xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 23

Chapter 23

Hawak hawak ni Ginji ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Tapos mamaya maya, bigla na lang syang huminto.

"Gaano ba kayo kaclose ni Nate? Ganon na ba kayo kacomfortable sa isa't isa para pumasok pa kayo sa couple booth?!" namumula ang pisngi nya. At magkasalubong ang mga kilay nya. Ang cute nya. Nagseselos ba sya?

"Ano!?" bumalik ako sa sarili ko. Tumungo ako at napansin ang magkahawak naming mga kamay.

"Ano.. si Nate. Si Nate ang nagbigay ng ticket sakin. Gusto nyang bigyan tayo ng time sa isa't isa. Kasi..






sinabi ko sa kanya na.. iniiwasan mo ako."
  binitawan nya ang kamay ko.

"So gusto mo. Laging nasa iyo ang atensyon ko."

Tiningnan ko syang mabuti. Pero hindi sya makatingin. At nung tumingin sya..





"Gusto mo ba akong maging boyfriend?" hindi ko napigilan ang sarili ko at tinulak ko sya.


"NGAYON LANG! Ngayon lang ako nainis sa mga sinabi mo!!"  at tumakbo ako.



Nakakainis ka talaga Ginji! Akala ko maaayos tayo ng pagkikita natin. Akala ko sa plano ni Nate, hindi mo na ako iiwasan. Akala ko malalaman ko na ang tunay mong nararamdaman sakin. Pero all this time pala, ako lang ang nag-aalala. Ako lang ang may pake. So you're just doing the part of being a guardian kaya ka ganon sakin noon. Nakakainis lang at nagpaniwala ako na maaari.. at pwedeng maging tayo.

Na pwede kang magkagusto sakin. Palagi mo na lang akong sinasaktan. Sawa na ako.





Dapat na ba kitang kalimutan?



"Ah?" umayos naman sya ng tayo. At ngumiti sakin.

Madaming taong napapatingin. Pero sigurado naman na sanay na sya. Ugh. Naiilang ako.

"Gusto ko lang alamin kung nasaan ang room ni Ginji, at this time?" tumango naman ako. Naglakad kami. At mukhang.. hindi ko talaga maiiwasan si Ginji.

Pagpunta namin sa room, wala sya. Madami pa ngang nagkagulo dahil kay Gael Min Ji. Pero nung nagtanong si Gael kung nasaan ang kapatid nya, tumahimik na sila at sinagot ang tanong nya. Ang lakas nya sa tao. Kahit sino walang tatanggi sa kanya. Sa kagandahan nya at katalinuhan. Maswerte ang magiging boyfriend nya. At speaking of boyfriend. Meron kaya siya?


"Ito na yung old building. Madalas sya dito." naalala ko tuloy nung mabato ko sya ng malaking bato. The kiss. Err~

Naglakad pa kami. At habang naglalakad kami. May naririnig kaming nag-uusap. At habang pinakikinggan namin, yun pala.. ay tungkol sakin.

"Ahaha! !@#$ ka nga talaga! So anong ginawa nyo pagkatapos nun?"

"Yun na ang pinakagago sa kwento na'to, Nate. Tinanong ko sa kanya kung gusto nya akong maging boyfriend!? Agh diba?! Sinong matinong lalaki ang magtatanong ng ganon sa babaeng gusto nya?" tumawa sila. Si Nate at Ginji ang nag-uusap.

"E bakit mo nga ba sya iniiwasan?" biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Gusto mo bang tawagan ko--" umiling si Gael at nagstay sya. I think gaya ko, gusto rin nyang marinig ang pag-uusapan nila.

"Isa pa yun. Nate, kainis pala pag ang daming tinatago! Hindi tuloy ako makapag-isip. Kaya iniisip ko, kagaya na lang to ng noon. Panonoorin ko na lang si Serene sa malayo. Bawal na ang maging guardian nya.. pero yung ganon na lang. Kesa.. sa masaktan ko sya. Ang hirap e. Baka.. pagminahal ko sya ng sobra. Baka magkameron ako ng dahilan para ipaglaban sya. Dahilan para angkinin sya. Dahilan para wag syang pakawalan..


Pero paano kung iwan nya ako. Hindi ko kakayanin yun. Ayoko ng maulit yung noon."
seryoso ba sya sa sinasabi nya?

"Parang yung Ginji lang noon ah. Ano ka ba. E ano kung iwan ka nya. Edi gawin mo lang yung ginagawa mo lagi. Walang sukuan!" sigurado ako. Ngumingiti si Nate sa mga oras na'to.

"Pero alam mo kung ano!
Ikaw ang mas !@#$! Akala mo matatago mo sakin! Alam ko Gusto mo rin sya!?"
kinabahan naman ako.


Tumahimik sila. Tanging ang heartbeat ko lang ang naririnig ko.













"Wag kang mag-alala, hindi kita kakalabanin."

 

------



Ibig sabihin.. ibig sabihin?

"!@#$ ka talaga! Sabi mo ipaglaban ko tong nararamdaman ko. Pero ikaw..-" dapat aalis na ako. Kaso pinigilan ako ni Gael. Tumingin ako sa kanya.

"We have to listen." pero.. si Nate.

"Ano!?




Ito ang una diba?"


"Matatalo ako! Wag mo akong kausapin!"

