Imadevil typing a message
Imadevil: it's your choice. I don't mind.
Yun ang huling salita niya nung sabihin kong may manliligaw ako at sasagutin ko na sya ngayong gabi sa Bar na malimit puntahan ng barkada. 3 buwan naring nanliligaw si Justin na binansagang playboy ng buong campus. Ngayong first sem ko lamang sya nakikilala, kaibigan sya ng isa sa mga kabarkada ko. Kinuha niya ang cellphone number ko, at sinimulang akong kilalanin. Hanggang sa humingi sya ng permisong manligaw. Alam kong playboy sya at hindi naman ako ganong magtitiwala kung hindi ko nakikitang seryoso sya.
At sa limang buwan naming magkakilala, nakapagdesisyon akong sagutin na sya. Since..hindi lang naman ako ang nakakakitang nagbabago na ang playboy na si Justin. At siguro time narin para tigilan ko na ang pagpapantasya sa guardian ko, baka kasi kung tuluyan na akong mahulog sa imadevil na yun ay baka mabigo lamang ako sa tunay na identity niya.
Ganun pa man, hindi ko nakakalimutang hindi humingi ng payo sa guardian ko. Parang balewala lang naman sa kanya mainluv ako, siguro babae sya o isang matandang ang tingin lang sakin ay isang taong dapat bantayan. It's impossible, na maiinluv sakin ang guardian ko dahil di naman sya lalaki na kasing idad ko. Kahit minsan iniisip kong ganon nga sya.
At bago mag2nd semester, gusto kong maging boyfriend na si Justin. :-\
"Ang daming tao. Nasaan kaya si Justin?" lumingon lingon ako. Parang wala namang pinagbago ang Bar. Sigh. Sana maging tama ang magiging sagot ko.
30 mins. after at wala paring Justin na nagpaparamdam. Iniwan naman ako nina Becca, GOSH! HMM! WAAAAH! Pag ikaw Justin hindi sumipot sa usapan, IIYAK TALAGA AKO! :'( Mukha na akong tanga dito oh...
I'VE BEEN DRIVING FOR AN HOUR AND IT'S~ -->rintone to! ;D
Sinagot ko naman yung phone ko. Si Justin.
"Hello Serene! Andyan ka ba sa baba!?" baba? Bakit!? Justin! Hahanda ka talaga sakin! >:(
"Uhm..oo! NASAAN-" di niya ako pinatapos. :'(
"Punta ka dito sa rooftop ng bar! Bilis!" tapos...toot.toot.toot. BIGLA NIYANG BINABA! Bakit ba niya binaba. Mukha na talaga akong tanga dito tapos gaganituhin pa niya ako. Justin naman eh...
Makapunta na nga. Lakad.Lakad. Sana walang nakatingin sakin. Sana hindi ako nagmumukhang tanga dito, kahit iniwan na ako ng lahat ng kasama ko. Sigh. Okay...buksan na natin ang pinto.
:o :o ???
ANU TO!??
Saving forever for you..Baby!
You are the only one, I'll ever give forever to
Kumakanta si Justin, kinakantahan niya ako. :'( Ibig sabihin. UHM! Bigla syang lumapit, hinawakan ang kamay ko. Ang sweet naman ni Justin. Justin, alam mo ba na sa mga manga ko lang to nababasa. Readers, oo, mahilig akong magbasa ng manga. Kaya I wish for a happy love talaga.
"Serene, c-can you be my girl?" hawak hawak parin niya ang kamay ko. Gusto ko ng umiyak. Ang saya saya ko, sana nga...maging HAPPY LOVE na'to.
I nod. "Oo, Justin." at ngumiti naman sya. At niyakap ako ng mahigpit.
Bigla namang may naghagis saming ng mga petals of roses. Sina Becca! At alam pala nila na ganito, ANG DAYA! I almost cry na kaya.
Matapos ng gabing yun, agad akong bumalik sa laptop ko. Nagbukas ako ng ym. Pero....nakasign-out siya. Nalungkot ako. Ngayon lang....ngayon lang sya nagsign-out.
2nd sem na, nasa gate palang, nakikita ko na si Justin na nakaleaned sa may pader at naghihintay. Bigla akong siniko nina Becca at Rayne. Hindi naman sya nagtext na hihintayin niya ako.
