Nagpapraktis kami ni Francis. At walang oras na hindi kami naglalangoy. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang sinasadya naman ni Francis. Pagpupuntahan ko ang mga kaibigan ko, kailangan sasama pa siya. O di naman kaya pag-pupunta ako sa klase ko, ineexcuse na lang niya ako lalo na kapag kaklase ko si Nate sa mga subject na yun. Nangyari ang lahat ng to nung last time na tumatakbo ako tapos nasagi ko siya. Hindi ko namalayang umiiyak pala ako nung mga oras na yun. Tapos nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. ???
Alam ninyo yung feeling? Wala naman siyang nakita pero.. dun sa mga yakap niyang yun. Feeling ko alam niyang nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil lamang sa iisang tao. :( At alam niya kung sino yun. :-/
“Uuwi ka na?” lalabas pa lang ako ng campus. Siya na naman tong nakikita ko.
Isang oras pa lang nga kaming nagkakahiwalay at dahil yun sa klase. At ngayon.. makikita ko na naman siya. Hayy.. hindi naman sa naiinis ako o naiirita. Pero.. naiilang ako sa ginagawa niya. Nagtataka. Iniipit niya kasi ako sa isang sitwasyon. Gusto kong mapag-isa. Oo nasaktan ako. Pero hindi ko naman sinabing kailangan ko siya dyan sa tabi ko.
“Hm.” Ngumiti naman ako. Nagulat ako nung kunin niya yung gamit ko. At naglakad siya palayo sakin ??? :o Ano na naman ba!?
Bakit naman kasi ayaw niyang sabihin kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na’to sakin. >:(
Naiirita ako dahil wala akong alam! Wala akong alam, kung bakit niya lagging gusting nandyan siya sa tabi ko. Kung bakit niya ako sinasakal!? Kung bakit ayaw niyang lumapit ako kay Nate o mag-isa ako!?
“Francis!?” sa pagsunod ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang huminto sa harap ng kotse niya at pagbuksan ako ng pinto.
“Get inside the car!” >:( Ano ba talagang gusto ng taong to.
Hindi ko siya pinakinggan at agad kong inabot ang bag ko :o Pero bigla naman niyang binato papasok sa kotse niya.
“Anong-“ tapos sumakay siya sa kotse niya at tumingin sakin. Sumenyas pa siya na pumasok daw ako. Kaya sumunod naman ako.
Nakahalumbaba lang ako sa may binatana at nakatingin sa labas. Nakakainis kasi siya. Ayaw niyang magsalita, ayaw niyang magpaliwanag kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na’to!
Huminto naman ang sasakyan. Nandito na pala ako sa apartment ko. Agad akong bumaba. Tapos nagpaalam na rin sa kanya. Wala naman siyang sinabi at umalis na lang.
The next day, walang pasok. Kaya ako lang ang nasa school. Walang Francis na nagpakita. Pero ayos na yun. Mas mabuti yung ganito.
At pagdating ng lunes.
“Ready?” siya agad yung nakita ko. Nakatranks na siya habang nakaswimsuit na rin ako. Kinakabahan ako. Nakikita ko ang madaming tao na manonood samin. Nandito kami sa school pero feeling ko nasa ibang planeta ako.
Feeling ko kakawala na yung puso ko sa sobrang kaba. THUMP!
“Ngayon ka pa ba susuko? Kung kelan nandito na tayo?” tumingin ako sa kanya tapos sa abs niya :-[ Oops!
“hindi naman sa ganon. Kinakabahan lang ako.”
“Tandaan mo, dito nasayang ang oras mo. Kaya wag kang magpapatalo!” umalis naman siya ???
Alam ko naman yun. Atsaka, dito rin nakasalalay ang scholarship ko. Kaya dapat ko lang galingin. Kailangan maipanalo ko to.
Mamaya maya tinawag na kami. Mas una akong lalangoy kesa kay Francis. Pumwesto naman ako. Sa kinatatayuan ko. Nakikita ko si Francis nakatingin sakin. Sinoot ko naman ang goggles ko. At pagkarinig ng shot gun, agad na tumalon sa pool.
