Sa sobrang OT ng partime job ko kagabi kaya ayan, late na ako ng gising. Dapat kasi di na ako pumayag ng OT kahit na malaki ang perang ibibigay nila sakin. Dali dali akong pumara ng taxi, papuntang school. Nakikita kong wala ng estudyante na pumapasok. Patay. Baka hindi basahin ng computer ang i.d. ko sa sobrang late ko. 2 hours na akong late oh. Anong gagawin koo~! :o
Dahan dahan akong naglakad sa harap ng gate. Iniisip kong may makakakita sakin sa loob. Nicontact ko naman sina Becca, Anton, at Ren. Pero mukhang may mga klase sila. :-\ Sinubukan ko ang kay Rayne.. pero.. 'Cannot be reach.. ??? :-\
"Serene?" napalingon ako sa tumawag sakin :o
"Justin!?" tinaasan lang nya ako ng kilay.
"Late ka rin!?" sabay naming sabi. Napatawa kami. Pero agad akong bumalik sa katotohanan. Si Justin ang dahilan kung bakit umiiwas ang mga kaibigan ko sakin, lalo na si Rayne.
"Tara. May alam akong pwede nating puntahan para makapasok tayo sa school." ngumiti sya at tumalikod. Dapat ko ba syang pagkatiwalaan.
Isang malaking puno ang aakyatan namin. Sa may likod to ng school na medyo gubat. Pagtumalon daw kami dun sa may bubong na blue tapos tumalon uli kami dun sa tap area at makakababa daw kami ng bubong. At ayun na. Yun yung locker room ng mga football players. At oo. Soccer/Football player sya. Ginawa naman agad namin. Napatingin ako sa paligid, at halos tama sya sa lahat. Ang galing ah 8) Siguro ito lagi ang gawain nya.
"Alis na ako!" tatalikod na sana sya at aalis ng maisipan kong tanungin sa kanya ang tungkol sa kanila ni Rayne.
"Bakit. Bakit break na kayo?" tumigil naman agad sya. Mga 5 segundo bago sya humarap sakin.
"Mukhang mahaba habang usapan to ah. may 30 minutes pa tayo bago ang sunod mong klase. Gusto mo kumain muna tayo. Sa sobrang late na natin pumasok. Siguro di na natin naisip na magbreak fast." ngumiti sya. Hindi ko dapat sya susundan papunta sa cafeteria. Kasi gusto kong malaman na agad ang katotohanan at ang dahilan. Pero hindi sya nagpaawat sa paglalakad.
Hindi sya umiimik pagtinatawag ko sya. Basta patuloy lang sya sa paglalakad papuntang cafeteria. Dapat nga e iiwan ko na lang sya kaso.. Eksaktong nakasalubong namin si :o Rayne :-\
may kasama syang iba na namang lalaki. Hindi ito yung lalaking nakita ko noon. Nakalink pa si Rayne sa braso nung lalaki.
"Ray--"
"Tara na, Serene!" nagulat ako sa biglaan paghigit ni Justin sa kamay ko. Hawak ni Justin ang kamay ko. Nilingon ko naman si Rayne. Nakatigil parin sila dun. Hindi lumilingon si Rayne samin. :(
Habang papalayo kami ni Justin, naisip ko agad na maaaring nasasaktan talaga si Rayne sa mga nangyayari. Kaya agad kong binawi ang kamay ko kay Justin. Nagulat si Justin. Sinamaan ko sya ng tingin. >:(
Agad akong tumakbo papunta kay Rayne. Kahit madaming tao, at sa mga taong yun ay may napapalingon samin, tinawag ko parin si Rayne. Pero bigla naman syang tumakbo palayo at hindi nya isinama yung guy na kasama nya. Tinawag din sya nung guy. Kaya sinundan ko si Rayne.
Pero agad naman syang nawala sa paningin ko.
"Serene." naiinis ako sayo Justin!!-- >:(
"BAKIT--" nabigla ako ng makita kung sino ang nasa harapan ko. :-\ Si Nate. :-[
"Anong nangyari? Bakit ka tumatakbo?" hindi ko sya maharap. Naalala ko lang yung mga nagdaang araw na hindi kami nagkikita, iniiwasan ko sya, at hindi kami nakakapag-usap. Ang tagal na pala. :-\
"Pwede ba tayong mag-usap." tiningnan ko sya. Naaninag ko naman si Justin sa likod nya. ???
"May pag-uusapan pa kami, Nate Cruz." nagulat ako nung sabihin nya yun. Tapos pumagitna sya saming dalwa ni Nate. "Tara na, Serene." kinuha nya ang kamay ko. ???
Hindi pa man kami nakakaalis ni Justin. Bigla na lang hinigit ni Nate ang braso ko.
"I will never hand Serene to someone like you!" :o
Parang naulit na ang pangyayaring to ??? Noong sina Francis at Ginji. At ngayon sina Nate at Justin naman. :o
"Ang oa mo naman Nate Cruz, mag-uusap lang kami ni Serene." hindi parin binibitawan ni Nate ang braso ko. Medyo naaagaw na nila ang atensyon ng iba.
"Ayoko lang na napapasama sa isang Justin Fajardo, ang gaya ni Serene." nagkatinginan sila ng masama. Para bang may kuryenteng nag-uugnay sa kanilang dalwa.
Napatigil lang kami nung marinig ang bulong bulungan ng mga taong nakapaligid samin. ???
"Ano na naman ba yan?"
"Si Serene Gonzales na naman."
"Si Nate Cruz. Diba sophomore student sya? Bakit sila close nung Serene?"
"Ex nya yung Justin Fajardo diba?"
"Ang alam ko magkaklase si Nate Cruz at yang Serene sa isang Subject."
"Ibang klase talaga yang babaeng yan noh. Hmf!" >:( >:(
Napakatroublesome ko talaga :-[
"Ah." nagulat ako nung may biglang yumakap saking likod. Sina Nate at Justin ay napabitaw. Pati ang mga tao sa paligid namin nagulat :o
"Walang nagmamay-ari kay Serene! Talaga lang na gusto namin sya." si Francis.