xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 20

Chapter 20

Naglalakad ako ngayon, papunta sa room ni Francis. Okay lang to, dahil wala pa naman klase sa mga oras na'to. At siguradong nag-iisa lang sya sa kwarto na yun.

Agad kong pinaread ang i.d. ko at nagbukas naman ang pinto.

"Francis Lee!" tumingin naman sya sakin.

"Serene, anong kailangan mo?" nakangiti naman sya.

"Bakit bagong cp na naman ang nilalagay mo sa locker ko!?" >:(

"I thought, you don't like the old one." tapos tumingin sya sa laptop nya. May tinataype sya. Lumapit naman ako at inabot sa kanya ang cellphone na patatlong beses na nyang bili. At patatlong beses na nyang lagay sa locker ko.

"Naglalaro ka lang pala ng SF!" binaba nya ang laptop nya.

"Ano ba talagang gusto ng isang Serene Gonzales?"

"Wala akong gusto. Ayoko lang magkautang na loob sa iba." diretso kong sabi.

"Kung may cellphone kang dala, mas madali kitang macocontact."

"Hindi mo kailangan na lagi akong tingnan." mas lalong nagseryoso ang mukha ni Francis.

"Alam mo na ba ang tunay na pagkatao ni Imadevil." biglang lumakas at bumilis ang pagtibok ng aking puso. Parang bang natakot ako nung muli kong narinig ang pangalan ng aking guardian.

Ang tagal narin pala nung huli kong nacontact at nakachat ang guardian ko. Si Imadevil.
Si Ginji :-\

"Naniniwala ka ba talaga na si Imadevil at si Jedrick ay iisa?



Serene, naaalala mo pa ba nung unang nagpakilala si Imadevil sayo. Anong araw yun? At ano bang nangyari bago ng araw na yun?" ...

Parang akong tuod. Parang lahat ng sinasabi ni Francis ay may malaking kaugnayan sa buhay :-\ Bago ang araw na nakilala ko si Imadevil. Ayoko ng alalahanin ang araw na yun. Gaya ng sinabi ni Imadevil, 'Kung ayaw ko ng masaktan. Kailangan ko ng kalimutan ang mga bagay na nakakasakit sakin. Kahit na ang araw na yun pa.

"Ano bang pakealam mo sa mga yun!?" tumayo sya. At naglakad palayo sakin.

"Kung ako sayo, iiwas na lang ako sa mga Seo. Isama mo narin yung Nate Cruz. Kasi.. kapag nalaman mo ang katotohanan. Sigurado ako na kasusuklaman mo rin sila. Gaya ng pagkasuklam ko sa kanila." at nagsarado na ang pinto.

Sabi ni Nate, layuan ko si Francis. Sabi naman ni Francis, layuan ko si Nate at.. si Ginji.. Ano ba talagang gagawin ko :-\ :(

Ang mga sinabi ni Francis. Parang may kaugnayan sa mga sinabi ni Nate. Masasaktan ako? At kasusuklaman ko si Ginji? Sandali.. ano nga ba ang totoo!

Agad akong tumakbo. Tumakbo ako palabas ng campus. Agad akong nagpara ng taxi.

Hindi balang araw. Kundi ngayon. Nate, gusto ko ng malaman ang katotohanan sa likod ng pagkatao ng mga Seo! Sino ba sila!? :-\

Bumaba ako sa taxi. At binayaran ang driver. Tiningnan ko pa ang building na pinagbabaan ko. Ito ang condominium building kung saan isa sa mga condo na yan, ay nakatira si Ginji. Na possible na ang guardian ko.

Agad akong pumasok at sumakay ng elevator. Naglakad ako patungong room 205. Tiningnan kong mabuti ang pintong yun. Ito na nga yun. Ito yung condo ni Ginji. Pagkumatok ko ito, makikita ko sya. Pwede akong masaktan o maging masaya :-\ handa na ba ako?



tok.tok.tok.tok.tok--

"Sino.." nagulat naman ako sa boses na aking narinig. Nagkatinginan kami. Biglang nanikip ang aking dibdib. Nakaramdam ako ng sakit at INIS. Si Nate, bakit nandito sya sa condo ni Ginji.

"Sino yan Nate? Halika na, kailangan pa nating maabutan si Papa." si Ginji. Magkakilala sila. >:(

"Serene.." nalungkot ang mukha ni Nate. Halatang guilty sya. All this time niloloko nya ako. So close kilala. May nalalaman ba sya tungkol sa lahat ng nangyayari!?

Binuksan ko pa ang pinto. Para mas makita ako ni Ginji. Ayoko na. Sawa na akong umiyak. Aalamin ko na ang katotohanan!

"Ah. Serene." si Nate walang magawa sa tabi. Nakatungo lang sya. Nakasuit sila. Anong nangyayari? :-\

"Jedrick, iiwan mo na lang ba ako. Sasama ako no." napatingin naman ako sa babaeng lumabas sa kwarto ni Ginji na nakasoot ng short-shorts at sandong hanggang bewang lang. >:(

So binabahay na talaga nya ang gf nya!

Nagkatinginan kami nung babae. At nagulat ako nung ngitian nya ako.

"Sorry. Wrong timing yata ako." patakbo na ako ng pinto nang higitin ni Ginji ang braso ko. THUMP.



"Kailangan mo ng malaman ang katotohanan.
Please Serene! Mag-usap tayo pagkatapos nito." kinakabahan ako. Halo halo ang nararamdaman ko..

"Jedrick." pero nung nagsalita na yung gf nya bigla akong nagkalakas ng loob para tumakbo.



"SERENE!"

"JEDRICK/GINJI--"

Takbo ako ng takbo. Hanggang sa nakasakay na ako ng elevator akala ko nga maaabutan pa ako ni Ginji e, kasi sinundan pala nya ako.

