xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 17

Chapter 17

Pagkatapos din nun. Nanood kami ni Nate ng iba't ibang cosplay show. Enjoy ko nga e. Lahat ang cute. Pangarap ko din yung mga ganyan noon.
Kumain din kami ni Nate na halos lahat ng makita naming masasarap na pagkain, binibili nya. Pagdi namin nauubos. Binabalot na lang namin. Ang bait bait nga ni Nate e.

"Nate?" lumapit sya sakin.

"Haha! Napansin ko lang ang mga bagay na'to. Ang cute no." ngumiti sya.

"Isa nga." tapos nagtry sya.

]Yung unang try, loose.

"Nate, hindi mo naman kailangan gawin e. Nakyukyutan lang ako."

"Miss, hindi lang sa maganda at cute ang larong to. Pero.. may premyo karing makukuha." ngiting ngiti yung babae.

"Ganon naman pala e!" nakangiti rin si Nate. Halatang nag-eenjoy sya.

"Ang gwapo naman ng bf mo. Nice pa! Ang swerte mo naman." kinindatan nya ako. ???

"Nagwagi ako!" tumingin si Nate sakin. At ngiting ngiti sya. Parang bata lang.

"Wow talaga!" nabigla kami ng hawakan nung babaeng nakakimono ang kamay ni Nate. "Heto ang premyo mo." ang lagkit ng tingin at ngiti nung babae. ::) Type nya si Nate no.

"Tara na Nate." tumayo naman sya. Nauuna akong maglakad.


Habang naglalakad. Napansin ko ang maganda spot.

"Wow. Nate! Tingnan mo ang ganda ng field nila. Tara umupo tayo dun!" tumakbo naman ako. Palubog kasi ang field nila. Tapos yung nakaslant na parte ng field, dun nakaupo ang mga tao.

May game din ngayon, mga nakaAMERICAN FOOTBALL uniform. Mga babae ang naglalaro. Ang kyut no. Nakajapanese girl uniform lahat. Ang sesexy naman nila.

"Tingnan mo Nate. Pili ka dun ng mga Japanese Character! Ang galing naman ng school na'to. Puros about japan ang concept nila." nasilaw naman ako sa biglang umilaw. Pagkatingin ko kay Nate. May hawak syang cp. ???

"Bakit?" nakangiti na naman sya.

"Every year, tuwing may gaganapin silang school festival. Iba't ibang concept ang ginagawa nila according sa theme ng ibang bansa. Like last year, Korea Theme ang ginanap. Puro babae kasi ang mga pumapasok dito." ahh.. kaya pala puro babae ang nakikita ko. Pero may mga lalaki din. Konti ???

"Eh bakit.."


Bigla nyang kinuha ang kamay ko. :o

Natulala naman ako nang makitang may sinosoot sya sa daliri ko sa may kaliwa kong kamay. Isang :o

"Nate?"

"Para may remembrance tayo na magkasama tayo ngayong gabi. Ngayong araw na'to. Ngayong oras na'to. Sa mga sandaling to." hinawakan parin nya ang kamay ko. At tinitigan to. "Kaliwa.. kasi.. yung kanan ang dapat na magsosoot ng totoong singsing." tumingin naman sya sakin. "Hindi naman ako yun diba?..






Yung taong mahal mo?" :o

thump.thump.thump.thump.





Nag-init ang pakiramdam ko nung mga sandaling yun. Hindi na nya hinawakan ang kamay ko. Nakatingin ako sa kaliwang kamay ko. Isang handmade ring ang binigay ni Nate sakin. At..

ang kanang kamay ko.. ang magsosoot ng tunay na singsing. Na tatanggapin ko lang. Galing sa taong MAHAL ko.

"Uhm! Magc-CR lang ako madali!" tumingin sya sakin at agad naman akong tumakbo paalis.


Takbo ako ng takbo. Ang init init ng pakiramdam ko. Para akong sasabog. Ngayon. Kanina lamang.. sinasabi ni Nate ang mga bagay na yun. I realize, ang dami na palang nagawa ni Nate sakin. Tapos.. hanggang bago magsimula ang event na'to.