"!@#$! Kunin ko yang psp mo e! Kung alam kong ganito ang mangyayari, dapat pala di ko na lang siya sayo pinaubaya nung nasasaktan ko sya!" ako? Ako ang first love ni Nate? Ito ang first time sa kanya? Ibig sabihin.. kung hindi ako lumalapit kay Nate

"ANO BA AKIN NA YAN!



Pag ako na-game over."
bakit.. bakit di ko man lang naisip na ganito na pala ang nararamdaman ni Nate. Paano kung.. nung mga oras na umiiyak ako dahil kay Ginji, nasasaktan ko pala sya? Natatapakan ko na ang feelings ni Nate. "Kahit na, gusto ko sya. Na first love ko nga sya. Wala akong pakialam kahit hindi nya malaman. O.. kahit hindi sya maging akin. O maging kayo pa. Mas masaya ako kung anong relasyon meron kami ngayon." si Nate..


mabait talaga sya

"Ang dami mong nagawang kalokohan! Nakikipagkompitensya ka ba sakin!?



Pero.. wag kang magcoconfess sa kanya huh. Sigurado ako, mag-aalala lang sya."


"Alam ko! Isesekreto lang natin to!" napatingin ako sa likod ko. Umalis na si Gael

"Tara, laban tayo! Magkasukatan ng galing!" tumatawa sila.  Ganito pala sila kaclose. Akala ko, gaya ko, pinahihirapan din ni Ginji si Nate.



Kahit sa work ko, hindi ko malimutan ang mga pinag-usapan nila Ginji at Nate. Kahit na sabihin natin na hindi ko naman dapat marinig yun.. bakit, nakokonsensya ako. Dapat ba? Hindi ko na lang yun narinig?


Bzzt..

Tiningnan ko ang cp ko. Message galing sa barkada? Pumunta daw ako sa bahay nila Justin, may celebration. Mukhang naayos na ang problema nila ni Rayne? Nagkabalikan kaya sila? E tuloy pa kaya ang pag-alis ng bansa ni Justin? Argh!  Pero di parin malinaw sakin yung kwento nila. Ang dami ko pa palang problema.

Agad naman akong sumakay ng bus. Pumunta ako sa dulo. Tinext ko narin si Becca na on the way na ako. Dapat pagpunta ko dun, okay ako. Na wala akong problemang inaalala. Baka kung magkataon.. maagaw ko pa ang atensyon nila. This time, ako naman ang dapat makisama.

Tumigil ang bus, may sumakay na isang lalaki. At isang babae.  1 oras pa pagpunta kina Justin. Tumigil uli ang bus. Bumaba yung lalaking kasasakay lang--

"AAAAAH!!! Ang wallet ko! Ninakaw.. nya.." tumingin lahat ng tao dun sa baba e. Umupo agad sya. Pero binalewala lang sya ng mga tao. Ninakaw ba ang sinabi nya?

Mamaya maya bumaba na din ako. At pagbaba ko. Nakita kong bumaba na din yung babae. Ang cute pala nya. Yung style nya. Parang korean. O korean talaga--

*sob*


Umiiyak ba sya.

Pinanood ko sya. Umupo sya sa pinakamalapit na bench. Parang bata lang kung umiyak sya. Bakit kaya sya umiiyak?

Lalapit na sana ako..

"Miss?" may lumapit na sa kanya. Mukhang tutulungan na sya nung lalaki. Kailangan ko ng pumunta dun. 30 mins. na yun dito, lalakadin ko na lang.

"Ayoko! Bitawan mo ako.. *sob*"

"Ang arte mo naman! Sige na! Sumama ka na sakin!" napalingon naman ako. Yung cute na babae!

"Bitawan mo sya!!!" tinulak ko yung lalaki at hinarangan yung cute na babae.

"Sino ka ba!? Anong karapatan mong gawin--"

"Ipapupulis kita kapag tinuloy mo yan! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan! *sob*" napatingin ako sa kanya.

"Tss! Sino ka ba sa akala mo? Makaalis na nga. Mga walang kwenta." umalis na yung lalaki. At yung cute na babae. Namumugto na yung mata nya sa kaiiyak. Ang cute nga nyang umiyak. Nasa mga mata nya ang mga kamay nya. Parang bata lang. Ang cute nya talaga. Kaya siguro madaming napapatingin sa kanya. Madaming nakakaagaw ng atensyon nya.

Pinahiram ko sa kanya ang panyo ko, "Bakit ka ba umiiyak?" tumingin sya sakin. Suminghot sya. Ang cute talaga.

"Nanakaw.. yung wallet ko. Kanina.." umiyak na naman sya. Hala! "..wala na akong pera. Patay ako kay Kuya. Magagalit sya sakin. Uwaaaah~ tanga tanga ko kasi!" pinat ko ang ulo nya.

"Sige na. Tutulungan na kita!" sinubukan kong ngumiti para icheer-up sya.

"*sob* Talaga?" ihihm. Ang cute! Hinding hindi ako magsisising tulungan ang kasing cute nya.

Pumara ako ng taxi. Sinabi naman nya yung address nya. Tapos binayaran ko narin yung pamasahe.







"Sandali po. Ah. Uhm. Heto ang calling card ko." ngumiti sya. "Salamat talaga!" wow! parang Girl version ni Nate. ANG CUTE!!!






Magkikita pa kaya kami.