Saka ko lang natanto, late na pala ako.
BLAG
shet! Nakasagi pa ako. Nahulog pa ang mga gamit ko.
"Ah salamat!" sabi ko dun sa nakabangga ko na tinulungan pa ako-- "Nate?" nagulat naman sya nung tawagin ko siya.
Tumayo kami parehas. Tiningnan ko siya pero di siya makatingin ng diretso. Napansin ko naman yung malalaki niyang.. eyebags?
"Mukhang di ka ata nakatulog ng maayos?" sinuntok ko siya ng mahina sa may kanang dibdib. Napatingin naman siya sakin at.. namumula siya.
Ahehm. Ahehm. Mukhang gets ko na. Agh. Bakit ang clumsy ko.. nakalimutan ko.. si Nate, may gusto nga pala siya sakin. First love
"Ah! Alis na ako, Serene!" umalis naman siya at tumakbo. Feel ko may di tama, weird?
Hala! Nalimutan ko late na ako!!
Nung magbreak ako, alam kong breaktime din ni Ginji. Kaya hinanap ko siya. Di naman kasi siya mahilig magcellphone, pagpunta ko sa cafeteria nandun siya naglalaptop. Lalapit na sana ako nang maramdaman na naman yung strange feelings na yun. May mga nakatingin kay Ginji. Inaabangan ang bawat galaw niya. Kapag lumapit ako.. sisirain ko yung moment.
Kaya umalis na lang ako dun.
Naglalakad lakad ako nang may biglang yumakap sa may liko ko. Ang tagal.. At hindi si Ginji..
Pagbitaw nya, humarap ako. Si..
"Gael?" umiiyak siya. "Naku! Bakit ka umiiyak!?" hinawakan ko ang mukha niya. Agad naman akong kumuha ng panyo at ipupunas ko sana sa mga luha niya..
"Pumayag na siya! Magdedate kami.." umiiyak siya nang nakangiti.
Niyakap niya akong muli.
"Ang saya saya ko, Serene. For 10 years, nagresponce din siya sakin. Kahapon na ata ang pinakamasaya kong araw. Gusto kong umiyak.. ang saya saya ko." niyakap ko rin siya.
"That's good." lumayo siya.
"Kaya..
Pwede ka bang sumama samin sa Laguna, this saturday?" umoo ako ng walang pagdadalwang isip.
"Thank you! Then I have to go!" agad naman nyang pinunasan ang luha nya at tumalikod na sakin.
Si Gael, ngayon ko lang sya nakausap ng ganon. Tapos niyakap pa niya ako. At.. nag open pa sya tungkol sa taong nagugustuhan niya. Pero.. bakit sakin? Anong kinalaman ko? Hmm.. Pero mukhang masayang masaya siya. At masaya din ako na sinabi nya sakin ang mga bagay na yun. Ang taong gusto ni Gael, mukhang mahal na mahal niya yun.
"Patay, malelate na ako."
Pumunta na ako sa klase ko, at nung uwian na. Nakasalubong ko si Ginji sa may parking lot. Ihahatid na daw niya ako. Kaya sumabay na din ako.
Habang nagsisitbelt ako, napansing kong nakatunganga lang si Ginji.
"Inimbita ka ni Gael?" nagtaka naman ako sa tanong nya. Pero tumango ako. "Kilala mo ba yung lalaki?"
"Ah, hindi niya nasabi pero makikilala ko naman sa sabado." nakangiti kong sabi. Tumingin sya sakin.
"May clue ka ba kung sino?" ang weird. Bakit ganyan si Ginji?
"Wala.. bakit, ikaw ba kilala mo?" bigla nyang binuhay ang engine.
"Uwi na tayo."
-----
"Waaaah! Nakashoot ako! Yess~"
"Kamusta si Nate?" napatigil ako. Nakatulala na naman siya.
"Hmm.. ewan. Hindi ko siya nakita ngayong araw na'to." speaking of- bakit nga ba hindi ko na napapansin si Nate? Kadalasan, bigla bigla na lang siyang nagpapakita sakin
"Bukas, 3 huh.
Tara na uwi na tayo." hinawakan naman na niya ang kamay ko. Napapangiti na naman ako ng wala sa oras.
Ganito ang gusto ko, ang hawakan niya ang mga kamay ko na parang ito na yung pinakanatural na bagay sa buong mundo. Na kahit di ko sabihin, hahawakan parin niya ang kamay ko. Sana lagi kaming ganito ni Ginji.