Ang weird weird na ng kinikilos nya. :-[

Sandali, in the first place! Bakit nga ba ako ang inimbita ni Nate. :o :-\




Humina ang paglalakad ko. Hanggang sa tumigil na ako.

Hindi naman kaya..









"Serene." napatingin ako sa harap ko. Nakatayo sya sa harap ko.






:o :o






:'(




"Ikaw!?" :'(

bzzt.bzzt.bzzt. Tumatawag si Nate.


"Ang tagal narin ah." pero.. :o




Nasa harap ko ngayon si Ginji.


----


"Ginji?" nakatingin lang sya sakin habang nakatayo ng di naman kalayuan sakin.

Pero.. bakit nandito sya?


bzzt.bzzt.bzzt.


Kanina parin tumatawag si Nate. Pero hindi ko parin sinasagot ang phone ko.
Lalapit na sana ako sa kanya.



"SERENE!!!" malapit lang si Nate samin. Tinatawag na nya ako. Hinahanap na nya ako. Nag-aalala na si Nate sakin.

Agad akong umatras. Tumungo ako.

"Pasensya ka na." at agad akong tumakbo palayo sa kanya. Narinig ko pang tinawag nya ako. Pero di na ako lumingon.

Nakahawak ako sa dibdib ko habang pinakikiramdaman ang kagustuhan kong hawakan sya. Gusto ko syang yakapin. Yun lang kasi uli ang pagkakataon ko. Pero..



"Serene!" tumingin ako sa kanya. Lumapit naman sya.

"Nasaan ka ba? Wala ka naman daw sa cr sabi ni Gael." nakatingin lang ako kay Nate.

"Serene?"

Hindi ko napansin.. lumuluha pala ako. Sinubukan ni Nate na pawiin yun. Pero umiwas ako.

"Iuwi mo na ako."



Kahit sa kotse. Naging tahimik si Nate. Hindi sya nagtanong. Hindi na nya ako kinausap. Ginagawa lang nya yung mga dapat. Pagnapapatingin ako sa kanya. Nakikita ko yung mga matang.. nag-aalala pero walang magawa.

Naguilty ako. Nag-aalala si Nate sa kin. Pero .. dinededma ko sya.

Kaya pagkababa ko sa apartment ko. Hindi ako pumasok sa loob hangga't hindi sya tumitingin. Hindi rin sya umaalis. Siguro hinihintay nyang pumasok ako.

"Nate, kausapin mo ako."

"Serene! Nag-aalala ako sayo! Bakit ka ba umiyak kanina!" naiinis na tingin ang pinakita nya sakin.

"Nate.."

"Sabihin mo? May nagawa ba ako?" nalungkot naman ang mukha nya.

Tumungo ako at binigkas ang mga salitang to.


"Nakita ko sya Nate. Nakita ko si Ginji. Nandun sya sa school na yun. Nate .. ang tagal kong hinintay na makita sya. Pero.. *sob* Parang wala ng.." nagulat na lang ako nung nasa harap ko sya at bigla naman nya akong niyakap. :o


"Ganyan mo ba sya kagusto?" niyakap ko din sya. At hindi ko napigilang hindi maiyak.

Umiiyak na naman ako.. SA HARAP NI NATE. Si Nate na naman ang nasa tabi ko. :(





*SPLASH*

"Ano ba!?" nanlaki ang mata ko nang makitang nasa harap ko ang nakakainis na lalaki sa balat ng lupa. At 1 inch lang ang layo sakin.

"WAAAAAAAAH!!!" tinulak ko sya. At napaupo naman sya pero nakangiti parin sya.

"Don't tell me hindi ka pa nalalapitan ng ganong kalapit ni Jedrick. I don't think so. Baka nga.. nahalikan ka nya na. Am I right?" bigla akong nakaramdam ng init. Nagbablush yata ako. :-[

Pero agad din namang napalitan ang reaction kong yun pagkaalala ko tungkol sa nangyari kahapon.

"Bakit ka nalungkot?"