"Anu na, bakit di ka pa lumapit. Tumakbo ka na kaya!" kinikilig na sabi nina Becca at Rayne. Ako naman...dahil di ko naman talaga nagustuhan si Justin in the first place. Parang wala lang sakin na gwapo sya at kinikiligan ng lahat ng babae.
"Sige na mauna na kayo. Wag nyo syang kakausapin tungkol sakin. May nalimutan lang ako, kaya mauna na kayo." iniwan ko naman sila. Sinadya ko yun. Kahit na sabihin nating seryoso nga si Justin sa mga galaw at salita pagkaharap namin sya, para sakin di ko parin sya kilala.
Nagtago ako sa shed na hindi naman madaling makikita pero kitang kita ko sya. Alam niyo ang iniisip ko...playboy si Justin. Baka may tatagpuin lamang sya. Hindi ako nagseselos, naninigurado lamang. Nakita ko naman na kinausap niya sina Becca at Rayne. Lumingon ang dalwa na parang hinahanap ako. Medyo binaba ko ang cap ko. Tapos hindi naman ako napansin nina Becca kaya nagkangitian na lang sila at nagpaalam kay Justin.
May 1 hour pa ako para hindi malate sa unang subject. Mga 30 mins. na ang nakakalipas at hindi parin umaalis si Justin. Tingin sya ng tingin sa phone niya. Napatingin tuloy ako sa phone ko, wala naman akong natatanggap na message sa kanya. Kung hindi ako ang hinihintay niya bakit hanggang ngayon wala parin? Argh! Wala naman akong pake kung playboy parin sya pero ayoko ng habang niloloko nya ako ay may niloloko din sya. Nakakatapak sya ng pride. Grrr...hindi ko talaga magawang magtiwala sa mga gwapo. Makaalis na nga.
Naglakad ako na parang walang pake. Pero kahit anung iwas kong wag tumingin dun sa part niya ay napapatingin parin ako. UHM! NASAAN NA SYA!? :o
"Loves!"
May biglang kumuha ng book sa kamay ko. :o !@#$ yun ah! Anung loves! >:( Makatingin nga, at.... :o
"j-Justin!?" ngumiti sya. Talaga palang totoong ang swerte ko! :-[ Hmm...anu bang sinasabi ko!?
"Akin na yang books ko!-"
"Anu ba! Diba boyfriend mo na ako!" medyo nainis ako sa sinabi niya.
"Boyfriend? Narinig mo?"
"Bagong biktima!?"
"Pero bakit ang layo naman niya sa mga naging ex ni Justin?"
"Ow..baka nagbago ang style!"
Naririnig ko ang mga tawanan at bulungan ng mga taong nakapalibot samin. Kaya ayoko ng commitment with this Mr. Popular. Ayokong napapansin ako! Ayokong nasasabihan ng masama. :( Uhm..at kung titingnan si Justin..parang wala naman syang pakealam.
Nagpatuloy ang relationship namin, na palagi nya akong hinihintay sa gate kahit di sya nagtetext basta bigla na lang gagawa ng mga something na nagpapaduda sakin sa kanya. Ang pagtitrit niya sakin kung minsang sabay kaming kumain. Ang paghihintay sakin pag-uwian at ang paghahatid narin sa dorm. Nagtagal kami ng one month ni Justin. At wala kaming cinelebrate na first monthsary. Ewan ko sa lalaking yun. Palagi naman syang si galaw na lang at hindi man lang nagpapaliwanag sa mga kilos niya. Playboy ba talaga sya? Bakit parang hindi sya marunong magbitiw ng mga matatamis na salita sakin? Hmm...sa bagay di naman ako ganong kadaling kiligin. At...di ko pa talaga sya minamahal.
Hmmm...kanina pa akong nakatunganga dito sa laptop ko. At ang tagal ko ng hindi nakakamusta si imadevil. Hindi na sya naging active na ichat ako ng magkabf ako. Niyakap ko naman ang tuhod ko, at hinihintay paring magsign-in sya. :-\
Quote
Imadevil sign-in
Umayos ako ng upo. At agad na hinawakan ang mouse. Pinindot ko ang right click. Instant message. Nagtatype na ako nang...