Tomorrow, at 3:00 pm.
"Tara na!" ngiting ngiti kong sinalubong si Ginji. Nakangiti rin naman siya. Pumasok ako sa kotse niya at nagsitbelt.
Mamaya maya, nakarating na kami dun sa tagpuan. Bitbit bitbit ni Ginji ang mga maleta namin. Uu, magkasama ang mga gamit namin. Hehe. Feeling ko tuloy kami na.
Pero.. Pagdating ko dun..
"Serene, you're here!" masayang masaya syang yumakap sakin. Pero.. sa taong kasama niya parin ako nakatingin.
Bakit?
"Nate?" hindi makatingin si Nate sakin.
"Yeah, you're right. I'm dating Nate." lumink siya kay Nate. Napatingin si Nate kay Gael. Napangiti naman ako.
"I'm happy."
"Let's go." sumakay na sila sa van.
At dun ko natanto na nadisappoint ako.
"Is there something wrong?" agad akong ngumiti.
"Wala! Tara sumakay na rin tayo!" tumakbo ako papasok sa van.
Pagkakita ko, sinusubuan ni Gael si Nate ng sandwich. Ngumiti si Gael sakin. Si Nate, naiilang parin. Nadisappoint ako! Bakit? Bakit feeling ko mali ang mga ginagawa ni Nate? Kahit na.. wala naman talaga akong naiintindihan sa mga nangyayari.
Diba, ako ang gusto niya? Ginagamit ba niya si Gael? Pero hindi ganong tipo si Nate. Imposible. Agh.. pero bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Nakarating din naman kami sa lugar na nasabi. Hot Spring. Wow.
"This is yours and Ginji's room. And that is our room. Actually, we owned this hotel, so be comfortable. Right, Nate and Ginji?" lumink na naman siya kay Nate.
"Tara pumasok na tayo sa kwarto, Serene. Ayusin natin mga gamit natin." sumunod naman ako sa kanya.
Sa kwarto, tahimik. Wala ako sa mood na kausapin si Ginji. Hindi ko alam kung napapansin ni Ginji yung tensyon sa pagitan naming tatlo nila Nate. O kung napapansin niya na iniiwasan ako ni Nate? Iniiwasan.? Sigh.
"Serene." biglang may lumapat sa balikat ko. Sa sobrang kaba bigla akong napaiwas.
Si Ginji pala..
"Serene! Ginji! Let's go!" bigla namang dumating sila Nate at Gael. Holding hands? Ang sayang tingnan ni Gael..
"Yeah, matatapos na kami dito. Susunod na lang kami." umalis din naman sina Gael. At si Ginji, inayos na uli niya ang gamit niya. Ganon din ako.
Agh. Ano ba tong ginagawa ko? Dahil lang sa hinawakan ni Ginji ang balikat ko, kinabahan at natakot na ako? Naiinis pa ako dahil sa mga nangyayari. Hmf! Ayoko ng ganito..
"May alam akong masarap na kainan. Gusto niyo pumunta tayo!" sumunod naman kami.
At totoo nga ang sinabi ni Gael, masarap nga ang mga pagkain sa restaurant na yun. Pero ramdam na ramdam ko parin ang tensyon. Ang pag iwas ni Nate sa tingin ko. Ang pagbalewala ko kay Ginji. Agh..
"Heto nga miss." binayaran ko yung binili kong drinks.
"Uhm, isa ngang ice coffee." si Nate.
"Para kay Gael?" tumingin sya sakin. Pero naiilang. Tumango sya. Pagkabigay sakin nung miss ng sukli ko, bigla na lang syang umalis.
"Ginji oh."
"Thanks, Nate." ang saya nila. Parang natural lang.
"Tara." nagulat naman ako nung biglang hawakan ni Ginji ang kamay ko.
Ilang beses kong tinanong kung saan kami pupunta pero wala syang sinabi. Hanggang sa tumigil kami sa isang shop.. ng mga bike.
"Let's ride this, together." nakangiti sya. Ehehm. Ang pogi talaga oh. Kung ganito ba naman sya lagi..
Umupo naman ako sa likod niya. "Yumakap ka sakin." ginawa ko naman.
Umandar ang bike. Hindi ko alam kung saan kami tutungo. Pero.. I feel comfortable. Ang init ni Ginji. Ang sarap nyang yakapin. Ang sarap ng ganito. Nawawala yung depressed ko. Sinadya siguro ni Ginji.
