xmlns:fb='http://ogp.me/ns/fb#' My Guardian Devil

Chapter 27

Lumabas ako nung gabing yun. Masakit parin ang leeg ko pero medyo nakakaibo na ako. Naiirita ako kay Ginji pagnaaalala ko yung tawa niya. Buti na lang at nakatulog na sya.. kaso, naaalala ko parin yung mga sinabi nya.

Naglasing si Gael at si Nate lang ang nakapigil kay Gael. Ganon ba kainlove si Gael kay Nate.. kaya siguro nung una kong nakita si Gael, ganon sya makaasta kay Nate. Pero.. alam ni Gael na ako ang gusto ni Nate. At hindi alam ni Ginji na alam ko na na gusto ako ni Nate. Agh. Ang hirap naman nito. Kanina pati.. si Nate, mukhang nasaktan niya si Gael.

"Uy bakit gising ka pa?"




BLAG!!!--
Parehas kaming napalingon sa kinaroroonan ng tunog. At.. sa kwarto nila Nate yun. Agad naman akong nagtatakbo. Dapat pipigilan ako ni Ginji pero nagdirediretso ako. At pagbukas ko ng pinto--

"GAEL! NATE!--" napatingin silang parehas sakin. Kaya agad kong sinara ang pinto at nagsorry ako. Eksaktong dating naman ni Ginji.

"Sinabi ko na sayo, wag mo na silang guluhin." sumunod naman ako sa kanya.

Pumunta kami dun sa may parang garden. Masarap pagtambayan.

Tahimik lang si Ginji. And as I always says, ang gwapo niya. Namimiss ko na yung ganito kami. Pero.. iba na ngayon, nililigawan na nga pala niya ako. Pero.. bumabalik parin sa isipan ko ang mga nangyari. Si Gael at Nate, ano ba talagang nangyayari sa kanila. Si Gael, nakapatong sya kay Nate habang nakabathrobe pa sya, at nakahiga naman si Nate sa sahig. Mukhang.. may hindi sila pagkakaunawaan.

Mali atang sumama kami ni Ginji dito. Nagulo ko lang ang.. date nila Nate at Gael.

"Gabi narin naman, bakit di kaya tayo lumabas muna. Mas maganda, mas madaming liwanag." nakangiti sya. Ang ngiting hinding hindi mo matatanggihan.

Bumalik kaming kwarto para magbihis. Sya nauna tapos ako. Pagkatapos ko namang magbihis, naalala ko bigla sila Nate. Pero bigla naman akong hinatak palabas ni Ginji.

"Saan ba tayo pupunta? 11 na pala oh. Baka wala na tayong mapuntahan sa mga oras na to." hindi sya umimik. Ito ang ayaw ko sa kanya e.

"Bukas babalik na tayo. Kaya enjoyin na lang natin ang pamamasyal." hayy.. 5 mins. di syang di umimik a.


Naglakad lakad pa kami. Hanggang sa may nakita kaming abandonadong hotel. At ang gulat ko nung makitang papunta nga kami dun. Napatigil pa ako sa paglalakad pero si Ginji tuloy tuloy lang.. nakakatakot nga e. Ang dilim dilim kaya!

"Ginji! Sigurado ka ba sa pinupuntahan mo! Hindi ka ba natatakot, mukhang! ..haunted.. hote.. Ito eeeh.." nakakapit na ako sa kanyang damit habang palingon lingon sa paligid. Pero sya dirediretso lang. Walang imik.




  Tapos umakyat pa sya ng 2nd floor.

"Ginji!!!" hinawakan ko na ang braso niya.

Nakangiti lang sya. Tapos hinawakan niya ang kamay ko at pumunta pa kaming 3rd floor. 4th floor. Waaaah~ Andaya naman kasi, alam naman nyang mas kinakabahan ako sa kanya kaysa sa takot na nararamdaman ko.


Hanggang.. sa umabot kami ng rooftop. Wow. May rooftop pa pala dito. Hanggang 5th floor lang pala ito e. Hotel ba to o Motel? Hehehe..

"Sa kabila ng kapangitan ng lugar na'to, may natatago parin tong kagandahan." napatingin ako sa tinitingnan niya. At.. sa kamay naming magkahawak.

"Anong maganda?-" oo. Kitang kita mo ang syudad. Madaming ibat ibang ilaw sa buong lugar. Bukod sa mahangin, wala na..

Mas maganda pa yung view sa school e. Flowered bed na heart shape. astig!

"Iappreciate mo kasi!" ginalaw niya ang kamay naming maghawak. Kinabahan na naman ako.

Tapos bigla nyang binitawan at umupo sya bigla, "umupo karin." Ginawa ko naman. At--

"Dito na muna tayo hanggang mag umaga." ipinatong ni Ginji ang ulo ko sa balikat nya. Natuwa ako bigla. Tapos.. hawak na uli niya ang kamay ko.







Ganito ba talaga sya manligaw. Ang simple simple, walang kaeffort effort pero.. nakakakilig.