Quote
Imadevil sign-out
Bakit! Bakit di na sya nagpaparamdam! :'(
------
Labasan na!.. :D :D
Maaga kaming uuwi ngayon nina Becca at Rayne, since 3 lang naman ang subject namin. Kaya naisipan naming magmall. Di ako mayaman huh. Gaya ng sinabi ko, bukod sa ginagabayan ako ng guardian ko at hindi ako pinapabayaan. Natuto naman akong magpart time job sa iba't-ibang convenience store. Pero ibahin niyo si Rayne. Si Becca may kaya ang mga magulang niya ang bumubuhay sa kanya, si Rayne...may sarili silang restaurant. At spoiled pa yan sa lola niya. Ako ang pinakamahirap magkaron ng pera dahil ako lang naman ang kumakayod para sa sarili ko. May laptop ako, dahil sa school naman yun. May net ako sa phone na syang binigay sakin ni Imadevil nung umalis ako sa mga nag-ampon sakin na may computer na, dun ko nakilalang una ang guardian ko. Kaya naman kami gumagamit ng laptop sa school na actually lahat ng estudyante. Dahil sa pagkaprestigious school na yun ay pinagagalaw ng technology. Puro technology ang school na yun. Basta malalaman niyo kung bakit. At kaya ako nakapasok sa school na yun dahil sa scholarship at ang pagcocoach ko sa swimming club at lessons. Gets?
"Waaah! Ang daming magagandang jumper ngayon. Gusto ko bumili pero kinalmot ng pusa ang tuhod ko." ang liit naman ng sugat eh. Haha patawa si Rayne! ::)
"Kain muna tayo, gutom na kami ni Serene eh! Diba?" siniko naman ako ni Becca.
"Ah..oo nauuhaw na nga ako eh!" :D
Pumunta naman kami sa Mcdo! Love ko to!~ napapakanta pa ako ha! Matapos naming kumain, nagCR naman yung dalwa para magretouched. Mga babae talaga! Wahahaha! Parang di babae! Pero...pulbos naman okay na diba at konting lipgloss? Anu agree ba kayo? :P
Habang naghihintay ako sa labas, bigla ko namang nakita si... :o Kinuskos ko ang mga mata ko at nilakihan ang mata sa nakikita. :o SI!-- >:(
"Huy! Parang nakakita ka ng aswang dyan ah!" biglang tapik ni Becca. Muntik pa akong matapilok sa sobrang gulat. Basta bigla na lang akong tumakbo.
"HOY!" sumunod ata sila.
Nakarating kami sa jewelry shop na nasa 2nd floor.
"Si Justin yun diba? Wala ba syang klase?" kahit magdadalwang buwan na kami feeling ko parin na hindi talaga sya seryoso sa relationship namin. >:(
Diba karamihan sa mga playboy madaldal na palaging gusto nila na napapansin sila ng mga babae nila. Yung tipong ang sweet-sweet at palaging gustong makasama ka. Yung mga tipong nanananching. GRRR~ as if gusto ko ng mga ganon. Alam ko ganon sya...pero BAKIT SAKIN HINDI!? :-\
Denial ko agad ang number niya at tinawagan sya. Nakikita namin sya dito sa malayo at pinagmamasdan ang mga gagawin niya. Sinagot niya.
"Loves!?" parang di sya kinakabahan ah! Grr...
"Nasaan ka!" di ko sya kailanman tinawag na loves. Okay galit ako sa kanya, at palagi na lang akong galit sa kanya pagtinatawagan ko sya sa phone.
"Nasa school." agad nyang sabi. Bakit yun ang sinabi niya. Binaba ko agad ang phone at walang kabuhay buhay na naglakad paalis sa school.
Nasa dorm na ako ngayon. At hindi ko parin nakakausap ng matino sina Becca at Rayne. Naaasar talaga ako sa sinungaling playboy na yun! Bakit di parin sya nagpapalit ng gf gaya ng matagal na nyang ginagawa, makakadalwang buwan na kami ah. >:(
Di sya naging sweet sakin kelanman, tahimik lang sya palagi. Parang ibang iba sya sa Justin na noon. Ang justin na noon ay tumatawa ng nakakairita dahil sa gwapo sya, nangingindat ng mga babaeng magaganda, at mahilig mambola! Pero...AHHHHHH!!~
type.type.type
Quote
Serene_19: Please reply!!!
I NEED YOU!
Kanina ko pa sya binibigyan ng message. Pero...after 30 mins. WALA!
Quote
Nasasaktan ako.