Kaya ano pang inaalala ko. I think I should be happy for Nate and Gael.
-----
"Let's go, Serene. I wanna take a bath." hinila naman ako ni Gael.
Pumunta kaming dalwa. Nang kami lang. Ang laki ng hot spring pero kami lang dalwa. Sa bagay, private to. They owned this.
Nakakailang lang.. parehas kaming nakahubad. Parang yung napapanood ko sa tv. Hehe.. At.. ang ganda ng katawan ni Gael. Yung aasahan mo talaga sa isang model. Nakakahiyang ikumpara sakin. Kaya tama na nga tong iniisip ko.. lumilipad na naman ang utak ko.
"Where did you and Ginji go?" huh?
"Uh.. nagbike. Nagrelax. Ang saya nga e. Try nyo."
"Nah~ it's not Nate's character." ngumiti siya. Si Nate? Ganon ba niya talaga kakilala si Nate? Sabi nila simula pagkabata magkakasama na silang tatlo pero.. bakit ganon. Si Nate.. ang alam ko..
Biglang tumunog ang fone ko.
"I'll go there, wanna come?" umiling ako.
"I think I should shower first. I have to answer this call." umahon na ako dun. Nag bathrobe na ako.
"Hello? H-hello?" shet! Ang hina ng signal. Sina Rayne? Baka urgent. Makapagshower na nga muna.
Binuhay ko yung shower. Dahan dahan kong inalis ang bathrobe. Inalis ko na din yung towel sa ulo ko. Nagbasa na ako ng sarili. Hinanap ko yung sabon.. nang.. __
"AAAAAHHHHH!!!" aray! Ang sakit ng paa ko. Shet! Uhm.. di ako makakibo. Aray!
"Serene?" no! No!
"WAH! Serene! What happened!?" oh my god~ nakita ni Gael ang masama kong katawan. "Tatawagin ko sila. Wait." nilagyan niya ako ng tuwalya. At bathrobe. Shet! Nakakahiya talaga!
"WHAT HAPPENED!!?"
"Waaaaaaah!~" tumalikod agad si Ginji. NAKAKAHIYA NA TALAGA. I'm gonna cry!
"Don't worry, Serene. He didn't see anything. Nabihisan na kita. Ginji, dalhin mo na lang si Serene sa kwarto niyo." agad namang humarap si Ginji. Binuhat niya ako. Pero di ko parin maiibo ang buo kong katawan.
"Ang sakit. Dahan dahan lang." ang sakit ng paa at leeg ko. Feeling ko namamanhid buo kong katawan.
"Ha.Ha.Ha. *pant* Serene! A-anong nangyari!? Narinig ko na sumigaw ka--" naaaninag ko si Nate pero di ako makatingin.
"Nandito na pala si Ginji."
"Nate.." hala.. nandyan na si Gael. Hingal na hingal si Nate. Mukhang ginawa niya lahat para lang makarating ng maaga dito at makita ang kalagayan ko. Waaa gusto kong umimik pero nahihirapan ako.
"Pasensya ngayon lang ako. Hindi ko nasagot yung text mo kasi.. may ginagawa ako.."
"We're going." iniwan na namin sila Nate. May hindi lang ako naintindihan. Bakit naging cold si Gael?
Pagdating naman namin dun sa kwarto namin, inihiga na ako ni Ginji. Ang sakit parin ng katawan ko. Kinumutan niya ako. At feeling ko namumula ako. Gusto kong magtaklob ng mukha. Nakakahiya.
"Tatawag lang ako ng doctor." umalis na sya. Ang weird nila?
Mamaya maya..
"Thank you, doc." aww.. mas mabuti na ang pakiramdam ko.
"Okay ka na?" tumabi sya sa malapit sa kama ko. Tumango naman ako. Bigla syang natawa. Alam ko naman yung itsura ko e..
"Stop laughing. I know, I look like a stupid." bigla syang tumigil.
"No! Cute mo nga e." tumalikod sya sakin. !@#$! Hmf naman e.. kung tatawa sya, pwede naman e!
"I said, Stop it!"
Silence.
"But you know what, you don't have to worry about Nate and Gael." hindi parin sya humaharap sakin. "Kahit hindi inamin ni Gale sakin. Ako mismo, alam kong mahal na mahal niya si nAte for 10 years. Naglasing siya.. at.. pumayag si Nate na makipagdate sa kanya."