Nung makarating na ako sa ground floor. Agad akong naglakad. Di ko napansing umiiyak na pala ako. Nakakainis yung ganitong feeling. Nakakainis! Ayoko na talaga! Ayoko ng umiyak! Sawa na akong masaktan! :'(


"Serene!" natakot ako nung marinig kong muli ang boses na yun, si Ginji :-\

"Serene! Let's talk!" agad akong lumabas at naghanap ng taxi. Nakalabas na si Ginji, wala paring taxi. :o



"..I said.-




stop" parang akong kinukuryente nung maglapat ang aming mga balat.

Pero agad akong bumalik sa katotohanan. Agad kong binawi ang kamay ko at agad akong tumakbo. Wala na akong pakealam kung anong mangyayari pagkatapos nito. Basta napagdesisyunan ko na lalayo na ako sayo Ginji. Kahit na ikaw pa ang guardian ko!






BEEP! BEEEEEPPPPPPP!~













"SERENEeeeeeeee!!!~"


----


Ang ganito na namang feeling. Parang naulit lang.

Unti unti kong minulat ang mata ko.

"Hi." napatingin ako sa tumawag sakin. Napabangon naman ako. At tiningnan ang babaeng tumawag sakin.

"Are you okay, now? Is there something you're not comfortable with?" umiling lang ako. Napakaganda nya. At habang tinititigan ko sya, parang may naaalala ako.. She looks familiar. Sigurado ako nakita ko na sya noon. Hindi lang sa school.
Saan nga ba.. ???

"Serene!" biglang nagbukas ang pinto at dumating si Nate.

Lumapit sya sakin. Hindi ko alam kung napansin ba ni Nate yun.. pero bigla na lang nagbago ang expression ng mukha nung magandang babae.

"I'm sorry. Please, let us explain. Kasalanan ko to. Hindi ko agad sinabi sayo.." ang lungkot ng mukha ni Nate. Kahit na ba nagsinungalin sya sakin. At pinamukha nya akong tanga. Hindi ko magawang magalit sa kanya..

..dahil siguro. Mabait si Nate. I undestand him. Alam kong hinding hindi ako sasaktan ni Nate. Never! :)

Ngumiti naman ako. :)

"Okay ka na ba talaga?" tumango ako at tumingin sa babaeng nakatingin sa kanya. Agad din naman syang tumingin sakin.

"Gaeljin.." nagbago uli ang expression nung babae. ??? Ewan ko. There's something weird.

"Umalis si Ginji. Kausap nya yung papa namin. Please Serene, wait for him. He's sincerely asking for your forgiveness." naging natural na uli yung expression ng mukha nya. Nakataas yung kilay habang nakasmirk. Yung parang brat. Or she's totally one of the brat ???

"Papa.." nagtataka kong bulong habang papatayo sya. Ang taray nga ng pag-alis nya. Parang b!tch lang.

"Pwede po bang dito muna ako, Miss Gaeljin." tumigil yung babae. Hindi sya humaharap samin habang sinasabi to:

"Do whatever you want! I'm not your amo, Nate! It's Ginji!" parang syang galit. Umalis na sya at sinarado na ng mga maid ang pinto. Si Nate naman, nakatingin lang sakin. Parang walang narinig. Sa pagkakadinig ko, parang narin syang minumura e. O masyado lang inosente si Nate ???

Umupo sya dun sa inuupuan nung babae kanina.

"Sisimulan kong mag-explain, tungkol sa sarili ko." malungkot ang mukha ni Nate.

"Assistant ako ni Jedrick. I'm working for him. Ito ang utos ng kanyang ama. Kaya madami akong alam kay Jedrick. At dun sa festival, oo alam kong nandun sya. At sinadya ko na dalhin ka dun dahil gusto ka nyang makita. Kailangan kong gawin yun, dahil yun ang utos nya."

"Naalala mo nung una tayong magkakilala.. lahat ng yun.. Sinadya ko! Sinadya kong isipin mo na ako ang guardian mo. Isa yun sa mga utos ni Ginji. Ang lituhin ka. As long as you don't suspect him as your guardian, he can still be your guardian. But the things became complicated, masyado ka ng umaasa. Nag-eexpect. Nasasaktan si Ginji. Nagseselos sya. Kasi.. tuwing kachat mo sya, may ibang tao ng lumalabas sa isip mo.. at ako yun. Na inaakala mo ngang ang guardian mo.

Tapos.. dumating si Francis. Tungkol naman kay Francis, wala akong pwedeng sabihin. Personal reason na yun ni Ginji. At sa ibang bagay pa na nangyari.." hinawakan ni Nate ang kamay ko. "Maniwala ka Serene, hindi naming gustong lituhin ka pa, saktan ka, paiyakin ka, at galitin ka. Ito lang ang alam namin para hindi ka masaktan.


Ngayon sabihin mo sakin na nalaman mo na iba sa katotohanan. Nagagalit ka ba..




Sakin?" sumide view ako. Binitawan nya ang kamay ko.

"Kahit na kelan, hinding hindi ko magawang magalit sayo. Tingnan mo nga Nate, habang sinasaktan nyo ako.. nandyan ka parin para icomfort ako.


Palagi kang guilty." nagulat sya. At ngumiti. Binawi ko ang kamay ko at pinat ang ulo nya.

"Hindi ko alam kung bakit ka ganyan sakin. Kung pati ba ang pagtatrato mo sakin e inutos ni Ginji.

ng guardian ko. Ni Imadevil." nagulat si Nate sa sinabi ko. Parang di nya alam na matagal ko ng gets na si Ginji ang Imadevil na guardian ko.













"So I think.. I'm done as Imadevil." napatingin kami ni Nate sa nagsalita.