niya. :-[

"Serene! Serene!" hindi parin ako nakakarecover sa pagkakabalisa ko.

"A..no..?" nakakahiya na talaga! :o

"K-k-kailangan na nating tumakbo! SERENEEEE~" napalingon ako sa dalwa na nakatingin sa likod ko.

Pagkatingin ko. Ang daming babae, may bakla pa yata. Nakatipon sila? At lahat ay may hawak na ballpen at parang gigil na gigil ang mga fist nila. May gera!? ??? At....Realization. Wag niyong sabihin na sakin sila nagagalit.!?

"B!TCHHHHHHHHHHHH!!!~" sabay sabay silang tumakbo at napansin kong nakatakbo na ang dalwang bruha. Kaya ako...tumakbo narin.

Waaaah! Katakot naman ang mga babaeng to! :o



Pagkatapos ng kagimbal-gimbal na pangyayari sa aking talambuhay na kanikanina lamang nangyari. Ang pagkaisahan ka ng mga MADAMING babae at bading, na dapat siguro 100 font ang ginamit ko para magets niyo kung gano kadami, ay talagang parang masamang nightmare! Waaah~ Sabi nila kasi may beautiful nightmare pa daw. ??? ;D Mabuti na lamang at tumigil sila sa paghabol-habol samin nina Becca at Rayne, dahil nagtime na. HA-HA. Pero sana naman oh...tigilan na kami ng mga fans na yun.

Ganon ba sya kagwapo para pagkaguluhan ng libong mga kababaehan at extrang mga bading. Tsk~ Eh daig pa niya si Jake Cuenca kung makaasta sya sa campus ah. Pusta ako! Mas sikat naman si Jake dahil may palabas syang 'RUBI' wehehe! Ang hot niya dun. ;D

"Oops!" bigla akong napatigil pagkatingin kay Justin.

Nandito ako sa cafeteria, nagugutom na kasi ako at kanina pa ako takas ng takas, siguro naman nakalimutan na nila ang atraso nila. Kaso...umiwas man ako sa mga babae at bakla dito, ang taong mahal ko naman kailanman ay hindi ko matatakasan. Pagsinubukan na syang tingnan ng mga mata ko, para bang ang hirap...ang hirap tanggalin yung sakit. Ang hirap tanggapin na WALA na talaga. :'(

*sob* Hindi dapat ako umiyak. Masyado na akong nasasaktan. I think I have to move on. Masyado na akong nasasaktan.

*BLAG*

"Ah pasensya Mi--" sinubukan nyang ioffer ang hand nya to help.

"ANO BA! >:( Ilayo mo yan sakin!" tumayo agad ako. "Anong akala mo! Di ko kayang tumayo, porket nasaktan ako!!!" tumulo ang namumuong luha ko. "Kaya ko! Malakas yata ako!" at mabilis akong tumakbo.


Iyak ako ng iyak. Takbo ako ng takbo na parang walang patutunguhan. :'(

Hanggang sa...may biglang humawak sa braso ko na parang gusto akong pigilan. Nung marealize ko kung kanino ko nararamdaman ang ganong panghihina, agad kong pinunasan ang luha ko.

"Why did you do that!? Lahat ng tao nakatingin sayo, ano ka ba! Masyado ka namang over acting. Di naman sinasadya nung lalaki. Atsaka...gusto rin nyang tumulong." binawi ko ang pagkakahawak nya sakin.

"Oo alam ko yun. Nakakahiya nga eh." hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"Kung may problema ka, dapat di mo pinapakita sa iba. Baka maging masama pa ang tingin nila sayo."

"ANONG CARE MO!?" >:( this time tumingin na talaga ako sa kanya. Sya ang oa at hindi ako. Sabi nya wala na, tapos... :'(

"Kung akala mo ginagawa ko to para paasahin ka. You're wrong. Care lang naman ako sayo dahil barkada parin kita, gaya nila Anton, Rex, Becca at Rayne. Pero...kung ayaw mo. It's okay. Mas mabuti ngang iwasan na lang natin ang isa't-isa para naman hindi na tayo mahirapan." umalis na sya.

Pero bago pa man sya makalayo, agad ko na syang hinabol at nihug at the back. :'(

"Sabihin mo, na hindi mo na ako mahal." unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya. Tiningnan niya ako.

"I can't." how can you say that to me. Akala ko ba gusto mo ng kalimutan kita.. :'(

"Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin yun. You're my first love. Ikaw ang unang babaeng sineryoso ko. Tinrato kitang iba sa mga naging gf ko. Minahal kita ng sobra at pinilit kong magbago." hikbi ako ng hikbi. "Pero habang minamahal kita....ramdam ko...ramdam ko na hindi mo gusto ang tulad ko! Simula pa lang, ayaw mo na sakin. Pero nagtiis ako. And I believe, na you will learn to love me back. Pero.....masyado akong nagbulagbulagan. Napapagod din ako Serene. Nasasaktan." I think tears are starting to form na, nasaktan ko talaga si Justin.

"At siguro Serene, akala mo lang na mahal mo ako...dahil...WALA NA AKO."

Pagkasabi niya ng wala. :-\




Parang wala na nga talaga. :'(




Parang IMPOSIBLE na nga talaga.







DI NA PWEDE.
WALA NG KAMI.