Nahihirapan na ako.
Naguguluhan.Hindi ako mapalagay.
Hey...hey...
Hanggang mag-isang oras ay wala. Walang message. Bakit? BAKIT AYAW NYANG MAGREPLY!?
tiktak.tiktak.tiktak.
Nagising ako sa orasan ko na nakatutok sa ulonan ko. At biglang humarap sa mukha ko ang mga salitang...
Quote
Imadevil: Goodnight Serene.
Nanlaki ang mga mata ko. Nagreply sya. WAAAAAH! :D
At dahil sa nabasa kong balita na galing sa kanya. Parang feeling ko, nasa langit na muli ako dahil yun sa dobleng kasiyahan. Uno, dahil sa nagreply siya at dos, dahil nagreply syaaaah! HI-HI! ;D
"Serene!" hinanap ko ang taong tumawag sakin. At nakita ko si Justin. Bakit ang saya niya? Pagkatapos niya akong lokohin? HMF! Bahala sya...
:o Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa ginawa niya.
"3 lang klase mo ngayon diba?" umoo lang ako.
"Magdate tayo?!" ayoko talaga syang harapin ngayong araw na'to. Kaso...bf ko parin sya.
"Kasi..." bigla nya akong niyakap. thump.thump.thump.thump
"Umoo ka naman." hinigpitan pa niya ang pagyakap sakin. thump.thump.thump. Ang lamig ng pagkakasabi niya. Bakit...bakit parang gusto ko ang ganitong pakiramdam. Bakit parang...ngayong ko lang to naramdaman.
Ang mga sandaling yun ay parang sa mga panaginip lamang nangyari. Wala pa akong nayayakap na lalaki sa talambuhay ko. Wala pang taong nagpapatibok ng puso ko ng ganong kabilis. Pero..nung mga sandaling yun. Para bang...ayokong bitawan si Justin. Parang gusto ko na syang palaging kasama. :-[
"Anong meron at namumula ka?" biglang lapit nina Becca at Rayne. WAAAAAH! Nakakabanas naman nito.
"Ayiee date sila mamaya!" nag-init ang pakiramdam ko. Ito ang...FIRST DATE ko.
I'VE BEEN DRIVING FOR AN HOUR~
"hello?"
"Serene!?" biglang bumilis ang tibok ang puso ko. D-d-dahil na naman to sa kanya! :-\
"Ahm...b-b-bakit?!" waaaah! Kailangan ko ng oxygen! Nauubusan ako ng hininga!
"Nandito ako sa parking lot. Hintayin kita."
"Ah. Hindi! P-punta na ako d-dyan!" whew! ::)
"Okay. Ingat." pagkasabi nya nun. Toot.toot. na lamang ang narinig ko. Bakit ako nagkakaganito? :-[
"Bilis hinihintay ka na niya!" tinulak naman ako ng dalwa. Nagnod ako. At tumakbo. Siguro...gusto ko na talaga si Justin. Hindi ko lang napansin agad dahil galit ako dahil sa pagiging playboy niya noon.
Mabilis na pumunta ako sa parking lot. Ang saya saya ko. Gustong gusto ko ang ganitong pakiramdam. Nakita ko naman agad si Justin. Madami paring mga babaeng nakatingin sa kanya. Hindi parin sya nagbabago, ang nagbago lang sa kanya ay yun, NAGMAHAL SYA NG GAYA KO. He-he. Nakita naman niya agad ako at kinawayan ako. Sumasaya narin ako sa pagngitingiti nya. Mahal ko na ba sya?
Habang papalapit ako. Napansin ko parin ang mga matang patuloy na tumitingin sakin na parang gusto akong tusukin. Naiinggit lang sila dahil ang gwapong lalaking to ay mahal ako. At ako ang unang babaeng nagtagal ng higit pa sa dalwang buwan. Haha! >:D At ngayon...nagagawa ko ng magsalita ng mga ganito. GUSTO KO NA TALAGA SI JUSTIN! :)
----
Dinala ako ni Justin sa isang restaurant. Kami lang dalwa. At sinadya niya yun, first date namin eh. Maya't maya ang pagngingitian naming dalwa sa isa't isa. Masaya na talaga ako sa kanya. GUSTO KO NA TALAGA SYA.