"Bakit mo ba ako tinalsikan ng tubig!?" tiningnan ko sya ng masama. Tumalon naman sya sa pool. Tapos tumingin uli sakin.

"Huhulaan ko. Siya na naman ba ang iniisip mo!?" :o

"Sinong sya!? Tigilan mo nga ako!"


Naglangoy naman sya.




Parang tanga lang no. May sasabihin sya. Pero pagkatapos.. blah!blah! Argh! Minsan di ko rin maintindihan ang lalaking to.


----


Hanggang ngayon hindi parin matanggal sa isipan ko ang nangyaring yun dun sa Festival. Nakatatak parin sa isip ko ang mukha ni Ginji. Ang mukha niyang matagal ko ng gustong Makita. Nung mga oras na yun at hanggang sa mga oras na’to, GUSTO KO SIYANG YAKAPIN. Sana nagawa ko yun nung mga sandaling yun. Ang tanga ko. Oo tanga ako. Hindi ko alam kung ano bang kinatatakot ko.

Dahil ba sa paniniwala kong ‘siya nga ang guardian ko.

Bigla akong napaisip at napatigil sa pagtatype sa laptop ko. Siguro nga siya ang guardian ko. Sabi niya na kapag nalaman ko na kung sino ang totoong siya, tapos na ang lahat samin. Kaya ba siya lumalayo. Dahil tapos na ang lahat samin.

“Ms. Gonzales, are you with us?” bigla naman akong napatayo. At nagbow. Tapos umupo uli at pinagpatuloy ang pagtatype sa laptop ko.

Masyado na akong nagugulo ng pag-iisip kong to. Ilang gabi na ba akong ganito? Ilang araw nab a akong naghintay na isang araw magmemessage uli sakin si imadevil, kahit ‘goodnight’ lang. Kasi hindi nga niya ako pababayaan diba.. hindi niya ako iiwan. Pinapanood lang niya ako.

“Class dismissed.” Hindi pa ako tapos sa tinatype ko ng magdismissed na agad si prof. at…


MESSAGE

Ni-open ko yun.

Quote

YSGuardian: Okay ka lang ba? Dahil ba’to sa nangyari dun sa festival?


Si Nate, bigla naman akong kinabahan sa message niyang yun. Kaya agad kong ni-x at nagpatuloy sa pagtatype.

Pero di pa man ako nakakapagtype. Isa na naming message na galling sa kanya ang lumabas.

Quote

YSGuardian: Sorry na. Hindi ko talaga alam na nandun siya. Hindi ko sinasadyang maging pabaya. Kung hindi dahil sakin, hindi mo siguro siya makikita.


Bigla akong nainis. Pati ang mga fist ko, hindi ko napigilang itiklop. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Palagi ko na lang pinag-aalala si Nate. Masyado akong selfish. Iniiwasan ko siya dahil ayoko na siyang mag-alala sakin. Pero kahit ganon.. nasasaktan ko parin siya. Pinag-aalala ko parin siya. Hindi dapat ako kumukuha ng lakas ng loob kay Nate. Hindi dapat ako ganito.

Dapat ako lang ang nangungublema.

“Becca!” kinaway ko ang kamay ko at lumapit sa kanila.

Namiss ko ang grupong to. Sina Anton, Rex at Becca. Sanadali.. si Rayne.

“Kamusta na Serene?” nakipaghigh-five ako kina Rex at Anton at nginitian silang pareho.

“Busy ka this past few days, dahil sa incoming swimming competition at dagdagan mo na yung naganap na date niyo ni Nate.” Tumawa pa silang tatlo. Ang mga to talaga. Basta tungkol sa chismis hindi nahuhuli. Sandali, chismis ba yun.

“Namiss ko kayo!” umupo ako sa tabi nina Rex at Anton at kumuha ng chichiria. “Nga pala, si Rayne?” ngumiti pa ako ng pagkalaki laki habang tinatanong yun. Mabuti na yung ganito kesa naman yung lagging mukhang may problema.


Pero sa pagkakasabi ko nun..



