"Kuya, ako na pong bahala sa kanya. Kilala ko sya." hinand nya ang panyo nya sakin. Pero pinunasan din nya ang mga luha ko.
"Masakit ba?" napahikbi naman ako.
"Nate.. Bakit, bakit.. ang sakit-sakit!? Palagi na lang akong nasasaktan. Ayoko na.. pagod na ako. Wala ba akong karapatang maging masaya." binuhat nya ako. Yumakap naman ako sa leeg nya.
"Lahat tayo, may karapatang maging masaya."
Mas umiyak ako sa kay Nate. Ang bait-bait ni Nate. Kahit wala naman talaga syang pananagutan sakin, kung umasta sya.. daig pa nya ang boyfriend na sobrang mag-alaga sa kanyang gf. Daig pa nya si imadevil na kahit na anong oras nandyan, at pa ang handang maging guardian sakin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagamot ang sugat ko. Nandito kami sa pinakamalapit na hotel. Chineck-in nya ako.
"Sino ka ba talaga?" tumigil sya. "Kahit ikaw, hindi rin kita makilala eh." tumingin sya sakin.
"Sabihin nating.. inutusan ako para subaybayan ka.. at ang guardian mo. At si Imadevil, sya ang totoong nagbabantay sayo. Nanonood sayo. Nag-aalaga sayo. Pumoprotekta sayo. At ako.. ako lang yung taga salo. Serene, hindi mo pa alam ang image background nya. MAS MASASAKTAN KA LANG PAG NALAMAN MO. Kaya kailangan mangyari lahat to. Kasi.. kapag nalaman mo ang tungkol sakanya.. Hindi ka na nya mapoprotektahan. Lalayo pa sya sayo." gusto muling tumulo ng mga luha ko pero tinakluban ni Nate ang mata ko. "Si Francis, hindi ko pa pwedeng sabihin kung sino sya. Hindi ko alam kung bakit sya nandito. Pero please.. wag kang masyadong lumapit sa kanya." inalis nya ang kamay nya sa mukha ko.
"Anong dapat kong gawin?" hinawakan nya ang pareho kong kamay.
"Simple. Hayaan mong maging substitute guardian mo ako. Habang.. hindi pa nagdedecide si imadevil kung paano ka nya mapoprotektahan laban sa image background nya."
Pagkatapos ng pag-uusap naming yun ni Nate. Iniwan na nya ako sa room ko, mas nakakabuti daw kasi siguro na magpag-isa ako. Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Hinahaplos haplos ang kama habang iniisa isang intindihin ang bawat salitang binitawan ni Nate?
Image background? Bakit sino ba talaga si Imadevil? Mapapahamak ba lalo ako kung makikilala ko sya? Si Ginji? Bakit ano bang meron sa mga Seo? Ang Francis na yun? Bakit kailangan ko syang layuan?..
Habang nag-iisip ng posibilidad na kasagutan. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...
type.type.type. *sign-in*
imadevil is offline
Tinitigan ko ng matagal ang un nya s ym ko. Ang tagal narin.. siguro napagdesisyunan na nyang wag ng maging guardian ko, ngayon pa't mas naging komplikado ang lahat. :-\ Ang kulit mo kasi Serene e.
??? Hinawakan ko ang mouse. At agad na nakuha ng atensyon ko ang lumabas sa screen ng pc ko. Inapprove ko yun. YSGuardian?
Mamaya pa't may lumabas na message..
YSGuardian is typing a message...
:o
Quote
YSGuardian: Are you okay, now?
Magtatype na sana ako ng matatanong ko.
Quote
YSGuardian: wag kang mag-alala serene.
darating yung oras.. na maayos din ang lahat.
Just let us fix this Serene.
and just let me.. guard you too.
Napahawak ako sa bibig ko. Ang taong nasa likod nito.. ay si.. :'(
Quote
Serene_19: thank you, Nate.
Naglalakad ako ngayon sa campus. Sa dami daming nangyari sa buhay ko. Sa tingin ko, dapat asikasuhin ko rin ang pag-aaral ko.
"Serene!" may dalwang babaeng kumaway sa di kalayuan at tinatawag ang pangalan ko. Nandun din sina Justin, Anton at Rex. Lumapit naman ako.
"Wah! I miss you sis, magkwento ka naman!" sabi sakin ni Rayne. Ang lukaret nato.
"Rayne, hayaan mo muna si Serene. Sigurado.. Pagod na naman yan sa mga emosyon nya." kumindat naman si Becca.
Namiss ko tong dalwang to. :)
"Serene!" paalis na sana kami pero naagaw ng atensyon ko ang taong tumawag samin.
Ngumiti sya habang papalapit sakin. At binigkas ang mga salitang to. :-[
"Goodmorning." nakakatunaw ang mga ngiting yun.
"Sabihin mo nga! Kayo na ba!" biglang siko ni Rayne sakin habang papaalis si Nate.
