type.type.type.type
At ngayon gumagawa ako ng mahabang message para kay Imadevil. Ang tagal ko ng walang connection sa kanya. Binabasa ko na rin ang mga message na ginawa niya. Di na sya nag-aalala. Kahit kailan naman hindi sya nag-alala. Palagi naman kasi nya akong pinapanood sa malayo. At kahit na kailan...hindi niya nabanggit ang tungkol samin ni Justin kung hindi ako ang unang magbubukas ng topic na yun.
Mamaya nabigla na lang ako ng biglang kong nasend ang mga katagang yun... :o
Quote
Serene_19: Sino ka ba talaga?
Natakot ako. Gusto ko sanang idelete...pero kailan pa nauso sa chatroom ang ganon. Kaya...pinili ko na lang pindutin yung x...nang...
:o :o :o
Quote
Imadevil: Do you really want to know what's my real identity, don't you?
I take a breath. At talagang pinag-isipan ko ang isasagot ko.
Quote
Serene_19: Matagal na. :c
Quote
Imadevil: Well, I want you to remember this.
Once you reveal my real identity,
IT'S OVER!
I'm done as your guardian.
Nagulat ako at di agad nakakibo. Sobra akong natakot at nagulat. AYOKO! Yun agad ang unang pumasok sa isip ko.
Quote
Serene_19: But, what if I accidentally did?
will you still be my guardian?
Imadevil: I won't.
And I can't.
Pagkasend niya nun, ito agad ang nakita ko sa chatroom 'Imadevil sign-out' Para akong binagsakan ng langit at lupa! :'( Bakit hindi ko pwedeng malaman ang totong sya? Bakit bawal? May nagawa ba ako!? :-\
Alam ko. Madami na syang nagawang favor para sakin. Pero...yun lang ang huling kahilingan na matagal ko ng gustong hingin sa kanya. But...I think...I was forbidden to ask for it.
"Kaasar naman oh!" sinipa ko yung batong pinakamalapit sa paa ko.
"Ano bang problema mo?" nakalimutan kong kasama ko nga pala si Becca.
"Nakakaasar kasi eh. Feeling ko tatanda ako ng maaga sa sobrang dami ng problema." A BIG SIGH.
"Mahirap nga yan."
Mas lalo pa akong nagalit kaya the next thing I know, kumuha na ako ng malaking bato at ibinato ko. Pero parang hindi parin ako satisfied. Nang bigla na lamang...
"Aray?" kaming narinig?
Nagkatinginan kami ni Becca. Kaya agad kaming tumakbo. Takbo.Takbo. Kahit gutom na, pumunta na lang kami sa room ng sunod na klase.
Naghintay at hingal na hingal. Takot na takot kami ni Becca at sana yung 'aray' na yun ay hindi malubha. Waah! SANA!
"Becca! Anong gagawin natin!?" hinawakan ko sya sa mga balikat.
"Ano! Hindi ko rin alam!" nagkatinginan kami at napasigaw.
"SHHHH!!!~" sabay sabay na sabi ng mga kaklase namin na naghihintay din yata kay prof.
:o
"Be calm, Serene. Kalimutan na lang natin at wag na tayong magpahalata." umayos ng upo si Becca...at di rin nagtagal ay dumating na ang prof. namin.
Whew! Buti na lang, ibig sabihin ligtas na kami. Konsensya ko makisama ka naman.
"Okay, goodmorning cl--"
*BLAGGGGGG*
Lahat napatingin sa pinto at napahiyaw. Si Becca unti-unting lumingon sakin at nanginginig sya. Bakit??? Napatingin naman ako sa may pinto at...
WAAAAAAAH MAY ZOMBIE!!!?