"Salamat po. Uwi na po ako." nagpaalam na ako sa may-ari ng convenience store. Aalis na sana ako. Nang may sasakyang tumigil sa harap ko ???
Si Justin.
Pumunta kami sa Bar. Sabi nya andun daw ang barkada. Atsaka tagal na rin naming di nagkasama-sama. Pagdating ko dun, nagkabatian lahat. Yun pala birthday ni Anton. Hinanap ko muli si Rayne at naalala ko rin ang nangyari sa cafeteria nung minsang napagchismisan kami ni Justin. Mag-eexplain pa nga pala sya sakin.
Pero dahil sa masayang nag-iinuman ang barkada. Siguro isasatabi ko muna ang topic na yun.
Nakisabay ako sa kasiyahan nila. Mukha namang walang problema. Tumatawa si Becca at Anton tungkol sa school. Si Rex kausap daw yung bagong gf.. at si Justin, umiinom. Ah! Napatingin sya sakin.
"Serene, tungkol nga pala dun sa nangyari nung isang araw.. gusto kong sabihin na 'pa--"
"HAPPY BIRTHDAY, ANTON!!" napatingin kami sa biglang sumigaw.
:o
"Rayne! Late ka na naman!" nagbanggaan ang mga fist nila.
Tumingin si Rayne samin isa-isa, except kay Justin.
"So ano, inuman na!" tumawa naman kami.
"Rayne!" may bigla namang tumawag sa kanya. :o At..
"Oh. Neo!" ngumiti yung guy at pumulupot ito sa bewang ni Rayne. What the-- "Guys, this is Neo, a good friend of mine." ngumiti naman kami. Pero kita ko si Justin na nakatungo.
"Neo pare, upo ka!" ano ba talagang nangyayari? Justin niloko at sinaktan mo rin ba si Rayne gaya ng ginawa mo sakin. >:(
Habang nag-uusap ang barkada. Nagpapatugtog naman sila ng familiar na kanta. Parang live band. Yung Dj ba ang nagpapatugtog o naghire ang bar na'to ng singer? Lalaki. Ang ganda ng boses.
"Argh! Pero alam nyo ang pinakanakakatampo sa lahat!" hayy.. lasing na si Anton. Mukhang di na nya alam ang sinasabi nya. "Etong si Justin!" ???
Napatingin naman ako kina Rayne. Nakahawak parin yung Neo sa bewang ni Rayne. "Ahaha. Oo naman." at sobra silang close.
Kahit na magkakasama kami, iba iba naman ang topic. Sarisarili din ng pinag-uusapan.
"Haha! Tama ka dyan e. Bakit ka nga ba aalis pa, Justin!?" :o
Nailaglag ko yung chichiria'ng kakainin ko dapat.
"Aalis!?" medyo napalakas yata ang boses ko dahil lahat sila ay napatingin sakin. Kahit si Rayne at yung friend nya.
"Tama ang pagkakadinig mo Serene, aalis na si Justin. Kailangan nyang sumama sa parents nya sa ibang bansa dahil sa work."
'baby, you don't have to worry
Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way'
Nag-excuse si Rayne na pupunta sa cr, nasusuka sya. Mukhang lasing narin sya. Hindi sya sinundan nung friend nya.
"Kailan?"
"a week after." nag-excuse din yung Neo. Mukhan susundan si Rayne.
'In a world where everybody
hates a happy ending story'
"Paano si Rayne?" bigla silang natahimik.
'You'll get a long with a little prayer and a song'
"Kaya sya nakipagbreak dahil dun." malungkot na pagkakasabi ni Justin.
"GUYS SI RAYNE!!!" nagulat kaming lahat sa sumigaw. Yung Neo. "N-nnasa banyo! Nahimatay!"
"ANO!?" agad na tumayo si Justin at tumakbo. Ganon din naman kaming lahat.
Habang tumatakbo ako at sinusundan sina Becca.. hindi ko naman naiwasang mapatingin sa stage na halos lahat ay nanonood. At..
'Lift your hand, baby, don't be scared
Of the thing that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
But it's time to kiss those tears goodbye'
si Ginji ang kumakanta.
-----
Lahat ay nagsigawan. Ngumiti naman si Ginji sakin, yung messed look na naman nya. Yung puro band-aid. Yung pangatlo nyang identity pagnandito sa Bar.
"Ang galing talaga ni Jin!"
"Ang gwapo talaga niya."
Gaya sa school at sa media, madami ding natutuwa sa kanya dito sa Bar. Ibang klase talaga ang taong to.