Tama si Francis. Hindi ako magpapatalo. Dito nasayang ang oras ko. Halos solohin na nga niya ako para lang mapraktis to. At para lang maperfect ang swimming skills ko. Hindi ako patatalo. Mananalo ako—
“Ha.ha.” Inalis ko ang goggles ko at agad na kinuha ang kamay na nakalahad sakin. Pagkaapak ko sa lupa. Kay Francis pala ang kamay na yun.
“Very good.” At pagkatingin ko sa mga kalaban ko. Ako pala ang una.
Napangiti ako at napayakap kay Francis.
“Nagawa ko!” agad din naman akong kumawala sa kanya. Pinat niya ang ulo ko. At agad siyang sumeryoso.
“Kailangan nating manalo ng tatlong beses. Pagkatapos kong lumaban, lalaban ka pa uli.” Ngumiti siya. “Stay there. And watch.” Sumunod naman ako sa kanya.
Habang papalayo ako. Narinig ko naman muli ang shot gun. Napalingon naman agad ako. Hindi ko makita. Pinilit kong tumiyad. Dapat mapanood ko ang nangyayari. Anong nangyayari? Nagulat naman ako ng may biglang tumulak sakin. Ang lakas ng sigawan. Lahat sila sumisigaw.
Ang sakit ng paa ko.
Patay. Hindi ko na napanood ang nangyayari. Mukhang may nananlo na. Argh!
“Anong ginagawa mo dyan!?” tumingin ako sa tumawag sakin. Ngumiti ako.
“Tapos ka na?” ngumiti siya at naglahad ng kamay para sakin. Agad ko naman iyong inabot.
“Oo. Kaya dapat magready ka na.” para akong tuod. Nakatingin lang ako kay Francis.
Nung umalis siya. Pinanood ko lang siya. Tinawag naman yung pangalan ko. Nung maglalakad na ako---
Napatingin ako sa paa ko. ??? Ang.. sakit! Bakit masakit ang paa ko!?
“Serene!” tinawag naman ako ni coach. Kaya pinilit kong maglakad.
Nung nandun na ako. Feel ko talaga na masakit. Siguro di ko napansin na namulupot pala ang paa ko kanina sa pagbagsak kong yun. Pero syempre, hindi ko pwedeng isuko to. Kailangan manalo kami. Sinoot ko na ang goggles ko.
*BANG*
Tumalon ako sa pool. Medyo kaya ko pa naman. Nauuna pa ako sa mga kalaban ko. Pero nung pabalik na ako. Nung pinadyak ko ang paa ko sa pader, parang akong kinuryente. Ang sakit ng paa ko. Napatigil ako dun sa dulo ng pool. Pilit ko mang lumangoy. Ayaw ng paa ko. :’(
“Anong nangyari?” bulungan ng lahat.
----
Kahit anong paglangoy ang gawin ko. Hangga't di ko maigalaw ang paa ko, hindi ako makakalangoy, at hindi ako MAKAKAALIS SA POSISYON KO. :'( Anong gagawin ko!?
"Anong nangyari?"
"Yung representative nila, bakit hindi makalangoy?"
"Sigurado talo na sila."
Parang akong tanga. Nahihiya ako. Gusto ko ng mawala. Lahat ng tao nakatingin sakin. Pagtingin ko, may nanalo na. Hindi to maaari. Hindi pwede to. *glocglocgloc* Sabi ko pa naman na hindi ako susuko! Sabi pa naman ni Francis, DAPAT KAMI ANG MANALO.
*SPLASH*
??? :o
"Anong ginagawa nyo!? Hindi yan--" hinigit ako ni Francis. At inalis sa pool. Inuupo nya ako sa sahig at binuhat pagkatapak nya sa lupa. "Hindi mo pwedeng gawin yun! Hindi maaaring basta basta na lang lumalangoy ang isa pang swimmer sa pool para lang iligtas ang kasapi nya. Meron tayong rules dito at meron ding lifeguard! Gusto nyo bang madisqualified?" sinamaan sya ng tingin ni Francis. At sinigaw ang mga katagang to..