Pinaupo naman niya ako. At sabay kaming kumain. Ang gwapo palang talaga ng una kong boyfriend. Paanong hindi ko agad to napansin. Kaya siguro palagi kaming pinagbubulongan ng mga babae. Kasi naiinggit sila. Ang tanga ko, ngayon ko lang napansin si Justin.
Biglang may nagpatugtog ng piano at yinaya niya akong sumayaw. Sumayaw kami. Nakayakap ako sa kanya. Naririnig ko ang heartbeat niya. Niyakap niya rin ako at sinabi to sa tenga ko.
"HAPPY 2ND MONTHSARY LOVES!" lumayo ako. Naalala niya. :-[ Waaaah! Nakalimutan ko. :P
"Ihm. Pwede ba?" pinakita nya ang necklace na parang gusto nyang isuot sa leeg ko. Ngumiti naman ako at tumango. Yung necklace, sa mall.. :-\ para sakin pala yun.
"I LOVE YOU." niyakap niya ako mula sa likod. Hinawakan ko ang braso nyang nasa leeg ko.
"I love you too, Justin." ngayon Mahal ko na talaga ang boyfriend ko.
Matapos ang nangyari. Mas tumibay pa ang relasyon namin. Palagi nya akong pinapanood magswimming. At syang nagbabantay sakin. Palagi kaming magkasama. Umabot ng 3 buwan. Mahal na mahal na talaga namin ang isa't-isa. At mas nasasanay na ako sa mga taong naiinggit sakin. >:D Nung araw din na yun...na sana hahalikan ako ni Justin. Hindi ako ready at talagang di ko gusto. Dahil...gusto ko sana. Sa kasal ko ang first kiss ko na nasabi ko naman kay imadevil. Ay Biglang...
NAMATAY ANG LAHAT NG KURYENTE NG SCHOOL Puros technology kasi ang school kaya talagang kailangan ng kuryente. Dun ko muling naalala...
'Goodnight Serene'
Ang mga salita ng guardian ko. Matagal ko na pala syang di nakakausap. Halos mag-iisang buwan ko ng di nabubuksan ang ym ko. Sabi niya hayaan ko lang bukas yun kahit na sya ang nagbabayad ng kuryente. Pero...hindi ko natupad.
May usapan kami ni Justin na magkita pagkatapos ng work ko. Pero...nakalimutan ko sa sobrang pag-iisip kay Imadevil. Umuwi agad ako sa bahay at binigyan sya ng message. Agad naman syang nagreply at parang wala namang nagbago sa relationship namin. Kaso...
Quote
Serene_19: Mahal ko na si Justin.
Imadevil: That's nice. He's your bf.
Serene_19: Ikaw ba ang nagpatay sa lahat ng kontrol sa school?
Alam kong maling itanong yun pero gusto kong malaman.
Quote
Imadevil: Promise me, hinding hindi ka iiyak dahil sa bf mo?
Anu daw? ???
Quote
Serene_19: Hindi naman niya gagawin yun.
Hindi sya sumagot kaya akala ko wala na sya. Bakit naman niya sinabi yun.
Tumagal kami ni Justin ng 5 buwan. Pero naging busy ako sa work ko, studies, at pagiging coach. Tinext ako ng barkada na pumunta sa Bar mamayang gabi. Tinext ko naman si Justin pero hindi sya nagreply. Ay Ewan!
Pagdating ko sa Bar dala ang mga books ko para mag-aral. Bigla namang may humalik sakin sa may cheeks at inakbayan ako. Si Justin? Amoy...alak sya! :o ???
"Ang girlfriend ko." syempre. Sino pa ba! "Ang busy'ng gf ko."
"Diba sinabi ko naman sayo na-" niyakap niya ako.
"Ayan kasi Serene. Pinabayaan mo ang bf mo ng 2 buwan. At sa school na lamang kayo nagkikita. Anu ka ba naman!" sabi ni Anton.
"Lalaki kami Serene, at kami. Gusto namin palagi kaming pinahahalagahan ng gf namin." dugtong naman ni Rex.
"Alam niyo naman ang sitwasyon ko. Atsaka...ihihm naiintindihan ako ni Jus...tin?" hinawakan niya ang pisngi ko at....nilapit niya ang mukha niya sakin. Justin! Hwa--
:o :o
*SPLASH*
"Oops!"
Natapunan si Justin ng alak. :o Nagulat ako. Biglang lapit nina Becca sakin.