"And our next song will be sing by--"
"Serene!" tinawag naman ako ni Becca kaya agad akong sumunod sa kanila.
Dinala namin si Rayne sa hospital. Si Anton at Rex inihatid na nila Becca at Neo. Susunod na lang sila sa hospital.
After a few minutes pumasok na kami sa kwarto ni Rayne. Nalaman namin sa doctor na buntis si Rayne for 1 month, at hindi nakayanan ng katawan nya pag-inom ng alak.
"Rayne.." hindi makatingin si Rayne. Bigla na lang syang umiyak habang nakatakip ang mukha nya ng mga kamay nya.
"Rayne!" lumapit ako sa kanya. At hinawakan ang kamay nya pero pilit syang umiiwas. "Sinong ama! Rayne! Sino?!" nagulat ako ng bigla nyang pinagpapalo ang tyan nya.
"Ayoko nito! Ayoko! Ayoko! Ayokoooo~" biglang lumapit si Justin at hinawakan ang kamay ni Rayne.
"TAMA NA!" biglang tumahimik ang paligid nung sumigaw si Justin. Tanging ang iyak lang ni Rayne ang naririnig namin.
Lumabas naman ako nung maramdamang dapat sila lang ang nag-uusap. Dapat mag-usap sila. Hindi pa yata to ang tamang oras para malaman ko ang totoong nangyari sa kanilang dalwa.
Pagkalabas ko, nakita ko si Ginji. Este Jin daw.
"Bakit.." medyo gulat parin ako. Bakit sya nandito!? At bakit nya alam na nandito ako!?
"May malaking problema ang ex mo at yung ex gf nya." napatingin muli ako sa loob. Si Rayne at si Justin ang tinutukoy nya pero bakit nya sinasabi to. May alam ba sya? "Don't worry, everything will be fine. Gaya nung dati." nagkatinginan lang kami.
Aalis na sana sya, "And I hope you're fine, Serene." ngumiti sya.
Habang papalayo sya. Naramdaman ko naman na gusto ko syang sundan. Kaso.. nawala na sya sa paningin ko.
Tama. Sinundan ko sya.
Tumakbo ako. Sumakay ako ng elevator, at bumaba ng ground floor. Hinanap sya ng mata ko. Lumabas ako. Pero.. wala na sya.
'I'm done as your guardian.'
'I hope you're fine, Serene.'
*sob*
"Serene?.." nanigas naman ako nung marinig muli ang boses nya.
"Bakit ka nasa labas? Kadarating lang ng mga kaibigan mo. Mukhang pupuntahan din nila yung kaibigan mong na hospital." agad akong lumingon. At..
Nagtaklob ako ng mukha. Umiiyak ako. Akala ko iiwan na talaga nya ako. Akala ko, yun na yung huli naming pagkikita kaya nya nasabi yun. Akala ko.. akala ko.. Tapos na ang lahat samin.
"Hey..
I told you already. I want you to be fine." pinat nya ang ulo ko.
Sumakay ako sa kotse nya. Pinaandar naman nya ito. Tapos.. pinuntahan uli namin yung tulay. Yung sa ilalim ng tulay na kitang kita mo yung syudad. Yung dati..
"Salamat." binigyan nya ako ng drinks. Binuksan ko naman at ininom ng konti.
Napatingin ako sa kanya. Tumingin din naman sya. Hindi seryoso. Ang cute nga nya e.
"Ikaw si Imadevil diba?" sumeryoso ang mukha nya.
Ngumiti sya.
"At hindi mo na gustong maging guardian ko!?" inakbayan nya ako. At parang niyakap narin.
"Kahit na kelan hindi kita pababayaan. Yun naman ang pangako ko sayo diba."
----
"Ito ang mga bagong magazines diba!? Waaaaa~ Ang gwapo niya talaga!"
Kumuha naman ako ng magazines na pinag-uusapan ng lahat. At.. si Ginji ang modelo. Ito yung mga magazines ni Ginji. Ang.. gwapo nga nya dito. At bagay na bagay nga silang magpartner ng kapatid nyang si Gael. Sinong mag-aakalang magkapatid pala sila. Argh! Nakakahiya ako.. tuwing naiisip kong nagselos ako dahil inakala kong magkarelasyon sila.
Quote
To: MyGuardian
Message: papasok ka ba?
Sent..
Quote
Message: asan ka?
Sent..
Sabi nya, kahit di ko na daw sya guardian. Patuloy parin syang makikipagcommunicate sakin. Pero sa totoo lang.. ang tingin ko. Ako lang ang desperadang mapalapit sa kanya.