"Sa competition na'to! Mas mahalaga ba ang place at time na makukuha ng isang swimmer kaysa sa buhay nya! Kailangan pa ba talagang sundin ang rules, paano kung after a minute malunod sya ng tuluyan! Kahit na professional sya, hindi ba dapat mas pahalagahan nyo ang buhay ng isang swimmer. Paano na lang kung hindi na nya kaya at hindi parin umiibo ang lifeguard niyo!. Sa tingin ninyo ba hahayaan ko yun!? Hahayaan kong makita ang kapartner ko na nalulunod!?" napatigil ang lahat. Tumahimik sila at parang natamaan sa lahat ng sinabi ni Francis. :-\
Nilagpasan na namin yung referee. Nahihiya ako. Bakit ginawa ni Francis yun? Nakikita ko si coach. Lumapit sya samin. Pinatayo na ako ni Francis at inalalayan ni coach. Nakatingin sya sa mga swimmer. Nakita ko rin na nakatingin si coach at Francis sa Head ng school namin. Nakatingin to ng seryoso sa pool. Dahil siguro nagulat sya sa nangyari.
Hindi! Sinisira ko ang reputasyon ng school na'to. Puro prestigious school ang kalaban namin. Bukod pa dun, puro mga Head ng prestigious school ng ibang bansa ang mga nanonood. At mga professinal swimmers ang judges. Nakakahiya ako! Siguradong matatanggal na ang scholarship ko pagkatapos ng laban na'to. I disappointed them. I disappointed everyone who's studying here! Nakakainis! Isa akong representative pero binigo ko ang Head ng school namin. :-[
"May dalwa pa tayong win. Kaya may isa pang round. Coach, dalhin nyo na si Serene sa infirmary. Pumulupot yung buto nya sa paa kanina sa pagtulak sa kanya ng mga tao. Kailangan syang bigyan ng painkiller. Ako na po ang lalangoy." umalis na si Francis. Agad naman na naglakad si coach habang inaalalayan ako. Pinilit kong lingunin si Francis. Kausap nya ang Head.
Pumunta na kami sa clinic. Habang hinihilot nung nurse yung paa ko, tinatawagan naman ni coach si Becca. Di kasi macontact si Rayne. Cannot be reach. :-\ Mamaya maya pinainom na ako ng nurse ng painkiller at umalis na si coach, sakto namang dating ni Becca. Dala nya ang p.e. uniform ko.
Tinulungan nya akong magpalit. Tapos nagkakwentuhan kami tungkol sa nangyari. Natanong ko rin kung nasaan si Rayne pero iniba nya usapan. Sabi nya may klase pa sya kaya babalik na lang daw uli sya. Kaya mag-isa na lang ako sa clinic. Nakahiga. Iniisip kung ano na bang nangyayari? :-\
zZzzz..
Di ko namalayang nakatulog na pala ako.
6 na ng hapon nung nagising ako. ??? Nagulat naman ako ng makita si Francis sa upuan at nakatingin lang sakin. :o :-[
"Anong oras ka pa dyan?" nag-iinit ang pakiramdam ko sa mga titig nya :-[
"Natapos ang tournament ng 2. So.. 4 na oras mahigit akong nakatitig sayo." hindi parin nagbabago ang mga matitinik na tingin ni Francis. Nagbablush na ata ako :o
"Hindi nga!!?" shet NAKAKAHIYA! :-[ :-[
Hindi sya sumagot. Nakatitig lang sya. Parang tanga nga e. Bakit ba sya nakatingin ng ganyan sakin!? Hindi ba nya ramdam na na nakakailang ang ginagawa nya. Kung magsalita man lang kaya sya!? Hindi yung ganyan sya! Titig sya ng titig, baka mamaya, ang pangit pangit ko pala. Pangit? Bigla akong napakapa sa mukha ko. Bagong gising nga pala ako. Baka may tulong laway :o :o
"Haha! Ang sarap mong titigan!" nilakihan ko sya ng mata. Tapos lumapit naman sya sakin. Umupo sya sa kama ko. "Okay na ba yan?" ginalaw ko ang paa ko. Medyo nga.
"Heto!" tinaasan ko lang sya ng kilay at may binigay sya saking maliit na paper bag.
"Eto ay.." cellphone :o Binibigay ba nya sakin to? ???
"Simula ngayon, hindi ko na hahayaang saktan ka pa nya. Walang dahilan para saktan ka nya." he smirked.
At sa pag-alis nyang yun. Dumating naman si Becca. Naghihintay na daw sina Anton at Rex, uuwi na daw kami..