Hindi naman talaga kami e, napagdesisyunan ko lang. Na mas mapalapit kay Nate Cruz.
-----
Ang daming nagbago. Lalo na sa nangyayari sa paligid ko. Kung dati, yung mga titig ng mga tao sa paligid ko halos patayin na ako. Ngayon, pagnahuli ko silang nakatingin sakin, halos gustuhin na nilang umalis sa harapan ko sa sobrang takot ???
Hindi na masama. Okay narin na hindi nila ako pakelaman. Hindi naman sila lahat natatakot. Nag-iingat siguro. ::) Ganon pa man, naconclude ko kung gaano kalakas ang hatak ni Ginji sa kanila. Seo? :-\
"Serene! :)" napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Nakangiti sya. At isang tingin nya lang sayo, mapapangiti ka na rin. Walang halong fake ang ngiti nya, at natural na natural. Ang gwapo ni Nate ::)
"So kumusta ang bagong atmosphere?" I inhale.
"Mas masaya. Pero nakakailang. Parang napilitan lang sila. Haha." nanonood ako ngayon sa field. Ang ganda kasi ng weather ngayon. Bluish ang langit, sunny pero hindi naman mainit. At may malalanghap ka pang sariwang hangin. :)
"Hmm.. free ka ba tonight?" tumingin ako sa kanya. ???
"Hmm.. I think!"
"Well.. let's meet. Around 7, I'll fetch in your dorm. May school festival akong pupuntahan. At gusto ko may partner ako." ngumiti sya at umalis din. Pinanood ko lang syang umalis.
??? At napaisip ako ng malalim. ... Si Nate? Gusto nya akong makasama? Hmm.. bakit naman?
Pumunta na ako sa sunod na klase. Gamit gamit ang laptop. Again.. isa na namang mensahe ang lumabas.. sa laptop ko.
Quote
'Wag kang masyadong magdidikit sa ibang lalaki. Palagi lang kitang pinapanood'
Napatingin ako sa paligid ko. Wala naman si Nate. Pero kinilabutan ako sa mensaheng yun.
Pagkalabas ko ng classroom. Dumiretso naman ako sa pool. Kinausap ko si Coach. Since malapit na ang Swimming competition na dito gaganapin sa school. So magtetraining din ako ngayon. Kaya pumunta ako sa cr at nagpalit ng swimsuit. Paglabas ko naman. :o Si Francis ang bumulaga sakin. Nakatranks lang sya.
"Anong ginagawa mo? Sinusundan mo ba ako?" nakahawak sya sa pinto at lumapit pa sa mukha ko.
"Interesting pala ang panoorin ka." hinead to foot nya ako. Napahawak ako sa balikat ko. Ewan ko ba. Pero kinikilabutan ako sa mga tingin nya. >:( "Alam mo na ba ang balita?"
"Wala akong oras." bigla naman nyang hinawakan ang braso ko.
"Hindi pa naman magsisimula e. Intindihin mo muna ang sasabihin ko." tiningnan ko sya ng masama. "Si Jedrick, hindi na sya babalik sa school na'to. Know why? Kasi tinanggap na nya ang kontratang maging modelo. It takes so many time. Kaya wala na syang oras sayo. Kalimutan mo na sya.. kasi ngayon, mas madami na ang oras na magsasama tayo--" agad kong binawi ang braso ko. Masyadong napalakas pero agad akong nagwalk-out.
"Coach?" ngumiti ako. :)
"Sandali lang Ms. Gonzales, gusto ko ring makilala mo ang taong tutulong sayo sa swimming skills mo." hinawakan ni coach ang braso ko. At sabay kaming lumingon sa taong tumawag kay coach :o
"Oh Mr. Lee!? Ready?" he smirk. At parang sinasabing, 'I told you'. Nakakairita >:( "Oh Mr. Lee, as I said, this is Ms. Gozales. Serene Gonzales. Take care of her, at siguraduhin mong maiimprove mo pa ang swimming skills nya." napatingin sya sakin. Nakakamatay na tingin.
"But why coach, ayos naman yung tayo lang ah?" hindi parin natatanggal ang tingin ko sa kanya.
"I'm also a coach of every student here remember Ms. Gonzales? And it's better na isang swimmer na kasing idad mo ang magtuturo sayo. Magkakasabayan kayo."
"Yun e kung makakasabay sya sakin." sinoot na nya ang goggles nya. At pumesto.
Napatingin din ako sa kanya, head to foot :o :-[ :-[ At agad na umiwas. Oh my~ eh ang HOT pala ng taong to e. ARGH! Bakit kasi sya pa!..
"Then I have to go."
"Yeah, coah!" tumingin ako kay coach. Tapos sa kanya. Ang abs nya :o Ang sexy nya. At kahit anong iwas-tingin ang gawin ko. I don't deny na ang napakaganda ng katawang ng lokong to. :-[
"Hey, you're becoming red!" napareact ako sa pagkakatingin sa abs nya. Unti unti akong tumingin sa mukha nya,
He's smiling!