Quote
From: MyGuardian
Message: ayokong pumasok e.
Sabihin mo Ginji. Ako lang ba? O.. talagang iniiwasan mo ako?
"Serene?" napalingon naman ako sa tumawag sakin.
"Nate.." ngumiti sya.
Pumunta kaming cafeteria pagkatapos nun. Nitrit naman nya ako ng drinks. Hindi na ako kumain, busog pa kasi ako.
"Uhm. Kamusta ka naman? Kayo ni Ginji?" napatigil ako.
"Nate..
sa tingin mo. Mahalaga ba ako sa kanya?" hindi ako nakatingin sa kanya.
"Ano ka ba! Syempre naman!" proud nyang sinabi. Kaya tumingin ako sa kanya. Nadisappoint naman sya nung makitang malungkot ako. Kaya nagtaklob ako ng mukha. At tumawa.
"Hahaha! Pasensya ka na! Ang weird ko no. Kung ano anu ng natatanong ko." tumayo ako. "Sige alis na ako, Nate." agad naman akong tumakbo.
Ang tanga tanga ko naman kasi. Bakit ko ba natanong yun kay Nate!? Sa ginawa ko, mag-aalala lang si Nate! Ang tanga ko talaga! Ako lang naman ang nag-iisip ng mga to. Ako lang ang nakakapansin.. na umiiwas na sakin si Ginji. Iniiwasan naman nya talaga ako e. Kahit sinabi nya na hindi parin nya ako pababayaan. Ala kong may nagbago. Hindi naman yung malalaman ni Nate e. Bakit ko ba to sinasabi kay Nate!? Bakit ba pagnasasaktan ako, dumadating si Nate? Bakit palagi akong umaasa na tutulungan ako ni Nate?
Bakit kasi.. minahal ko pa ang guardian ko!?
'Hello.. Gin..'
'Serene! Pasensya ka na. Pwede mamaya na lang tayo mag-usap?'
'Ginji, anong ginagawa mo?'
sent.
'natutulog ako e.'
'papasok ka ba?'
sent..
'ayokong pumasok.'
Argh! Bakit ngayon ko lang naisip? Sabi nya. Nandyan lang sya at hindi nya ako pababayaan. Pero.. wala naman syang sinabing 'palagi syang nandyan pagkailangan ko sya' dahil.. di ko na sya guardian.
Bumagal ang paglalakad ko. I think papasok na lang ako sa klase ko kahit wala ako sa mood.
Hahayaan ko na lang na gawin ni Ginji ang mga gusto nya. Wala narin naman akong karapatan. Dahil.. hindi ko na sya guardian.
"Ah. Francis."
"Hello." he smirk. Para bang may iniisip na naman syang masama. "Mukhang masama yang iniisip mo sakin ah." lumapit sya sakin.
"So inamin na pala ni Ginji na sya nga ang guardian mo." bakit sya ngumingiti ng ganya. nakakainis a. "Hmf! !@#$ talaga yun. Hindi ba nya naisip kung ano ang ginawa nya. Ang pag-amin ng sikreto nya.. ang maglalapit sa katotohanan." tapos bigla nyang binulong yan sa tenga ko at umalis.
Parang akong tuod na walang magawa. Natulala ako sa sinabi't ginawa ni Francis. Hinanap ko sya. Pero wala na sya. Ano na naman bang binabalak mo Francis? Maayos na nga lahat. Malinaw na nga ang lahat. Pero.. ano yung katotohanan na tinutukoy mo? Sa nakaraan ko?
Argh!
Naglakad na lang uli ako. Uuwi na ako. At kahit ayokong isipin. Patuloy na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi nya.
Beep! Beep!
Nate?
Nakangiti syang lumabas ng kotse nya. Lumapit sya sakin.
"Here." may inabot syang 2 ticket.
"Ano to? Carnival? Ano namang gagawin--"
"Yayain mo si Ginji. Itext mo to sa kanya. Sigurado ako. Hindi sya makakatanggi this time. Wala ding excuses." tumalikod na sya. Tiningnan ko naman kung anong nakasulat.
"Sandali! Pero bakit!?"
"Huh? Bakit? Kailangan ba talaga ng reasons?" napakahonest ng ngiti nya.
"Nate.."
"Gusto ko lang na maging masaya ka na, Serene. At ako? Hindi ko magagawa yun. Si Ginji. Kaya.. susuportahan ko na lang kayo. Ikaw." nagkatinginan lang kami. Napakainosente ng mga ngiti ni Nate.
"Salamat, Nate."