xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 8

Chapter 8

Hanggang ngayon, hindi parin ako nakikipagconnect kay Imadevil. At nagbibigay naman sya ng mga mensahe. Pero....ayoko paring malaman niya ang mga nangyayari. Natatakot ako...na baka may gawin syang malaking gulo.

"So kaya ba palagi kang ginugulo ng mga babaeng yun? Hmm... Ikaw pala yun." mukhang madami syang alam, "Alam mo kasi, yung Ginji, hindi basta-basta linalapitan ng mga tao dito. Masyado kasi syang SIKAT. Kaya siguro naiinggit din ang mga babae sayo, nakakausap ka kasi ng ULTIMATE HEARTTHROB." tumawa naman sya. Kasalanan ko ba talaga ang mga nangyayari? Ano bang problema ng taong to? Masyado yatang napaparami ang mga sinasabi niya.

Tumayo naman ako.

"Punta na ako sa pool. May mga kailangan pa kasi akong gawin." I bowed.

"Mag-ingat ka huh!" napalingon ako sa kanya at bigla namang ngiti ng seryoso nyang mukha. ???

Pagdating ko sa pool...ito agad ang reaction ko-- :o Puro basura kasi ang pool. At problema ko pa yun. Hindi ako makakattend ng klase. Kaya agad naman akong pumunta sa locker at sinuot ang swimsuit ko. At bumalik sa pool. Masyadong malaki ang pool. Dito kasi nagkakameron ng swimming competition. Kaya mga 2 oras pa ako natapos at talagang nakakapagod. Alam ko naman kung sino ang gumawa nito. (-_-)

Pumunta agad ako sa locker para magpalit ng suot. Mamaya.. may narinig akong mga tao papalapit kaya agad naman ako lumapit sa pinto, pero huli na. Nalock na nila. And the next thing I know, umuusok...poisonous or something, basta... NAHIMATAY NA LAMANG AKO BIGLA.


"Serene! Serene!" nagising ako sa pagsigaw sigaw ni Becca. Pagkatingin ko, nandun din sina Anton at Rex....pero wala si Rayne. At isa pa...

"Sino ang nagdala sakin dito?" malamya kong tanong.

"I'm glad you're fine!" niyakap ako ni Becca panandalian.

"May isang lalaking tumawag saming tatlo. Unknown number kasi, tapos sabi niya nasa clinic ka daw kaya agad kaming pumunta."
"Unknown number?" ???
"Oo. Nakakapagtaka nga at di sya nagpakilala."

"Tapos....alam pa niya ang number naming tatlo." si Imadevil? Paano? Nandito sya!? ???

"Akin na ang number Becca!" binigay naman niya ang number. Pero mukhang hindi kaniya to. Pero sinave ko parin.

"Kilala mo."
"Ewan!!!" pagkatingin ko sa oras. 1 oras na pala bago ang incident.

Nang biglang may nagbukas ng pinto....mga....STUDENTS COUNCIL? :o ??? >:(

Hingal na hingal sila na lumingon samin. Ano? Di parin nila ako tinitigilan!? >:(

"Ano ba kayo! Ang kapal ng mukha nyong magpakita dito!?"
"Muntik ng mamatay si Serene tapos--"



"Isang nagngangalang 'Imadevil' ang nagblock sa lahat ng computer devices at technologies na may connection sa computer. At ngayon...lahat ng pag-aari ng school ay di mabuksan. Madaming mga estudyante ang nastock sa mga rooms. At ang account ng school....KINUHA NIYA. LAHAT NG PERA." :o :o :o si Imadevil?!!! Paano...


-----


Quote

'TO THE PREFECT/STUDENT COUNCIL:

you know the place called hell, right?'


"Bigla na lang may lumabas na mensahe sa lahat ng flatscreen, at tapos....tapos....bigla na lamang nablock." siguro nalaman na niya.


Tumayo naman ako. At agad na sumama sa kanila. Nagtatakang iniwan ko sina Anton, Rex, at Becca.

Naglalakad lakad ako nang makita ko ang mga tvscreen ng schools na puro guri-guri. Malabo at mukhang nasira. At....sa di kalayuan, nakita ko yung Ginji. Nakatayo lang din sya gaya ng iba. Pero di gaya ng iba, ang lakas talaga ng impact nG lalaking yun. Ang mga tingin niya. Napakamisteryoso nyang tingnan.

Nakarating naman kami sa private room kung saan makikita ang lahat ng kabuuan ng school, ang lahat ng konektado, at ang mga computers. Lahat ang blanko pero bukas naman ang monitor.

"Tulungan mo kami, at Sorry rin, nagawa lang naman naming ang lahat ng mga paninira sayo dahil...pinangangalagaan lang namin ang pangalan ng 'Seo' , mga members, at ang buong school. Please!" hinawakan niya ang mga kamay ko. Naaawa ako, pero at the same time, kinakabahan parin ako. Kasi...

"Wala talaga akong alam sa mga computers."

Lumuwag ang pagkakahawak niya at biglang...IYAK! :o WaH! Anong gagawin ko!?

"Sandali..."

"Pagnalaman to ng ibang school at ng Seo Family, panigurado...bagbagsak ang school at ipapasarado nila to. Huhu :'("

"Ano!? Ang malaking school na'to ipapasara. Pero...parang nasasakop na yata nito ang buong lugar sa sobrang laki." medyo hininaan ko, mukha kasing nakakaoffend ang mga salitang yun. :P

"Anong gagawin namin? Bilyon ang mawawala kung mangyari yun." kinokonsensya ba ako nito. ??? ::)

"Sige na. Susubukan kong konektahin yung Imadevil na tinutukoy ninyo."

"TALAGA!? :D" mukhang naging dyamante ang mga mata niya. Ganito ba kahalaga ang school na'to. Pero....nakakapanghinayang nga naman. :-[

Sinubukan kong itext sya. At wala pang 1 minuto at bigla na lang may lumabas ng mensahe sa isa sa mga computer. Ni-allowed namin yun...at...

"It's been awhile, Serene. I wonder if I've saved you by doing this?" lumapit ako sa computer. Maluha-luha na ang mga mata ko, first time kong marinig ang mga boses niya. At ang boses na yun... :o

"Ikaw ba talaga yan?" kilala ko ang boses na yun. Tama ako...sya yun. Ang guardian ko ay malapit lang sakin...














SIYA SI...