Biglang nalungkot ang mga mukha nila. ???

Napatingin naman ako sa tiningnan nila Anton at Rex. :o

“May nakalimutan akong isearch sa library!” si Rayne. AH! “ Samahan mo naman ako, Serene. At dun tayo magkwentuhan.” Bigla naman akong hinatak ni Becca at dinala ng mabilis palayo kina Anton at Rex… At…

Kay Rayne. :(

Si Rayne, ang nakita ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun. At… may kasama siyang ibang lalaki.. Hindi si Justin! :-/ Sobrang lapit ng mga mukha nila Rayne at nung lalaking yun. Hindi sila naghahalikan. Pero hindi naman tamang ganon kalapit sila sa isa’t isa. Kung… hindi naman sila. :-/

Anong nangyayari? Nasaan si Justin? Anong meron sa lalaking yun at kay Rayne?

Hinihila parin ako ni Becca. Hindi siya nagsasalita.

“Becca, si Rayne. Si rayne ang babaeng yun.. at yung lalaking kasama niya.. hindi si Jus-“ bigla siyang tumigil. Hinarap niya ako nang :o Nakangiti :-/

“Samahan mo na lang ako sa library oh.” Pero malulungkot ang mga mata niya. :(

Masyado akong nagpabaya. Pati mga kaibigan ko pinababayaan ko na. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa kanila. Ang selfish ko talaga. Puro sarili ko na lang ang iniisip ko. Kaya ngayon.. hindi ko alam ang nangyayari kina Rayne at Justin.

Naglakad kami ni Becca. Nasa likod niya ako. Walang nagsasalita samin. Nang pareho kaming mapatigil sa mga hiyawan ng mga tao. ???


“Si Gael Min Ji. Kasama niya si Jin Jedrick Seo!”
“Watta perfect couple! Bagay talaga sila!!!”
“Kahit sa totoong buhay, bagay sila.”
“Balita ko, lahat ng magazine nila, basta sila ang magkapartner. Mabenta talaga!”
“Ang ganda niya. At ang gwapo ni Ginji! Wow!”

Parang tumigil ang oras ko nung mga sandaling yun. Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong feelings. Naninikip ang dibdib ko. Bakit nandito si Ginji? Bakit may kasama siyang magandang babae na bumagay sa kagwapuhan niya? Bakit ganon kalapit ang babaeng yun sa kanya? Bakit nakalink ang babaeng yun sa mga braso niya? Sino siya? Ano ba sila?

“Serene?” agad akong naglakad.

“Tara na sa library.” At sumunod naman agad si Becca.


Kahit sa library, iniisip ko parin yung pinagkakaguluhan ng lahat. Si Ginji at isang magandang babae, na siguro modelo din. Tinitingnan sila ng lahat. Hinahangaan at tinitilian. Bagay daw sila. Baka naman, SILA. :-/

“Serene..”
“Huh.” Shocks. Kausap pala ako ni becca. :-[

“Sabi ko pahiram ako ng laptop mo kung dala mo.” Agad naman akong tumango.

“Nasa room e. Sandali, kukunin ko lang.” agad akong lumabas ng library.

“Ah!?” may nanagi pa sakin. At mukhang nagmamadali. Babalewalain ko n asana—

“Wah! Tara bilisan natin. Ipopromote daw nila Ginji at Gael ang bago nilang magazines and posters.” Napatingin pa ako sa mga taong nakapaligid sakin. Halos lahat sila nagmamadali. Pero dumiretso na lang ako sa room

Ganon kasikat si Ginji. Kaya sinong mag-iisip na may pagtingin siya sakin. Kahit na madami na siyang nagawa para sakin. :-/ Wala. Walang mag-iisip na mag gusto sakin ang isang Jedrick Seo.




Nakarating narin ako sa room. Kinuha ko ang i.d. ko at nagbukas naman ang pinto…













:o



Natulala ako sa nakita ko. Parehas silang nakatingin sakin sa ganong posisyon. Ang sakit. Nasasaktan na naman ako. Agad akong tumungo. At tumakbo.









“SERENE!!!”