"Serene." tumigil sila. Ako naman, nanlamig nung marinig ang malamig na boses na yun.
At paglingon ko. "Gi..ginji?" crap! Hindi nga pala nya alam na alam ko na ang mga plano nya!
"Pwede ba tayong mag-usap?" kaso minsan. Nagsususpetsa din ako sa kanya. Parang hindi totoo ang lahat. All this time, ang cool parin nyang magsalita
"May klase pa ako." hindi ko maintindihan kung sincere ba sya?
Umalis na ako. Sa paglalakad ko. Sinubukan kong tingnan sya. Pero.. umalis din sya gaya ng ginawa ko. Ugh talaga. Bahala nga sya.
Pumunta na ako sa sunod kong klase. Pagpunta ko dun, nakita ko si Francis. Nagkatinginan pa kami. Pero agad din syang umiwas at umalis. Anong nangyari? Did he just do that to me? Hindi naman ako namamalik mata diba? Dapat ba akong.. malungkot?
Nasa kalagitnaan kami ngayong ng lesson. Naglelecture si prof. nang
"WAAAAH!~"
"What's goin on?" namatay ang kuryente. After 5 mins.
Iba na ang nakalagay sa board. Hindi na lesson ni Prof. kundi.. isang mensahe na isang tao lang ang makakagawa nun..
Quote
'Meet me at the same place'
thump.thump.thump.thump.
"What's the meaning of all this? Why is the computer's not working!? What's going on!?" tumayo ako.
"Excuse me, mam."
"Report this to the Student Counsel, to Prefect, and to the School body! Everyone!" sinubukan kong iparead ang i.d. at gumana naman to.
"Lahat po ng computers ay hindi gumagana--"
"Wait! Ms. Gonzales!" at agad din nagsara ang pinto. Mukhang ako lang talaga ang magpapagana ng computer. Serene Gonzales, hindi ka talaga pakakawalan ni Jin Jedrick Seo.
Agad akong lumabas ng building. Pati ang elevator, binasa ang i.d. ko. Lahat ng tao sa ground floor nagkakagulo. Mukhang alam na ng mga School body ang nangyayari.
"Serene Gonzales?" napatingin ako sa tumawag sakin. Taga Student councel. Mukhang alam na nya na ang tungkol kay Imadevil. Ang nangyari noon.
"Madali lang to. Don't worry." tumakbo ako.
Oo na. Ikaw na ang nagwagi Ginji. Alam mo naman na hinding hindi kita tatanggihan diba? Mahal kita e. Mas matimbang ang feelings ko kesa sa feelings mo. Kaya kahit ano pang kasalanan mo, kahit na iwasan kita.. sa huli.. SAYO PARIN AKO.
"You came!"
Lumapit ako sa kanya.
"Madaya ka." umiyak ako. At.. nginitian sya.
Tumalikod naman sya sakin. "Tara." naglakad sya at sumunod naman ako. Hindi ko naman talaga alam kung anong lugar to pero nasa school parin kami. At.. nakarating kami sa rooftop nun.
"Sa lahat ng rooftop. Bakit dito pa?"
"Kasi, ito lang yung rooftop na kitang kita mo yung part na'to." tumigil sya sa paglalakad. Lumapit naman ako..
Naamazed ako. "Flower bed na heart shape?" ngiting ngiti akong tumingin sa kanya.
"May taong nagsabi sakin, na hindi daw sinadya ang pagkakagawa ng flower bed na yan. Palagi sya nandun sa garden na yun, nagpipicture. Gusto pa nga nyang isama ako. Dun ko lang nalaman na heartshape pala yung flower bed..
nung nawala na sya. Heart resembles love. We give flowers to the one we love. Kaya nangako ako.. kung magmamahal man muli ako, ipapakita ko sa kanya to." thump.thump.thump. Ang heartbeat ko.
"Nawala na yung taong yun. Yung love ayokong sayangin. Related with this thing, kaya gusto ko.. tuwing pupunta na ako dito, ikaw na lang ang maaalala ko." hala.. ang puso ko. Bakit ako kinakabahan? Ang sakit. Parang gusto kong umiyak

"Serene, I will court you." nakatingin si Ginji sakin.
"Tanong ba yan? O banta?" hindi ako makatingin sa kanya.
"Statement. Na pangako ko sayo, gagawin ko.. talaga." doon..
muli kong naramdaman ang mga labi ng taong mahal ko.