"Wala naman akong pake kung ano man ang itsura niya. Talagang savior ko sya! Ahehe... parang sa manga noh." ang saya. :D
"So ano, tatagpuin mo sya diba?" buti pinaalala ni Becca. Kaya masaya akong tumango sa tanong nya. :D
Weeh tama tatagpuin ko sya. Gusto ko ng malaman lahat ng mga katanungan sa utak ko. Pero syempre magpapasalamat din ako, at mag-iingat din ako na wag masabi sa kanya na alam ko na at pinaghihinalaan ko sya. Kasi...ayoko umiwas sya. Selfish man, pero gusto ko parin syang maging guardian.
Tatakbo na ako papunta sa tambayan niya. Tatakbo at nakita ko pa yung devil sa daanan ko. Nagkaeye to eye pa nga kami. Pero nagtago ako. Hindi pwede ngayon. Baka utusan pa nyan ako eh. Edi di ko na naman matatagpo si Nate. Hmm...balabala na lang na hindi kami nagkita. Pwede naman yun diba? ::) hehe. Kaya dumiretso ako.
"Naghintay ka ba?" masaya kong tanong. Lumingon naman agad sya.
"Dito na ako pumunta kasi alam mo na naman ang tambayan ko diba. Atsaka...wala ka namang sinabi kung saan."
"Don't worry. Kahit naman wala akong sabihin, magtatagpo at magtatagpo naman talaga tayo diba. :)" ngumiti din sya.
"Alam mo, hindi ko akalaing hahantong tayo dito. Nung una tayong magmeet, sinigaw sigaw mo pa ako na parang ang laki ng kasalanan ko. Then the 2nd, parang ilang na ilang ka sakin. Haha...mukha ngang ayaw mong nginingitian kita eh." nakakagaan talaga ng loob ang mga ngiti nya.
"Hindi lang talaga ako sanay sa mga unfamiliar things. :P"
Nagkatitigan kami.
"Salamat nga pala. Sa lahat...sa pagsave-save sakin. Lalo na nung....sa pool." tumingin ako sa malayo. At kita ko kung paano sya magulat. Medyo namula sya.
"Paano...alam mo, Serene. Kaya naman...kaya ko alam...kasi nasabi mong pupunta k--"
"Dahil palagi mo akong pinapanood." sa malayo parin ako nakatingin. Mukhang disappointed ang reaction niya.
"Serene..."
"Pero! Sa tingin ko, talagang coincidence lang lahat!" sana maconvinced ko sya. Ayokong umiwas sya. 'Once you reveal my real identity, it's over, I'm done as your guardian' Ayokong mangyari yun.
"Serene..." seryoso na ang mga mata niya. "Minsan, hindi sapat ang mga nakikita para isipin natin na lahat ng pangyayari ay may katotohanan. Kung minsan, kailangan pa nating maramdaman ang totoo sa lahat." hindi ko sya maintindihan. Nagpapaalam na ba sya. Kung ikaw nga Nate si Imadevil, wag. At ayoko.
"Haha. Oo nga naman. Sige bye na!" kumaway ako paalis.
At gaya ng inaasahan ko ngumiti sya. Ang ngiting pareha ng nararamdaman ko kapag nakakachat ko ang guardian ko. Hmm...sa tingin ko kailangan ko munang magpanggap na walang alam. Kaysa sa malaman nyang alam ko na at bigla na lang syang mawala.
Naglakad-lakad ako. Pagkatingin ko sa ea ko, nagmessage si Imadevil: 'Take care.' :) At....nakita ko rin si Ginji.
"Naghintay ka?" pumasok na sya sa sasakyan nya. Binaba nya ang window at sinabi:
"Gutom na ako. Pumasok ka na!" seryoso naman nito.
"OKAY! Pagluluto kita ng masarap." kinindatan ko sya. Pero mukhang wala sya sa mood. ??? Anong problema.
Nagseatbelt na ako. Wala namang nabago at mabilis parin syang magpatakbo ng sasakyan. Pero...pagkababa namin ng sasakyan. Ramdam na ramdam ko ang pagiging malamig niya. :o Di naman kaya dahil sa ginawa kong pag-iwas? Nagtatampo kaya sya?
"Ano...kahit ano diba?" naiilang kong tanong. Nakatutok na naman sya sa pc nya. Nagnod lamang sya.
Waaah! Natatakot ako sa mood nya. :-[
Mabilis ko naman tinapos ang pagluluto. At nakita kong nagmessage muli sakin si Imadevil. Dahil dun mas nadagdagan pa ang lakas ng loob ko. For some reason, gumaan ang loob ko. Nandun na naman si Ginji sa salas. Kaya sabay na kaming kumain.
"Hmm...mukhang palagi kang busy sa pagcocomp ah. Dota? Bakit di ka nalang kumanta? :)" pagmamagandang loob kong tanong. W/ matching ngiti pa yan ha.
"Hindi ako nagdodota. May mga inaasikaso lang talaga ako. At wala ako sa mood kumanta." seryoso parin syang kumakain ng hindi tumitingin sakin.
"Ahaha. Nakita kitang nagwa-ym. Can I get your ea?" kinuha ko cp ko. Tumingin naman sya sakin.
"Hindi mo na kailangan nun." nakatitig lang sya sakin na parang inaabangan ang reaction ko. Pero di naman ako nagulat at ngumiti lang ako sabay tago sa cp ko.
"Ayos lang yan." naalala ko tuloy si Nate. 'Di ko kasi binibigay agad ang email ko. Kaya sorry.' Tinuloy ko naman ang pagkain ko. Pero mukhang nakatitig parin sakin si Ginji.
"Bakit?"
"May gusto ka pang itanong?" napaisip tuloy ako. Bakit mukhang nasa mood sya. ::) aah... Siguro!
"Ah. Onga pala, sorry sa pagtakas ko kanina huh! May dinaanan lang talaga akong mahalag--" bigla syang tumayo.
"Ano sa tingin mo ang tawag sa taong kahit nasasaktan na sobra paring magmahal? Diba mapagmahal! Kasi hindi naman tamang tawagin syang martir o tanga. Kasi tao lang naman tayong nagmamahal." napangiti uli ako. Pero disappointed na naman ang reaction nya. May problema ba sa ngiti ko? Haha...naaalala ko lang naman ang mga sagot ni Nate. Imadevil na imadevil. :D
"Bakit ka ngumingiti? Di ka ba satisfied?" hindi ko narinig sinabi nya.
"Ahm. Kumain na lamang tayo. Ang sarap ng luto ko oh!" bigla naman nya akong hinigit at nileaned ng basta sa pader. HM! Ang sakit nun! >:(
"Ano bang problema- di ba masarap-" bigla na lang nya ako hinalkan.
Pero di na gaya nun. Ang mga halik na yun na ang na ang naging dahilan ng pagluha ko. Sinampal ko sya. :'(
"Hindi mo dapat ginawa yun." at tumakbo ako palabas ng condo nya.