Tiningnan ng masama ni Justin ang lalaking gumawa nun. Natakot naman ako.
"Anung ginawa mo!?" tumayo si Justin.
"Di ko sinasadya! Pasensya na!" ginrab niya ang damit nung lalaki. "Anung gagawin mo? Sa tingin mo ba tamang halikan ang babae mo?" babae mo?
"GIRLFRIEND KO SYA AT DAPAT KO LANG SYANG HALIKAN!" wah! Bakit yan ang sinabi mo! >:( Justin hindi yan ang tamang sagot kung gusto mo akong hagkan. :-[
"So basta gf hahalikan?" tumingin yung lalaki sakin. "Miss, gusto kitang halikan, pwedeng gf na lang kita!?" at walang pagdadalwang isip syang sinuntok ni Justin. Nahiga siya sa sahig. Masyadong malakas ang pagkakasuntok.
"!@#$ ka pala eh!" lumapit si Justin para suntukin muli to. Pero bago pa sya makalapit. Bigla syang sinipa nung lalaki gamit lang ang isang kamay para makasipa. Paano pa siya nakagamit ng isang kamay para makatayo? Dancer ba siya? ???
Natumba si Justin.
"Dude! Kung gusto mo akong puruhan, wag kang maglalasing!" nilagay niya ang mga kamay niya sa pocket niya at umalis.
Ang mga tingin na yun., parang palaging nakatingin sakin. Ang lalaking yun. Palagi syang nandito sa Bar. Nakikita ko sya. Bakit...parang ang tagal ko na syang kilala? :-\
Agad akong lumapit kay Justin. Pero bigla lang nya akong tinulak at nagwalk-out sya. Bakit..bakit sya galit? May nagawa ba ako?
Ilang beses ko syang tinext nung gabing yun. Hindi ko naman sya makausap ng matagal sa school *sa school lang kasi kami nagkikita ngayon* dahil wala akong time. At talagang naging busy ako.
6 months na kami, at magseseven. Tapos na lahat ng mga ginagawa ko, hindi na ako busy. Pahinga muna ako sa work dahil dumating na yung sumod sakin. Hindi naman ako ganong kabusy sa swimming kaya agad kong hinanap si Justin. Kailangan ko ng ipagpatuloy ang pagiging gf ko sa kanya.
"Pasok na tayo!" pumasok naman kami.
As usual madaming tao. Umupo kami. Binati naman kami nina Anton at Rex. ??? Nasaan si Justin? Umorder na sila ng pagkain namin lahat2 pero, wala paring Justin.
"Uy Serene, baka tumakas ka sa pagkabusy mo ha!" tumawa sila.
"Di naman ako workaholic noh! Nagkataon lang yun." lumingon ako kina Becca na kanina pang nagkukulitan.
"Uy anu ba kayo!?" si Rayne lang pala ang kumikiringking. ;D ganda ng term ko! Wahahaha!
"Eh kasi yung lalaking yun. Look how he kissed that girl, so HOT diba?" french kiss? Eeeh! YUCK naman yan! Ayokong titigan.
"Sandali...huy Serene. Tingnan mo sila oh!"
"Yuck ayoko nga! Uy Anton, iorder mo nga ako ng juice!" nagnod si Anton at di parin ako tinatantanan ng dalwa.
"Nasaan ba si Justin?" napatingin ako sa kanila at nakita ko na namang yung passionate kiss na kanina pang tinititigan ng dalwa. Anu ba yan! Bakit di na lang silang magmotel. >:( ::)
"Ewan. Diba dito nga!" ito talagang dalwa. "ang tagal nga eh." parang takot na takot yung dalwa. Nagdudugtungan lang sila ng mga salita. Oh anung problema ng dalwang to. ???
"ta-t-tawagan mo naman oh!" ang weird? ??? Kinuha ko ang phone ko at ginawa nga yun.
BEAUTIFUL GIRLS ALL OVER THE WORLD~ ang tagal naman. ???
"Hello!?" yun. Sabay kong sinulyapan sina Becca at Rayne. Nap parang natuwa.
"Ei loves, nasan ka!?" bakit parang nasa bar naman sya. At ang kanta...bakit...
"Justin anu ba..." pagkarinig ko nun sa phone. Narinig ko rin...dun sa babaeng nakikipaglampungan kanina.