xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil: Chapter 22

Chapter 22

Tiningnan kong muli ang letter. Sabi ni Nate, ibigay ko lang to kay Ginji, siguradong hindi sya makakatanggi. No excuses. No reasons. Pero.. darating nga ba talaga si Ginji?

Umalis na ako ng apartment. At pumunta sa napag-usapan.

Pagdating ko. Agad kong nakita ang taong yun. Yung nag-iisang taong gustong gustong nakikita ng mga mata ko. Napatingin naman sya.


"Imadevil.."

"Gusto mong pumunta ng Carnival." hindi sya makatingin ng diretso. Iniiwasan nya talaga ako. Sa phone. Sa text. At kahit sa personal.

"Uhm. Pwede namang wag na nating ituloy.." agad syang tumingin. "..gusto lang naman kitang makita.." this time ako naman ang hindi makatingin. Napapatungo ako.
"Let's go." nauna naman sya.

Napilitan ba sya?

2 linggo na ang nakakalipas nung umamin sya at tinapos na nya ang pagiging guardian sakin. 1 linggo naman, nung sabihin nyang.. kahit na hindi ko sya guardian, hindi parin nya ako pababayaan. 2 days after that. Kapag tumatawag ako sa kanya. Palagi syang busy. O kaya naman di nya sinasagot. At palagi naman syang offline as imadevil. Dahil nga.. hindi ko na sya guardian. Sa mga text ko sa kanya. Saka lang sya nagrereply kapag madami message na ang nasesent ko sa kanya.

Gusto kong itanong, 'Kung ayos lang ba ang lahat samin?


"Saan mo gusto sumakay?.. o pumunta?" nakatingin sya. Cold look.

"Nagugutom ako." pinilit kong ngumiti. Fake smile.

Habang kumakain kami. Tahimik. At oo, basta kain lang. Tumitingin sya sakin. Parang di kami magkakilala. Nakakailang. Kapag may gusto syang sabihin at kapag may itatanong ako, dun lang sya umiimik. Argh. Ayoko nito.

At sa mga oras na'to. Pumunta sya kung saan, saglit lang daw. Kaya.. nakatingin ako sa ferris wheel. Sabi nila, ang ferris wheel daw ang pinakaromantic ride sa lahat. Magsasama kayo ng partner mo. Ng taong gusto mo. Sa tatlong ikot nung ferris wheel madami kang makikitang magagandang view sa baba. Magandang atmosphere.. dahil nga sa loob ng ride na yun, kasama mo ang taong mahal mo.

"Gusto mong sumakay tayo?" napatingin ako sa nagsalita. Nasa bulsa ng pantalon ang kamay nya.

Tumingin sya sakin. Ngumiti naman ako. Kahit ngayon lang. Please, gusto kong magpakatotoo sa nararamdaman ko. Mahal ko sya. At gusto ko syang makasama sa pinakasikat na ride sa mga couple.

"Sabihin mo sakin kapag nalulula ka na huh. Madali lang maconnect yung nagpapaandar ng ride na'to. Patitigil ko agad." sigh. Cold voice. Hindi na lang ako umimik.

Sumakay kami ng tahimik. Nakahalumbaba lang sya sa salamin. Nakatingin din siguro sa baba. Mas maganda lang siguro at mas romantic kung gabi.

"Bakit?" ah nahuli nya akong nakatingin. Agad naman akong umiling. At gaya nya, nanood na lang ng view sa baba.

Alam kaya ni Ginji, na all this time. Sya lang ang iniisip ko.



Pagkababa naman namin.

"Hi, Serene! Hi, Ginji." natulala ako. Si Nate. Anong ginagawa nya..

"Nandito pala kayo. Hmm.. yung kasama ko kasi. Nawala. Sabi nya bibili lang sya ng drinks." malungkot ang mukha ni Nate. "Kaso.." tumingin sya sakin. Ngumiti.

"Pwede ba akong humingi ng tulong? Pasensya na Serene, di ko ineexpect na sasabay to sa date nyo."  Argh. Namumula yata ako.

Tumango na lang ako.

Naglakad lakad kami. Lingon sya ng lingon kung saan. Hanggang sa tumigil sya habang nakatingin sa cp nya.

"Argh. Saan ko kaya mahahanap yun? Kanina pa ako text ng text." napatingin naman ako kay Ginji. Mukhang wala naman syang pakealam sa nangyayari.

"WAAAAAAAAAHHH!!!~" ang lakas ng hiyawan ng mga taong nakasakay sa roller coaster. Mukhang nakakatakot nga dun

"Ihihm. Alam mo ba, sabi nila, pagsumakay ka daw dyan sa roller coaster, mapapasagot mo ng walang pagdadalwang isip ang taong gusto mo. Mahiwaga daw ang roller coaster para sa dalwang taong nagmamahalan. Pagtumigil kayo sa gitna, hawakan mo ang kamay nya. Tapos magconfess ka. Panigurado magkakatuluyan kayo. Magiging kayo rin." tumawa sya. At gaya ng palagi, napakahonest ng mga ngiti nya. [note: nabasa ko lang po ito sa ia sa mga manga. not my original phrase]

Tumingin naman sya sa cp nya. "Naku! Ginji, pwede ko bang mahiram muna saglit si Serene. Siguro naman hindi ko kayo naaabala.." naging seryoso si Nate. "..wala naman nangyayari e." he smirk. O? Ako lang ang nakapansin?

"Bahala ka." tumalikod si Ginji at umalis

"Don't worry. After this, magiging masaya ka na." he winked.

Naglakad kami ni Nate. At alam nyo kung saan kami napunta. Sa isang couple booth. Akala ko nga hahanapin namin ang kasama nya. Basta hinigit na lang nya ako at pumasok kami. Di naman ako makatanggi dahil 'sya daw ang bahala.

"Ang galing ng booth na yun!" tumawa ako.

"Akala talaga nila couple tayo. I told you it make sense. Tingnan mo, nakatanggap ka pa ng teddy bear!" nagkatawanan kami.

Napatingin naman kami sa isang couple na lumabas pagkatapos namin.

"Wow! Napakasaya ko, honey. Napakatagal nung kiss na yun. That's so unforgetable."  kiss?

"Honey, ang galing mong humalik! Bilib ako sayo." ano ba naman. Pag-usapan daw ba?

"Saan naman kaya pumasok ang mga yun? Wala naman tayong ginawang ganon diba, Nate? Pero sa bagay, di naman talaga tayo totoong couple.-" tumingin ako sa kanya. May hinahanap sya

"Nakatingin sya."

"Huh?" may sinabi sya pero sa totoo lang. Di ko narinig.

"Serene?" hinawakan nya ang magkabilang balikat ko. "Napakasaya ko talaga. Bukod sa ang taong gusto ko ang nakasama ko. Sa ganitong lugar pa.. hindi naman kaya. That's what we called.. chances?" humigpit ang pagkakahawak ni Nate. Na para bang ayaw nya akong pumalag? Natatakot ako.

"Serene? Can I kiss you? Since everyone thinks us as couple?" lumalapit ang mukha nya.

HINDI--




"ah." may naglayo sakin sa kanya. Napatingin kami parehos sa taong yun.

"Tama na, Nate. Kung ano man yang plano mo. That's enough! Oo na! I'm jealoused! And you can't easily steal a kiss from Serene!" hinigit ni Ginji ang kamay ko. Pero..









"No! It's not a plan, Ginji!



I think--"








"YOU CAN'T HAVE SERENE!"